41. Dalampasigan

2.9K 104 103
                                    

Chapter 41

I had a feeling this day would come, but damn, it's happening way sooner than I thought. I mean, I'm totally down to own up to my feelings for Kosher no matter what, going against all the odds and stuff. But I'm also worried about Jordan. Pero teka nga. Bago ko pa naman naging girlfriend si Kosher ay napag-isipan ko na ito nang mabuti. So why the hell am I freaking out now?

Shit, I just really don't want to hurt Jordan. Alam ko namang wala akong masamang intensyon kay Kosher pero no matter how much I try to explain, I know he's gonna turn a blind eye and feel all pissed and betrayed. Kahit naman sa akin gawin 'yon e magagalit din ako nang malala. I totally screwed up our bro code and it's all on me, being the older one who went and broke it.

But damn, I gotta face the consequences. Mahal ko si Kosher at gusto kong patunayan na seryoso at tapat ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Just this once, magpapaka-selfish na ako.

On the way na ako sa tagpuan nang tumunog ang cellphone ko. As expected, tumatawag si Kosher.

"Tope!" bungad niya sa akin. "Nagkita na kayo ni Jordan?"

"Hindi pa nga e." Nilibot ko ang tingin ko sa paligid. Pangatlong stop ko na ito pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Huwag kayong magbababag, Tope, ha!"

Napakunot ang noo ko. Panibagong salita na namang madadagdag sa vocabulary ko. "Anong magbababag?"

"Ang ibig kong sabihin, huwag kayong mag-aaway! Baka magkainitan kayo, jusko!" huminto siya saglit tapos narinig ko yung mga susunod na yabag niya sa kabilang linya. "Susunod na nga lang ako. Saan ba yan?"

Yun na nga e. Balak pa yatang pahirapan ako ni Jordan kung saan niya ako gustong kitain. Sa haba ng dalampasigan sa Lobo, hindi ko alam kung saan ko siya hahagilapin. Pero kahit naiinis na ako, sige lang, pasensya lang. Ako ang nakaagrabyado e.

"No need, Kosher. Huwag kang mag-alala. Mag-uusap lang kami."

Bumuntong-hininga siya. "Promise?"

"Promise," I replied and then paused for a moment, "Pero kung bubugbugin niya ako, then it's fine with me. I totally deserve it."

Maligaw-ligaw na ako kung saang dalampasigan ko ba siya kikitain. Palubog nalang ang araw pero hindi ko pa siya mahanap. Kapag tinitext o tinatawagan ko naman, ayaw niyang sumagot. Then I suddenly remember the place where Kosher almost got drowned.

Pinaharurot ko ang motorsiklong hiniram ko kay Kosher at dumiretso roon. Nakumpirma kong tama ang hinala ko dahil nakita kong nakaparada ang motor ni Jordan sa bakuran. Mabilis akong tumakbo para hanapin siya sa dalampasigan at pagdating ko ay nakita ko kaagad yung back figure ni Jordan. Nakaupo siya sa buhanginan habang nakatulala sa dagat at umiinom mag-isa ng Red Horse.

"Nandito ka lang pala. Kung saan-saan kita hinanap."

Nilingon niya ako. Namumugto ang mga mata niya. Halata ring wala pa siyang tulog.

"Kamusta?" I asked, and then realized that my question might have been a bit thoughtless.

"Hindi kita pinapunta rito para magkamustahan lang. Huwag kang magpanggap na walang malisya sa mga ginagawa mo sa akin," he snorted, his voice dripping with annoyance and distrust.

Teka. So, nasa akin lang ang sisi. Fine. I'll take the blame. It's on me, as it should be.

Tumingin siya sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mata ang sakit at galit. "Kailan niyo pa ako niloloko?" tanong niya, puno ng pagkadismaya at inis.

"M...mag-iisang buwan na rin."

"Tarantado talaga," bulong niya sa hangin at saka sarkastikong tumawa pero maitago ng mga mata niya ang sakit na nararamdaman niya. "May pag-udyok ka pa sa akin na ligawan si Kosher tapos sasalisihan mo lang pala ako? Alam mo kung gaano ko siya kagusto. Na mahal ko na siya simula pa noong mga bata kami... tapos susulutin mo lang pala siya sa akin?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now