5. Shot

19.5K 681 177
                                    

Chapter 5

"Kung anuman 'yang problema mo, iinom natin yan. Tropa na tayo, hindi ba? Tara empi."

Heaven knows how much I wanted to say fvck no. Gusto kong mapag-isa at mag-isip isip. I am not even in the mood to talk to anyone. Ngunit sino ba namang hindi makakatanggi sa tomboy na ito? Maayos akong tumanggi pero panay ang katok niya sa bintana ng kwarto ko.

"Yan! Lumabas din," she exclaimed excitedly when I finally came out of the house with my straight face on. Tinapik niya ang monobloc chair sa tabi niya kaya dun ako pumwesto.

Pagkaupo ko dun ay napatingin ako sa mga pagkain na nakalatag sa monobloc table. Bukod sa Emperador lights ay mayroon ding mga pulutan na medyo bago sa paningin ko. Actually, hindi sila bago in a sense na ngayon ko palang nakita. Nakakapanibago lang siguro kasi madalas na Onion Rings, Friend Calamari with sour cream dip, Mozarella Nuggets, Artichoke and Parmesan dip, Gambas, Sizzling Pork Sisis, Nachos at ang pinakapaborito kong Buffalo Wings ang nakahain sa inuman. Damn! I suddenly miss Derrick's crib— The Midas Bar.

"Oh, anong tinititigan mo dyan? Masarap 'yang Adobo. Ako ang nagluto nyan. At saka itong mga manggang ito, bagong pitas mula sa puno namin. Tatay ko naman ang nagluto nitong Bagoong Alamang. Tikman mo. Napakasarap nito," alok ni Kosher bago ako inabutan ng shot glass. Napakunot pa ng bahagya ang noo ko dahil ang taas ng pagkakatagay niya na halos punuin na ito. "Tagay na agad!"

Wala na akong nagawa kundi inumin na ang alak. Halos gumuhit—- Ay, shet! Hindi lang pala halos kundi gumuhit talaga ito nang mainit sa lalamunan ko. Fvck sh1t! Nabigla ang sistema ko dun.

"Kosher naman kasi, ang taas ng tagay mo!" Sisi ni Jordan kay Tomboy na humahagalpak sa tawa. Napailing nalang tuloy si Jordan habang inaabutan ako ng isang baso ng Coke na mabilis kong ininom bago sumubo ng pulutan na mani. "Sanay ka ba uminom ng hard? O beer lang ang mga trip mo?"

"Okay lang—"

Bigla sumabat si Tomboy. "Wala ka pala e!" Alaska ni Kosher sa akin bago tunggain yung nasa shot glass. Naubo ako sa ginawa niyang dire-diretsong paglunok sa alak na akala mo e ginawa lang 'yon na tubig. "Mahina 'tong kainuman natin, boy..."

I scoffed at what she said. Masyado akong ina-underestimate e. "Nabigla lang ako sa lasa ng alak na ito. Ngayon ko lang kasi natikman e."

"Wala bang Emperador Lights sa Maynila? Gagi! Uso kaya ito dun. Ah! Baka sanay ka sa Kwatro!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kwatro?"

"Oo. Gin lang hindi mo pa alam? May Kwatro, may Bilog. Tapos titimplahan ng Pineapple juice. Pero okay na rin itong Empi. Sapat na ito para lumabas yung pangalan ng nagpapasama ng loob mo," she laughed ridiculously. "Charot!" 

Napatingin nalang ako Jordan na pailing iling nalang. Siya na ang sumunod na tumagay bago ako inabutan ng shot glass. Just like the first time ay halos maduwal ako. Tumawa na naman tuloy si Tomboy kaya medyo nainis na ako.

"Hindi kasi ako sanay sa Emperador o Gin. Madalas ang iniinom ko ay Pale Pilsen, Hoegaarden o kung hard man ay Hennessy Cognac, Jack Daniel's o Black Label," sabi ko bago tumagay ulit kahit na kakatapos ko lang. "But this one? It's not bad at all."

Napanguso siya sa sinabi ko bago inagaw sa akin ang shot glass at tumagay ng kanya. "Aba, sosyal. Mayaman ka nga siguro sa Maynila 'no? Tunog mamahalin yung mga alak na binanggit mo e."

Naningkit ang mga mata ko sa komento niya kaya napatingin ako agad kay Jordan na para bang nanghihingi ng back up. Langyang dilang ito! Sabi ko na nga na dapat low profile lang ako dito pero pinapahamak ko ang sarili ko. Lasing na ba agad ako?!

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now