29. Loser

5.1K 395 121
                                    

Chapter 29

Stunned, I was speechless for a moment. At nang unti-unti nang nag-sink sa akin kung ano ang nangyayari ay humakbang ako para sana pahintuin si Kosher— dahil una, hindi magandang ideya ang ginagawa niya at pangalawa ay mas mapapasama ang sitwasyon kapag nakita siya ni Jordan na hinaharana ako— pero agad nakuha ni Lily ang atensyon ko na nakatayo sa likuran ni Kosher. Pinanlalakihan niya ako ng mga mata habang iniiling ang ulo niya bilang signal na huwag kong ituloy ang binabalak ko.

Damn, why am I threatened by women?

Kahit na ano pa ang iyong gusto

Okay lang basta't magkabati tayo

Gustong-gusto kita hihintayin kita

Sorry na pwede ba

Wala na. I just gave up. My feet stoned to the floor, I just saw myself looking through Kosher's eyes as I listened to her sweet voice.

Buhay ko'y nasayo

Matitiis mo ba ako oh baby

Wag sanang magtampo

Sorry pwede ba

Hindi ako makapaniwalang ako ang hinaharana ng isang babae at heto naman ako, parang babaeng tila nag-iinit ang buong mukha dahil sa hindi maintindihang pakiramdam. Para bang natutunaw ako sa titig ni Kosher habang naghuhuramentado ang lintik na puso ko... lalo na nung ngumiti siya. Shet! Fuck! Damn! Na-enumerate ko na yata ang lahat ng mura sa isip ko para lang pakalmahin ang sistema ko.

Buhay ko'y nasayo

Matitiis mo ba ako oh baby

And those eyes, they were as though pleading for me. Wala na. Wala na. Parang gusto ko nalang siyang lapitan at yakapin at sabihing 'Apology accepted' pero tila na-drain ang lahat ng iniisip kong 'yon nang sa likod mismo ni Kosher ay nakita ko si Jordan na nakatayo sa nakaawang na gate sa likuran nila.

Wag sanang wag sanang magtampo

Sorry pwede ba

Napalitan tuloy ng panic ang nararamdaman ko. Jordan looked so hurt, angry, jealous— like he could throw a fist at me anytime. Nagtatagis ang panga niya sa galit habang tagos ang tingin niya't tila walang nakikita kundi ako lang.

Sorry pwede ba oh yeah

Sorry pwede ba

Kosher finally finished her song while her eyes still locked on mine. Halos habol-habol ko ang hininga ko nang magsimula siyang magsalita.

"Tope, sorry na. Bati na tayo, please?" she looked like a cute little girl who's asking for an apology, however, I kept a serious look across my face as I looked back at her.

"H-Hindi ba sabi ko sa'yong kalimutan mo na ako, Kosher? Mahirap bang intindihin 'yon?"

Bumagsak ang balikat niya sa sinabi ko. Napaiwas agad ako ng tingin nang makitang nangingilid na ang mga luha niya. Even Lily's mouth gaped at my words.

"Tigilan mo na ako, Kosher."

Those were the last words I said before I stormed back inside my room and then slumped myself on the bed.

"You just did the right thing, Toffer," I whispered as I placed my arm on my forehead while I stared into the ceiling.

Pero tangina... Bakit nasasaktan ako sa ginawa ko? Bakit sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay nakikita ko lang si Kosher na nangingilid ang mga luha? Bakit hindi ako makatulog kakaisip sa kagaguhang ginawa ko kagabi? If I already did what is right, why do I still feel so wrong?

The Nasty Pretender [ON GOING]Where stories live. Discover now