35. Lockscreen

5.5K 379 260
                                    

Chapter 35

Matapos naming kumain ni Kosher ay naglibot-libot muna kami sa mall. Actually, abala rin pala siya sa pag-test ng bago niyang phone habang naglalakad-lakad kami.

"Tope, dyan! Dyan ka pumwesto. Kukuhanan kita ng picture." Hinila niya ako papunta sa harapan ng standee ng Jollibee at du'n ay pinatayo. Panay ang kamot ko sa batok habang nakayuko dahil bumabalik ako sa nakaraan noong si Mama pa ang gumagawa nito sa akin. Damn it.

"Bilisan na natin, Kosher. Nakakahiya."

"Last na 'to. Promise! Say cheese!"

Actually, scam 'yon dahil nakaapat na picture pa si Kosher sa akin sa iba't-ibang establishment. Una kay Jollibee, then si Mcdo, sa NBS habang nagbabasa kuno ng libro and lastly, hindi niya rin pinalagpas ang escalator. Parang tuloy akong nag-aalaga ng bata, literally.

"Parehas ba tayo ng phone?" tanong niya, nasa phone pa rin ang atensyon niya. Mukhang ine-edit pa nga yata niya ang mga pictures ko.

"Oo."

"Patingin?"

Nilabas ko mula sa bulsa ng shorts ko ang phone ko at pinakita sa kanya. She was too quick to tap a finger on the screen causing to reveal my lockscreen. Napaawang ang mga labi niya sa nakita. That's when I realized what my lockscreen was. Holy shit.

"Patay na patay ka talaga sa akin, ano?" asar niya sa akin at may pagsundot pa sa tagiliran ko.

"Don't be too full of yourself. Osya, papalitan ko na!" Nagmamadali kong in-unlock ang phone ko. Mas lalo lang tuloy natawa si Kosher noong nakitang parehas din ang lockscreen ko sa wallpaper.

Fine. . . I admit it. Ginawa kong wallpaper at lockscreen ang picture naming dalawa ni Kosher sa Montemaria Shrine. Yun yung araw na akala ko ay iiwan ko na ang Lobo kinabukasan pero. . . again, scam na naman.

"'Wag mo nang palitan. Ito naman! Tampo agad," aniya sabay agaw sa akin ng phone ko, "Ang pangit ko dito. Kita dila pati ngala-ngala ko. Magpicture ulit tayo ng panibago."

Few more taps before she opened the camera app. Nakatingin lang ako sa kanya habang sini-set up niya for a selfie ang phone ko. From that moment, I felt so relieved. . . Una, dahil ang pangit ko din sa picture na 'yon kaya okay lang na mapalitan na at pangalawa, Kosher just made me flustered.

"3... 2... 1..." she slowly counted before she tapped the capture button. Nakalabi lang siya habang tinitignan ang picture naming dalawa. "Ano ba 'yan! Hindi ka naman nakatingin sa camera. Sa akin ka nakatitig. Hmmm, pero ang cute ko dito. Sayang naman!"

Inagaw ko sa kanya yung phone at mabilis na ipinalit iyon sa lockscreen ko. "Okay na ito kaysa dun sa dati na nakanganga ka."

"Bakit mo kasi ginawang wallpaper 'yon? Mukhang tanga."

"Yun nga lang kasi ang picture nating dalawa. Hindi ko na kasalanan kung bakit iyon yung trip mong pose noon. Para kang nagpapa-check up ng tonsils. Pfft!" I burst out laughing as I started to walk again.

"Argh!" Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako para lingunin siya. Masama ang tingin niya sa akin habang tinataas na naman ang sleeves ng uniform niya. "Burahin mo na 'yon, Tope."

"Ayoko..." I replied with a chuckle.

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. "Ah, gano'n?"

"Ganun na nga."

"Osya, sige," sabi niya at pagkatapos ay may kung anong ginawa sa phone niya. Then few seconds later, hinarap niya iyon sa akin at napasinghap ako sa nakita. "Ito na ang magiging locksaver at wallpaper ko."

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now