23. Kuya

5.5K 432 213
                                    

Chapter 23

Hindi maalis sa isip ko ang naging reply ni Kosher sa text ko kagabi. In fact, paulit-ulit ko 'yon binasa hanggang sa makatulugan ko nalang. Kaya naman pag-gising ko, I told myself I will not let this day end without talking to Kosher.

I could not understand her. Anong ibig sabihin niya sa text niya't nabanggit niya si Lily? Alam ba niyang magkasama kami kagabi pagkagaling ko sa treehouse? Nakita niya ba kami o may nakapagsabi sa kanya? Dalawang araw niya akong iniwasan marahil dahil sa pag-confess niya sa akin tapos dadagdag pa itong 'Lily' related issue na ito. What now? Nagtatampo ba siya o baka naman... nagseselos?

Oh, damn. That did ring a bell. I am fucking stupid to forget that Kosher might be jealous of me and Lily. Nag-flashback sa akin ang naging reaction niya noong sinubukang mag-initiate ng move sa akin si Lily pagkatapos ng pageant— the hug she gave me when I won Mr. Lobo title and the kiss she planted on my lips during the fiesta which we were caught by Kosher. Ngayon, may posibilidad na nakita niya nga kaming dalawang magkasama dahil malapit lang sa treehouse ang bahay ng tiyahin ni Lily.

I fished out my phone and read Kosher's text message for the nth time since last night.

Kosher: Osya, goodnight na. Huwag ka na magreply sa akin. Baka magalit pa si Lily.

Napakunot noo ako at nakaramdam ng guilt para kay Kosher matapos mabasa ang text niya. She is clearly jealous and I am guilty for unpurposely making her feel that way. I know well how it feels to be jealous and that sucks!

It was almost 4pm when I typed in my text message for Kosher. Hindi ko kasi alam kung paano siya makakausap dahil sigurado akong iiwasan niya pa rin ako. Kung pupunta naman ako sa bahay nila ay baka kung ano nang isipan ng mga kapatid niya sa akin.

Me: Kosher, free ka ba ngayon?

I waited for 15 minutes and as expected, hindi na naman siya nag-reply. So, I impatiently composed another message for her.

Kosher: Bakit mo ba ako iniiwasan? Galit ka ba sa akin?

Five minutes after I sent it, I tried to call her pero binabaan niya lang ako.

"What the hell?" I exclaimed in disbelief as I stared at my phone in frustration.

And that's it! Lumabas ako ng bahay at nagmamadaling naglakad patungo sa bahay nina Kosher na mangyari katabi lang ng amin. I took a deep breath first to calm my shits down before I knocked on their gate.

"Oh, Tope? Si Kosher ba?" Sa terrace sa second floor nagmula ang boses kaya napatingala ako. It was Toby.

"Oo, e. Nandyan ba siya?"

Lumingon muna siya marahil i-check ang oras sa wall clock nila at saka niya ako tinignan ulit. "Sakto pauwi na 'yon. Itext mo nalang."

Hindi ko alam kung bakit pero natataranta ako. I badly wanted to talk to her right now. "Hindi niya ako nirereplyan, e. Parang iniiwasan niya ako?"

Bumukas bigla ang gate at lumabas si Royce na may hawak ng basketball. Tinanguan niya ako kaya tinanguan ko rin siya. "Nanliligaw ka ba sa kapatid ko, Toffer?"

My chest started to pump so fast I felt like I was going to have a heart attack at his question for some stupid reason. "Huh? Hindi—"

"Ligawan mo na," putol niya sa akin bago nilabas ang phone niya at nagsimulang mag-dial.

"Magtropa lang kami."

"Tope," lumabas naman si Ferrero at nakisingit sa usapan. "Boto kami sayo para sa kapatid namin. Obvious naman, hindi ba?"

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now