24. Catcall

5.9K 494 375
                                    

Chapter 24

"Sigurado akong kanina ka pa nagpipigil ng tawa. Sige na, ilabas mo na 'yan."

Kosher finally broke the deafening awkward silence between us as she handed me one stick of BBQ. Wala na kasing nagsalita sa pagitan namin hanggang sa matapos nalang kumain ng Lomi. Siguro dahil nahihiya siya sa sagutan naming dalawa o dahil marahil sa pinigilan niya akong umalis kanina sa pag-aakalang uuwi na nga ako sa Maynila. Actually, I didn't find it funny. Ang cute niya nga, e. Parang batang nagmamaktol. She looked adorable as fuck. I even had the urge to squeeze her into a tight hug just to shut her up... but of course, I didn't. I just couldn't.

"Baka mautot ka sa kakapigil mo ng tawa, ah," pagtataray niya.

Pagkatapos naming kumain ay lumabas na agad kami sa Lomihan. At dahil gusto ni Kosher ng inihaw ay nilibre niya ulit ako't tumambay muna dito sa gilid ng kalsada.

"Wala namang nakakatawa," I finally retorted.

Umirap siya sa akin. "Sus! Plastic. Malamang iniisip mong deds na deds ako sa'yo. Tss," sabi niya bago kumagat sa isaw na hawak niya.

Hindi nalang ako sumagot dahil baka mapahamak pa ako ng dila ko. Baka mas lalo lang siyang mainis sa akin, lalo na't halatang hindi pa humuhupa yung pagkabadtrip niya.

"Kuya Tope—"

"Tope," I corrected her immediately. She just scoffed at me and shook her head sightly.

"Tope," tawag niya sa akin nang may diin. That's more like it. "Okay. Hindi ko na ide-deny na gusto kita pero pwede bang walang magbago sa atin? Ayoko ng may ilangan sa pagitan nating dalawa," she tried to sound as casual as possible but she still looked shy.

Tinignan ko siya ng mata sa mata pero siya agad itong unang umiwas. "Sure. Walang magbabago sa 'ting dalawa pero bakit ikaw 'tong umiiwas sa akin nitong mga nakaraang araw?"

"E kasi... kasi baka seryosohin mo yung pag-amin ko," yumuko siya't bumuntong-hininga.

Bahagya akong napasimangot sa sagot niya. "Bakit? Hindi ka ba seryoso?"

"S-Seryoso naman!" agap niya at tinignan muli ako sa mga mata. "Ang ibig kong sabihin, baka dibdibin mo yung pag-amin ko— na yun lang ang iniisip mo kapag nagkita tayo. Na parang 'oy, ito yung babaeng may gusto sa akin oh'. Sa madaling salita, aasarin mo ako."

"Bakit naman kita aasarin? Hindi ako gano'n." Ano ako, bata? And then a realization hit me: hindi ako yung bata kundi siya. Damn.

"Ganun naman madalas ang mga lalaki— egoistic. Nakakagwapo nga naman na may babaeng umamin sa kanila ng feelings nila."

"Huwag mong lahatin, Kosher. Para sabihin ko sa'yo, may tatlong klase ng lalaki kapag may babaeng nagcoconfess sa kanila; Una, yung gago na gaya ng sabi mo ay egoistic. Nakakagwapo sa kanila 'yon. Pangalawa, yung lalaking appreciative dahil may babaeng nagkakagusto sa kanila. Sila yung maituturing na gentleman. Pangatlo, yung walang pakielam," paliwanag ko.

"So, alin ka du'n?" she looked curious.

"Yung pangalawa," diretsong sagot ko.

Napangiti nalang siya sa sinabi ko at inubos na ang hawak-hawak niyang isaw.

"So, anong plano mo?" tanong ko.

"Plano? Wala. Ganito lang tayo. Lilipas din 'to, Tope."

Natahimik ako. I looked at her intently and tried to read her mind pero ano bang magagawa ko? Hindi naman ako mind reader. Damn, anong ibig niyang sabihin? I was confused and disappointed at the same time. Para bang hindi iyon ang gusto kong marinig na sagot mula sa kanya. I wanted to hear more than that.

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now