26. Situation

5.5K 416 229
                                    

Chapter 26

"What the hell?!"

Iyon ang sabay na reaction ng kambal kong tropa nang ikwento ko sa kanila ang tungkol sa aming dalawa ni Kosher. We have been talking over Facetime while I was inside my room.

"Dafak, lupet ni Baby Toffie! Siya ang nililigawan," Kent commented.

Brent scoffed. "Nililigawan din naman ako ng mga babae noon."

"Noon yun, amag. Iba na ngayon kasi mga gurang na tayo."

"Ikaw lang ang gurang!"

"Tapyasin ko mukha mo, e. Kambal tayo. Malamang magkaedad tayo."

"Tapyasin mo. Para mo na ring tinapyas ang mukha mo. Magkamukha tayo, e. Kambal tayo, remember?"

Napasimangot nalang ako habang pinapanuod silang magsagutan. Actually, halos 30 minutes na kaming magkausap dito at most of the minutes ay nagugol lang sa away nilang dalawa. Sarap ilusot ng kamay ko sa phone at pag-untugin silang dalawa.

"Tumigil nga kayo dyan. Ang tatanda niyo na, nag-aaway pa rin kayong dalawa," iritableng awat ko sa kanila.

"Ang tatanda niyo na, nag-aaway pa rin kayo dyan, blah blah..." Kent mimicked me. "Damn you! Matanda ka rin naman."

"Oo na," I snickered as I took in a deep sigh. Alam ko naman 'yon, e. He didn't need to scrub it on my face. "So, ano na ngang maipapayo niyo sa akin?"

This is the reason why I called them—" ang humingi ng payo sa sitwasyong kinalalagyan ko. Mabuti't hindi sila abala sa opisina ngayong araw kaya nagawa nilang i-entertain ang tawag ko.

"Sa amin ka pa nanghingi ng payo, e, malamang ang sasabihin lang namin e bumigay ka na," kent retorted with a shrug.

Syempre sinegunduhan din siya ng kambal niya. "Kaya nga. Nagkakagustuhan naman kayong dal'wa e."

"Paano nga si Jordan?" I asked as though I am losing my patience. Why can't people understand that it's not nice to aggravate somebody just so I could fulfill what I want? Parang hindi ko naman maatim na may ibang nasasaktan habang masaya ako? Hindi ganun ang tinuro sa akin ni Mama.

"Hayaan mo na yun makaka-move on din yun. Diba, kumag?"

"Nadali mo, amag!" At nag-fist bump pa ang dalawang ugok.

Napakunot nalang tuloy ang noo ko. "Ewan ko sa inyo. Ang daling sabihin, mahirap gawin. Wala tayo sa posisyon niya e."

"Ewan din namin sayo. Sa amin ka pa humingi ng payo, e kilala mo naman kaming sira ulo." Si Brent.

"Ikaw lang yun," sagot naman ni Kent sa kambal.

"Shut the hell up."

At nagkasagutan na naman sila. Hinayaan ko na muna ang dalawa na mag-away habang ako naman ay napaisip sa sitwasyon ko ngayon. I just couldn't help but think how Jordan can handle a heartbreak. Parang kailan lang, ako ang nagprisinta para tulungan siya sa love life niya samantalang ngayon ay ako pa ang magiging rason ng heartbreak niya. What the hell...

"Dude..."

"Toffer..."

"Kristoffer... Miguel... Toffie? TOPE!!!"

I snapped back from my deep thoughts when I heard the twin calling my attention. It turned out na nag-space out pala ako habang nagbabangayan silang dalawa.

"Problemado ang Mama's boy," ani Kent.

"Loko. Hindi na siya Mama's boy. Lover boy na 'yan," sabi ni Brent na sinagot ko ng pagtaas ng gitnang dalari ko. Natawa lang tuloy sila sa reaksyon ko. "Kay Alex ka nalang humingi ng payo. Dadalhin ka nu'n sa liwanag."

The Nasty Pretender [ON GOING]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora