17. Siguro

10.9K 627 552
                                    

Chapter 17

"Ang bilis ng araw!" saad ni Nanay Tess pagkalabas sa terrace.

Bitbit ang tote bag na naglalaman ng mga pasalubong niya para sa mga kasambahay namin sa Maynila ay sinundan ko siya palabas sa terrace kasama ni Jordan na buhat-buhat naman ang malaking shoulder bag nito.

"Oo nga po, 'Nay. Kakarating mo lang nung isang araw tapos ngayon, pabalik ka na agad sa Maynila. Hindi ka po ba pwedeng mag-extend ng bakasyon dito sa Lobo?" tanong ni Jordan na hindi ko maiwasang maismiran dahil nababanas pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

"Hindi puwede, 'nak. Hanggang Lunes lang ang paalam ko roon. Hayaan mo, sa susunod, magpapaalam ako nang mas matagal na bakasyon," nakangiting tugon ni Nanay Tess habang tinatapik ang balikat ng anak.

Habang kinukumbinsi ni Jordan na mag-stay pa si Nanay Tess dito sa Lobo ay ako naman itong napapahikab nalang sa tabi. Medyo nabitin kasi ang tulog ko lalo na't late akong nakatulog kagabi at maaga naman akong gumising ngayong araw dahil ginising ako ni Nanay Tess para magpaalam sa akin na luluwas na nga raw siya ng Maynila.

"Dalawin mo nalang ako sa Maynila kapag hindi ka na abala sa pag-aaral mo, Jordan."

"Opo, 'Nay. Mag-iingat ka po du'n."

Bumaling naman sa akin si Nanay Tess na nahuli akong papahikab ulit kaya agad kong pinigilan ang sarili ko. "Toffer, muntik ko nang makalimutan pasalamatan ka sa binili mong motor para sa anak ko. Matagal na niyang hiling sa akin iyon, e."

I shot a glance on Jordan who was just smiling awkwardly at me pero mabilis lang iyon dahil nag-iwas siya agad ng tingin.

"Wala po 'yon, 'Nay. He deserves it..." I answered casually.

"Dapat sa graduation pa niya ko siya ibibili kaso naunahan mo na ako. Hayaan mo, babayaran—"

"Don't mention it," I cut her off and tapped her left shoulder as I gave her a warm smile. "'Nay, regalo ko nalang po iyon sa inyo ni Jordan. At pambawi ko na rin po sa anak mo na inasikaso ako habang nandito ako sa Lobo."

"Wala 'yon, Toffer," Jordan replied which I returned with a casual smile. Kahit naiinis ako sa ginawa niya nung isang araw ay hindi ko maitatanggi na may utang na loob ako sa kanya. Kung hindi kay Jordan, naging hassle marahil ang paglalayas ko mula sa magulong mundo ko sa Maynila.

"Oo nga pala. Totoo bang uuwi ka na bukas, Toffer?" Nanay Tess inquired with a hint of concern in the tone of her voice.

Pasimpleng lumipat ang tingin ko kay Jordan sa tabi niya. He must have been the one who informed Nanay Tess about my decision.

Tumango lamang ako sa kanya.

"Handa ka na bang bumalik?" tanong ni Nanay Tess.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga sa itinanong niya. "Yes, I guess so."

"Kung ganoon, magkita nalang tayo sa bahay bukas."

"'Nay, don't tell Mom I'm going back home tomorrow. Okay? Isosorpresa ko kasi siya," mahinahong sabi ko. She just nodded and smiled at me before I leaned forward to give her a quick hug. "Ingat po sa byahe."

Timing na may bumusinang sasakyan sa harap ng gate namin. Apparently, Lily's Dad is going to give Nanay Tess a free ride going to the bus terminal since papunta rin naman daw siya du'n para mag-deliver ng kung ano para sa negosyo nila.

Nung tuluyan nang nakaalis si Nanay Tess na nakasakay sa van na minamaneho ng Daddy ni Lily ay tila mas lalong naging awkward kami sa isa't-isa ni Jordan. None of us has not yet walked back inside the house. Nakatingin pa rin kami sa kalsadang dinaanan ng sasakyan.

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now