4. Dapat

17.7K 707 171
                                    

Chapter 4

"Ikaw ba ang lalaking nanggagago sa kapatid namin?"

Napakunot ang noo ko sa tanong sa akin nung lalaking nasa gitna nila. I know that question was intended for me dahil hindi lang siya yung nakatingin sa akin ng diretso. Miski yung dalawang lalaki sa tabi niya ay nagtatagis pa ang panga. Luh, galit na galit? Gustong manakit?

"Uh, sino sila?"

Hindi ko alam kung bakit parang mas lalong nanlisik yung mga mata nila sa tanong ko. They even started to stretch their arms and neck and then clicked their fingers. Luh. Sino ba kasi itong mga 'to? Para silang manok na pula na handang makipagsabungan. At sino ba 'yong sinasabi nilang kapatid?

"Hindi mo kami kilala?" sarkastikong tanong nung nasa kaliwa. Aaminin ko. Mas matangkad at mas malaki ang katawan niya sa akin pero hindi hamak naman na mas cute ako. Syempre mana ako sa Mama ko.

Sumandal lang ako sa hamba ng pintuan at sinalubong ang tingin niya. "Malamang hindi. E kung nagpapakilala sana kayo kanina pa, edi sana kilala ko na kayo ngayon," pambabara ko.

Nagpalitan silang tatlo ng tingin na para bang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila at pagkatapos ay sabay-sabay nila akong tinapunan ng tingin na may halong pagbabadya. Damn. I am getting bored now. They are supposed to give their fists at me, aren't they? Oh, nasaan na? Dami pang dialogue e.

"E pilosopo pala ang gagong 'to e!"

Natawa ako sa reaksyon nung nasa kanan. Mukhang napikon yata dahil humakbang na siya papalapit sa akin para sugurin ako kung hindi lang humarang si Jordan. "Tama na," sabi niya at nilingon ako para bumulong. "Toffer, pumasok ka na. Ako nang bahala sa kanila."

Astig, men. May tagapaga... tagpag... tagligtas—shet. Savior na nga lang! May savior ako dito. Naks.

"Sino ba sila?" Tanong ko at nginuso pa ang tatlong itlog na nasa harapan ko.

"Mga kapatid ni Kosher," pabulong na sagot niya na halatang kabado na.

Ahhh... mga kapatid pala ni tomboy. May pinagmanahan naman pala ang pagiging highblood. At talagang nagsumbong pa sa mga kapatid para rumesbak ah. Funny.

Jordan heaved out a frustrated sigh and then faced the three little eggs. "Kuya Ferrero, Kuya Royce, Kuya Toby... Ipaubaya niyo na sa akin si Toffer. Bukod sa dayo lang siya dito sa atin e bisita ko rin siya."

I could not help but chuckle at their names. Ferrero, Royce, Reese Kosher? Puro brand ng chocolates ang mga pangalan nila ah. I bet Toblerone ang tunay na pangalan nung Toby—-

"Anong tinatawa-tawa mo dyan? Ang angas mo ah!" Bulyaw ng isa bago tinabig si Jordan at saka ako hinigit sa kwelyo. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakakwelyo niya sa akin at medyo inaangat pa ako pero ganun pa man, natatawa pa rin ako. Damn those chocolatey names!

"Kuya Toby! Tama na yan," awat ni Jordan pero tinabig lang siya ng dalawa kasama nito. That made me turn serious. What the heck. Pangalawang beses na siyang natatabig ng mga ugok na 'to ah! "Huwag kang paangas-angas sa teritoryo namin kung ayaw mong masaktan, pre!"

I shot him my bored look. "Tindi mo rin, 'no. Kanina, tinatanong mo kung kilala ko kayo kahit hindi. Tapos ngayon, naging instant kumpare na ako. Kaninong binyag?"

"Aba't ginagago mo—"

Akmang sasapakin niya na sana ako sa mukha nang mabilis kong hinuli ang kamao niya saka ko ipinilipit ang braso niya patalikod at mabilis kong isinubsob ang mukha niya sa pader ng bahay. Instinctively ay sinipa ko rin sa tiyan ang papasugod na isa pa niyang kapatid at mukhang napalakas ko yata dahil halos tumilapon siya hanggang sa nakabukas na bakuran. Out of alertness ay aambangan ko na rin sana ng suntok yung isang natira pero humakbang siya paatras at tumakbo sa kapatid na tumilapon.

The Nasty Pretender [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon