7. Trip

11.7K 549 230
                                    

Yhel's Note: I'm changing Santa Catalina to Lobo, Batangas.

Chapter 7

Sa totoo lang, naguguluhan na ako sa nangyayari. Originally, I offered help to Jordan to court Kosher. Hindi ko naman inaasahan na pati itong si Kosher ay magpapatulong din sa akin para makipagbalikan ulit sa ex-girlfriend niyang si Lily.

"Dude, what am I? A fvcking love guru?"

Tawang-tawa lang si Jordan sa kinuwento ko sa kanya tungkol sa paghingi ng tulong sa akin ni Kosher sa pagporma kay Lily. Kahit hindi naman dapat e nafufrustrate ako sa nangyayari. My sole concern is Jordan. Gusto ko lang naman siyang magkaroon ng girlfriend. Malas lang niya kasi ang natipuhan niya ay isang lesbian.

"Toffer naman kasi, pwede naman nating huwag nang ituloy ang panliligaw ko kay Kosher."

"Tss. Yan ka na naman," iritable kong tugon sa kanya habang nasa dining area kami para mananghalian. "Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Liligawan mo si Kosher."

"Babae nga kasi ang gusto niya, 'tol."

"Pero gusto mo siya, 'di ba?"

Natahimik siya. Marahil pinili niyang huwag sagutin ang tanong ko dahil obvious naman na alam ko ang kasagutan. Wala lang. Gusto ko lang ipamukha sa kanya yung katotohanan. Damn, why am I obssessed with the idea of Jordan being in a relationdship with Kosher anyway? Bored yata talaga ako at gusto ko ng challenge.

"Okay, Jordan." Uminom muna ako ng tubig bago ko siya ulit tinignan. "Tell me, may iba ka pa bang nagugustuhang babae bukod kay Kosher?"

He spaced out for a moment and then let out a sigh. "Wala e," malungkot na sagot niya na may halo pang iling.

"Hmm. Si Lily kaya?"

Nanlaki ang mga mata niya dsa suhestyon ko na para bang isang malaking kalokohan iyon. "Gago. Huwag 'yon. Para namang aahasin ko si Kosher. Ex niya 'yon e at saka, kahit kailan hindi ko nakikita si Lily bilang girlfriend ko."

"Okay. Chill, dude. Sige, ekis na si Lily," sabi ko at kinurot ang baba ko at mataman siyang tinignan. "Edi just go for Kosher."

"Bakit ba gusto mo akong magka-girlfriend? Wala naman sa plano ko 'yan."

"Wala lang. You're missing the fun of youth. Basta ituloy natin yung plano natin na liligawan mo si Kosher at hindi ako aalis dito sa Lobo hangga't hindi mo siya magiging girlfriend."

Humalakhak lang siya at pailing iling na tumayo habang nagliligpit ng pinagkainan namin. "E paano kung umabot yung panliligaw ko sa kanya ng isang taon?"

Tinulungan ko na rin siya sa paglilinis ng hapag. "Then I will stay here for one year!" Natatawang sabi ko. "But come on, dude. Kaya nga kita tutulungan, e. Hindi magtatagal yung panliligaw mo kay Kosher dahil mapapasagot mo rin siya agad. Just trust me."

Mula sa lababo ay humarap siya sa akin at mataman akong tinignan sa mga mata na para bang tinitimbang niya kung dapat ba siyang kumagat sa plano ko o hindi.

"Sige..." he said and then I grinned. "Pero tandaan mo, Toffer, na hindi straight ang liligawan ko. Hindi yon magiging madali."

"Come to think of it, it is like hitting two birds with one stone. Magiging straight na siya, magiging girlfriend mo pa. Sounds cool, doesn't it?"

Sumandal siya sa lababo at pinagkrus ang mga braso sa dibdib niya. "At paano ko naman din liligawan si Kosher kung gusto niya pa rin si Lily? 'Langya ka, alam ko ng dehado ako sa umpisa tapos itutuloy ko pa?"

"Ganyan ang pagmamahal. Pinaglalaban!"

"E diba kapag nagmamahal, kailangan din magparaya? Kaya hayaan nalang natin sila."

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon