Chapter 31

51 11 0
                                    

HINDI pa sana ako aalis sa crime group na 'yan e, pero kailangan na talaga ako sa bahay. Maghahanap nalang ako ng panibagong trabaho, yung hindi ako mapapahamak para hindi na rin malagay sa alanganin ang buhay ko.


Ngunit hindi ko rin naman akalain na sa pag-alis ko na ganito pala ang mangyayari. Isa lang pala akong kasangkapan, pinageeksperementuhan lang pala niya ako at hindi totoong minahal, dahil ang totoong mahal niya naman talaga ay si Andrea at hindi ako.


Sobrang swerte niya, mahal siya ng mahal ko. Malabo rin naman kasi ako mahalin pabalik ni Nicholas dahil sino ba naman ako? Hindi ko kayang pantayan ang ganda, yaman at talino ni Andrea.


Masyado lang kasi akong nabulag sa mga salita't galaw niya sa'kin, hindi ko manlang inisip na baka pinaglalaruan lang niya ako. Hindi ko rin naman kasi siya masisisi gaya ng sabi ko, sino ba naman nga kasi ako? Alam ko naman kasi na babae ang gusto niya pero tuluyan pa rin akong nahulog.


Sobrang bobo mo naman kasi Sebastian, alam mo naman kung ano ang gusto niya pero pinagsiksikan mo pa rin ang sarili mo. Pero sobrang unfair niya rin kasi, totoo yung pagmamahal na binibigay ko sa kanya pero peke ang natatanggap ko, pero dahil nga totoong mahal ko siya kaya akala ko totoo rin, laro lang pala sa kanya ang lahat.


Pinaglaruan niya lang ako, masyado niyang tinake advantage ang kahinaan ko. Balak ko lang naman kasi ang umalis at hindi makipaghiwalay, pero hindi ko rin alam kung bakit gano'n nalang ang lumabas sa bibig ko. Ayoko siyang mawala pero dahil sinabi niya na rin ang totoo, hahayaan ko nalang siyang maging masaya.


Ginusto ko rin naman siguro 'to, ako rin naman Kasi ang nakipaghiwalay, pero kahit na ako pa rin yung mas nasaktan, lalo na sa sinabi niya. Ano yung mga nangyayari sa'min? Yung pagaalala niya? Kasama ba 'yun sa mga tricks niya para mas lalo niyang makuha ang loob ko?


Hindi siguro siya yung taong magmamahal sa'kin ng totoo. Kailangan ko na talaga siguro ng panahon para kalimutan siya. Pero ayoko pa, alam kong kailangan pero hindi ko pa kaya.


"Huy! Ayos ka lang ba?" bungad na tanong ni Shamil na biglang umupo sa tabi ko.


"Oo naman, bakit hindi?", ani ko na hindi manlang mailabas ang ngiti.


"Hindi ka okay e. Sebastian, kilalang-kilala na kita, hindi mo maitatago sa'kin 'yan. Tungkol ba 'yan kay Nicholas?", muli niyang tanong na ikinagulat ko. Hindi niya naman alam ang tungkol sa'min dahil una sa lahat hindi ko naman sinasabi.


"Hindi ah, bakit naman siya nadamay?", pagtataka ko at nagbuntong hininga nalang siya.


"Bakla ka, nakalimutan mo na bang ipinaalam mo kina Tita Sarah ang tungkol sa relasyon niyo, way back noong sinorpresa ka niya sa 'new house'. Tsaka isa pa nakita ko rin kayong dalawa sa may luma niyong bahay sa San Diego na nagchu-chuk-chakan", aniya at hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi e.


"And? Alam mo Shamil, hindi ko kailangan ng kausap tungkol sa mga ganyang bagay, ang kailangan ko trabaho dahil ayokong mamatay ng dilat ang mata", masungit kong wika at napanguso nalang 'tong katabi ko.


Ilang sandali pang katahimikan ang dumaan at bigla nalang sumigaw itong baklang 'to na ikinagulat ko maging si Sean at si Sabrina na nasa harapan namin dahilan para mapairap kaming tatlo.


"Alam mo, kahit kailan ka talaga!", masungit kong sita sa kanya.


"Ay, sorry na. Naalala ko lang kasi, diba nga kailangan mo ng trabaho, sobrang sakto naman dahil yung isang kasamahan ko nag-resign dahil may nahanap na mas maganda daw, since umalis na nga siya kulang kami ngayon at sobrang perfect mo doon. Ngayong buwan ay merong project yung boss namin. So, ano in or out?", ika niya na medyo nagalangan ako dahil nga rin sa pinagdaanan ko sa mga Fajardo na 'yan at ayoko ng maulit pa.


Rules & Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now