28. Paubaya

5.7K 377 169
                                    

Chapter 28

Para bang ang bilis ng pangyayari. Parang kanina lang, nagkasagutan pa sina Lily at Kosher sa harapan ko. At pagkatapos no'n ay sinundan ko si Kosher nang mag-walk out siya. I listened to all her outburst, grabbed her, kissed her on the lips to shut her up and confessed to her how much I like her and in just a blink of an eye, something happened that got us over with this whole shit.

Tumama lang naman ang kamao niya sa kaliwang pisngi ko. Parang nag-slow motion lahat ng nasa paligid ko. Everything around me turned into a blur as I fell flat on the ground. At nang bumalik ako sa huwisyo, huli na dahil wala na siya sa harapan ko. Kosher just left me feeling so fucked up.

At ngayon, naglalakad ako pauwi habang haplos-haplos ang pasa ko sa mukha and also thinking what went wrong. Gulong-gulo ako sa nangyari. Hindi ba nagustuhan ni Kosher ang pag-amin ko? Didn't she appreciate that I finally had the guts to reciprocate her feelings?

"Pakshet!" Sinipa ko ang nadaanang kong maliit na bato sa kalsada dahil sa sobrang frustration. Damn. Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.

Pag-uwi ko, nadatnan kong madilim pa ang buong bahay kaya nagtaka ako. Ang ibig sabihin lang ay wala pa si Jordan. It's almost 11PM already yet he's still not home yet. Usually, ang pinaka-late niyang uwi ay 8PM. Mukhang iniiwasan nga talaga niya ako.

Pagkabukas ko ng pinto ng bahay ay didiretso na sana ako sa pagpasok kung hindi ko lang narinig na bumukas yung gate sa labas. Paglingon ko, nakita ko si Jordan na inaalalayan ng dalawa niyang kaibigan na kung hindi ako nagkakamali ay sina Lester at Roy. Naalala ko, nakalaro namin sila ng basketball noong bagong dating palang ako dito sa Lobo noon.

Sinalubong ko sila sa terrace at makumpirmang lasing si Jordan nang mapansin kong pasuray-suray ang bawat hakbang niya.

"Magandang gabi, Toffer," bati ni Roy. Si Lester naman ay tinanguan ako bago nila ako lagpasan para ihatid si Jordan sa kwarto nito.

Habang dinadala siya sa kwarto ay narinig ko pang may mga sinasabi si Jordan na hindi ko maintindihan. Basta ang alam ko lang ay nabanggit niya ang pangalan ni Kosher. I totally get it. Mukhang dinidibdib niya ang pagka-reject sa kanya ni Kosher.

"Toffer, mauna na kami. Ikaw na ang bahala kay Jordan," sabi ni Roy kasunod si Lester habang palabas patungo sa terrace.

"Mukhang naparami ang inom ninyo," sagot ko habang sinasabayan sila papunta sa gate.

"Oo. Gusto niya raw bumarek. Sinamahan nalang namin kasi kailangan niya raw." Si Lester.

Hindi nalang ako kumibo dahil medyo nakaramdam ako ng guilt. Somehow at some point, ako ang dahilan kung bakit siya nasasaktan ng ganyan.

"Salamat sa paghatid kay Jordan. Ingat kayo sa pag-uwi." Isasarado ko na sana ang gate noong makalabas sila nang humarap ulit si Lester sa akin.

"'Tol, saglit," pigil niya. "Ngayon lang namin nakitang nagkakaganyan si Jordan. Sobrang distracted siya. Sineryoso niya kasi yung pagkabasted sa kanya ni Kosher."

Napaiwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. I know where this talk is leading to.

"Halos buong buhay nila ay magkakilala na sila. Bata palang si Jordan, pangarap niya na si Kosher. First love, e. Kaya baka naman pwedeng magbigay-daan ka muna."

***

Inaasahan ko nang sasabihin iyon ni Lester bilang tropa ni Jordan pero hindi ko pa rin maiwasang matameme. He seemed to have rubbed to my effin' face that I am messing up Jordan's love life but in a very nice way. But guess what? Those words haunted me even in my sleep. Isama na rin yung pagsapak ni Kosher sa akin matapos kong umamin na gusto ko siya.

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now