The Nasty Pretender (Prologue)

192K 3.2K 2K
                                    


ORIGINAL STORY OF MARIELICIOUS

COPYRIGHT © 2017 By marielicious

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented,is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author,and have no relation to anyone having the same names . They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author, and all the incidents are merely inventions.

POSTED: June 18, 2017 (2:40pm)

TITLE: THE NASTY PRETENDER


PROLOGUE


Si Mama o love life?

Ang hirap pumili, peste! Bakit ba kasi kailangang pumili kung parehas naman silang importante sa akin.

Baka isipin niyo Mama's boy ako, ah! Hoy, hindi ah! Mahal ko lang talaga ang Mama ko.

Akala ko, mahal din ako ni Mama. Siguro nga mahal niya ako ng sobra-sobra. Pero diba lahat ng sobra ay masama? At iyon na nga, nasobrahan si Mama. Napurnada pa ang love life ko dahil sa kanya. Ayaw niya yata akong mag-asawa! Hindi naman pwedeng si Mama lang ang babaeng mamahalin ko. Syempre pangarap ko pa rin namang bumuo ng sariling pamilya!

Sa nangyaring 'yon, nagpakalayo-layo tuloy ako at nakilala ang isang babaeng chocolate. Oo, sigurado ako sa parteng chocolate siya, pero babae? Hmmm. Babae nga ba siya o lalaki?

What a nasty pretender s/he is.

"Mapagpanggap ka! Binilog mo akong walanghiya ka!"

Fine, I am a pretender too. 

You and me. We're both pretender.

Until when are we going to pretend?


***


"Kristoffer Miguel!!"

This might be the first time I turned my back on my mom. Nagmamadali kong tinahak ang daan palabas ng simbahan. Hindi naman sa bastos ako. Mahal ko kaya si Mama pero pusang gala naman, parang sinisikipan ako ng dibdib kapag nanatili pa ako ng matagal du'n! Wala akong pakielam sa mga pesteng guests na sa harap pa ng pagmumukha ko nagbulong-bulungan tungkol sa nangyari.

Ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay si Brenda.

"Damn, Brenda. Bakit hindi ka sumipot?" I whispered to myself in gritted teeth as I made my way to the car park. Wala na akong pakielam sa mga taong nakakabangga ko sa daan. Para akong nagkaroon ng sariling mundo na kahit pa na may mga humahabol sa akin para pigilan ako ay hindi ko pinapansin.

"Toffer! Toffer!" natatarantang boses ni Kent.

Mas lalo kong binilisan at nilakihan ang bawat hakbang ko nang matanaw ko ang kotse ko. Malapit na sana ako nun kung hindi lang sumulpot ang pagmumukha ni Brent sa harap ko.

"Saan ka pupunta?!"

At idagdag pa si Kent na hinaglit pa ang braso ko. Mabilis ko siyang tinabig. "Hoy, Toffer! Kumalma ka nga muna. Hindi ka dapat ganyan. Nagpapadala ka sa emosyon mo! Hingang malalim, dude. Inhale, exhale. Anak ng! Hindi ka naman sumusunod, e!"

Mataman ko silang tinignang dalawa at lalagpasan sana sila pero agad agad silang humarang sa dadaanan ko. Napakakulit talaga ng dalawang ugok na 'to!

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now