16. Hangover

9.8K 559 384
                                    

Chapter 16

What happened last night has bothered me until the next morning. Kaya naman hindi kataka-taka na nagising ako na bad mood na agad. Damn. Hindi ko alam na may ka-walang hiyaan din palang taglay si Jordan. Tama bang akuin ang bagay na hindi niya ginawa? Moreover, isang good deed na iba ang may gawa pero siya itong nag-grab ng credits.

May tawag du'n e. Nasa dulo na ng dila ko.

Ahh... Oo.

Gago ang tawag du'n. Isa siyang gago.

Kalalabas ko lang ng kuwarto. For the first time in more than one month of staying in Lobo, I finally got to sleep comfortably in a fully air-conditioned room. Para nga akong nanibago sa aircon dahil nagising akong barado ang ilong.

Dumoble ang inis na nararamdaman ko nang mahagip ng paningin ko si Jordan sa hindi kalayuan. I breathed in to calm my nerves as I let the morning breeze touch me. I should clear my mind from thoughts about what happened last night. Ganun talaga. May mga taong sadyang tila ay namumuhay para magpa-impress. Hindi pa ba ako sanay sa ganoon?

Umiwas agad ako ng tingin at naglakad sa kabilang direksyon nang mapakita ako ni Jordan. Patay malisya lang na hindi ko siya kuno napansin.

"'Tol!" sigaw niya.

Nalukot ang mukha ko. May gana pa talaga siyang tawagin akong 'tol?

"'Tol!" ulit niya kaya tumigil na ako at nilingon siya. Ilang dipa nalang ang layo niya mula sa akin kaya nilakihan niya ang mga hakbang niya para tuluyang makalapit. "Galit ka ba?"

Bumuntong-hininga ako para muli pakalmahin ang sarili ko pero sa totoo lang, nakakuyom na ang kamao ko sa likuran ko. Okay. Toffer, kalmahan mo lang. Mas nakababata 'yan sayo.

"Galit ka ba sa nangyari kagabi?" tanong niya ulit.

"Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong gawin iyon, Jordan. Alam natin kung sino sa ating dalaw ang nagligtas kay Kosher. Bakit mo inako?" I tried to sound calm pero ang totoo, simula pa kagabi ay kumukulo na ang dugo ko sa kanya.

Jordan started to look much more uneasy. Ni hindi makatingin sa akin nang diretso't pakamot-kamot pa sa batok.

"Pasensya na, 'tol. Ayoko lang namang isipin ni Kosher na wala akong silbi. Ako itong kasama niyang lumangoy dun sa dagat pero hindi ko man lang nagawang sagipin siya."

Mas lalo akong na-bwisit sa dahilan niyang baluktot. Paano pala kung wala ako roon nang mangyari iyon, magngangangawa pa rin kaya siya? Lintek 'to.

"Tss..." A sarcastic grin crept from my lips and then I shot him a glare. "You're selfish as fuck, Jordan. Nakaka-disappoint ka. Naisip mo pa ang ego mo sa gitna ng pangyayaring iyon?"

"Pasensya na, 'tol, pero pwede bang huwag na natin palakihin ito? Ayokong magkasira tayo dahil lang dito. Inaamin ko naman na mali ko 'yon e. Kung gusto mo, sasabihin ko ang totoo kay Kosher mamaya," seryosong sabi niya.

Ano kami bata? Biglang bawi? It's a prank, ganoon? Gago talaga.

Umiling lang ako. "Huwag na. Nasabi mo na, e. Huwag mo nalang ulitin," I replied dryly.

For some reason, bigla kaming binalot ng katahimikan. Wala ni isang nagsalita sa aming dalawa. Napansin ko na rin na nagsisipag-labasan na mula sa kanya-kanyang kwarto ang mga barkada ko.

"Tapos na ba? Wala ka na bang ibang sasabihin?" Nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa akin pero agad din nagbawi ng tingin. "Kung wala na, puntahan na natin sila sa cottage."

Maglalakad na sana ako patungo sa cottage nang bigla na namang magsalita si Jordan.

"Huwag mo sana akong masamain pero may gusto ka ba kay Kosher?"

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now