6. Torpe

12.9K 574 161
                                    

Chapter 6

Medyo natanga ako sa narinig kong sinabi ng kaibigan ni Jordan na si Lily. Damn. Did I seriously hear it right? Ex niya itong si Kosher? Hindi ko tuloy maiwasan na titigan si Kosher. I couldn't believe that he is not really straight for Pete's sake! Akala ko, boyish lang siya pero mali pala akong ng akala. Talaga palang may pusong lalaki siya!

"Toffer..." Nabalik ako sa ulirat nang tawagin ako ni Jordan. "Magdala ka ng tuwalya. Aalis na tayo."

"Towel lang? Hindi ba tayo magdadala ng iba pa?" Outing ito kaya dapat hindi lang towel ang dala. Hindi ba kami magdadala man lang ng extrang damit pamalit?

"Towel lang, 'tol. Okay na 'yon."

Tumingin muna ako saglit sa kaibigan niyang si Lily at chineck kung may iba pa siyang dala pero mukhang wala nga kaya tumango nalang ako kay Jordan at dumiresto na sa kwarto ko para kumuha ng tuwalya. Nag-ayos na rin ako ng sarili at nagpalit ng damit. Syempre hindi ko kinalimutang maglagay ng sunblock sa katawan dahil ayoko masunog ang balat ko lalo na't magmomotor pa naman kami sa kainitan ng araw. At isa pa, isa ito sa mga bilin ni Mama sa akin noon. Huwag daw akong susugod sa arawan hangga't hindi nag-aapply ng sunblock. Naalala ko pa nga na siya mismo nagpapahid sa akin noon.

Namimiss ko tuloy bigla si Mama pero syempre nagtatampo pa rin ako sa kanya. Yun nga lang, naisip ko kung namimiss din ba niya ako. Paano kung sa pagkamiss niya sa akin, mag-tak advantage ang mga tropa ko lalo na yung kambal? Luh. Baka wala na akong Mama pag-uwi ko dahil naagawan na ako.

"Ang gago mo sa iniisip mo, Toffer. Seloso ang walangya," parang baliw na sabi ko sa sarili ko. May Mama naman silang sarili so bakit ko iniisip na aagawan nila ako ng Mama?

Paglabas ko, naabutan ko si Lily na nakaupo sa sala. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako pabalik.

Hinanap din ng nga mata ko si Tomboy. Wala siya sa loob ng bahay kaya lumabas ako. Wala rin naman siya sa terrace. Nandito pa naman yung motor na dala niya kaya malamang hindi naman yon umalis. Lumabas na ako nang tuluyan at nagtungo sa likod bahay at dun ko nakita si Kosher na pinapanuod yung mga manok na halatang wala sa sarili.

Lumapit ako ng bahagya sa kinatatayuan niya. "Hey. Ayos ka lang?"

Nilingon niya ako bigla, halatang nagulat sa boses ko. "Kingina ka!" sapo-sapo pa niya ang dibdib niya na akala mo meron siya. "Nakakagulat ka naman!"

Medyo natawa lang ako. Natawa kasi ako sa reaksyon niya. Malaki na nga ang mga mata niya tapos medyo naging extra big pa nang magulat.

"Ayos ka lang?" Ulit ko.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago siya humarap ulit sa mga manok. "Oo naman. Dapat ikaw ang tinatanong ko nyan. Senglot ka masyado kagabi."

Napakamot nalang ako sa batok ko. Hindi naman yon ang tinatanong ko. I was asking if she is okay because her ex-girlfriend is going to join us in touring me around Santa Catalina and she seemed not to expect it.

"Ahh. Medyo okay lang naman," sabi ko nalang.

"May amats ka pa yata e," sabi niya bago siya ulit humarap sa akin. "Hayaan mo! Mawawala yang hangover mo sa pupuntahan natin."

Tinawag na kami ni Jordan kaya bumalik na kami sa harap ng bahay. Naabutan namin silang dalawa ni Lily na nilalaro ang susi ng motor niya. Sinipat ko din ng tingin ang dalawang motor na nakaparada sa harapan namin. Isang itim na Yamaha Mio at yung isa naman ay gray na Honda RS150R. Not bad. At least, meron.

"Saan ang unang pupuntahan natin, Jordan?" Tanong ni Lily. Her voice was so feminine snd sweet. Mahinahon siyang magsalita at laging nakangiti.

"Sa Mangrove ang una natin, hindi ba?"

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now