Chapter 23

66 10 0
                                    

SEBASTIAN and I were dating for about a month now and anyone here in the mansion did not know about it, only the two of us know. It was also a month ago when Sebby last came home to his family so we'll visit them again, let's also consider this as a date.


Sinabihan ko na si Sebastian na maayos dahil may pupuntahan kami, so basically hindi niya alam yung plano ko. Hinihintay ko na lang siyang makababa dahil ayaw ko siyang puntahan sa kwarto niya dahil baka ano pa ang mangyari, mahirap na.


"Sunny!", sigaw ni Theodore habang sumisilip sa mga ila-ilalim, hinahanap siguro ang pusa niya.


"Fuck! Sunny!", anito ng hindi niya mahanap ang pinakamamahal niyang pusa. Bigla namang lumapit sa kanya si Margo na kakapasok lang mula sa labas.


"What's the matter, love?", alalang tanong nito kaya Theodore at agad naman siya nitong hinawakan sa braso.


"I was looking for you- I mean Sunny", binawi niya ang sinabi nang makita akong naka-upo sa couch.


What does he mean by that? He's weird, isang buwan ng ganyan ang behavior niya between Margo and his lovely cat, at minsan niya pang tinatawag na Sunny si Margo, isa pa hindi ko madalas na makita si Sunny kapag kasama namin si Margo, baliw yata 'tong dalawang 'to e.


Naputol naman ang utak ko sa pag-iisip nang bigla akong halikan ni Sebastian sa pisngi, kaya agad akong napatingin sa paligid dahil baka mamaya ay may nakakita na pala sa'min.


"You scared me, paano kung may makakita sa'tin, especially Yaya Ruth. Alam mo naman kung gaano walang preno ang bibig no'n pag dating sa chismis, we're in danger once she reported it to dad", sambit ko saka niyakap ang beywang niya.


"You scared me ka pang nalalaman at ang dami mo pang sinabi, pero ikaw naman yung yumayakap. Ayos ka rin e", puno ng sarkasmo nitong wika.


"Psh, halika na nga baka hinihintay na nila tayo", saad ko at agad siyang iginiya papalabas ng mansyon.


"Sinong 'nila'? May inimbitahan ka ba sa training ko?", tanong nito habang mariin na nakatingin sa'kin nang makasakay kami sa kotse.


Hindi ko nalang siya sinagot dahil baka mamaya madulas pa ako sa mga sasabihin ko at masira pa ang surprise. Ang alam niya kasi ay may training lang ulit siya at Sky Range pa'ng ang pupuntahan namin ngayon, but I cancelled the appointment dahil gusto ko siyang masolo buong araw.


Nang makarating na kami sa San Diego ay napatingin agad si Sebastian sa paligid na para bang sinisigurado niyang kung nasa San Diego ba talaga kami.


"You're right, baby. Now let's go", ika ko at itinigil ang sasakyan sa hindi masyadong pamilyar na bahay sa kanya.


Bumaba ako ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto dahil mukhang ayaw niyang bumaba at nakatingin lang siya sa malaking bahay.


"Nico, buang ka ba? Mukha ba naming bahay 'to? Hindi ito ang bahay namin, siraulo ka ba?", anito nang makababa na ng kotse.


"It is your house, baby. Look", saad ko at iginiya ko siya sa harap ng bahay at binuksan ang pinto nito. Bumungad sa'min ang mga mukha ng pamilya niya.


"Anong ibig sabihin nito?", aniya habang gumigilid ang luha sa mga mata niya.


"This is your second sweldo, and this is also my gift for you and your family. And no, you don't owe me this house dahil ikaw mismo ang nagpakahirap na makuha 'to", saad ko at agad naman ako nitong niyakap. Hinalikan ko naman siya sa noo niya saka siya iniangat ng tingin.


"Aren't you happy? They're happy, and you also should be", dagdag ko pa at tumango lang ito.


"Masaya ako, Nico. Sobrang saya, pero hindi mo naman kami kailangan bilhan ng bagong bahay, kontento na kami sa kung anong meron kami", saad naman niya.


"I know, ang dahilan kung bakit ko kayo binilhan ng bagong bahay is para may malipatan agad kayo, dahil next month lang ay ide-demolished na ang barangay niyo. And yes, tayo ang mamumuno ng demolition", ika ko at muli ako nitong niyakap. Nagulat ang pamilya niya sa pagyakap-yakap niya sa'kin dahil isa pa silang walang alam sa kung anong ang relasyon na meron kami.


Hinila naman siya papalayo ng nanay niya sa pagkakayakap sa'kin. Masyado na ba silang nahihiya sa ginagawa ng anak nila?


"Anak, kung makayakap ka naman sa boss mo akala mo wala ng bukas. Hinay-hinay lang, Sebastian. Alam naming gwapo 'yan pero 'wag naman gano'n makayakap anak ha, nakakahiya baka sabihin naman nila masyado kang uhaw sa lalaki", suway ng ina nito. Palihim naman akong natawa dahil ilang kurot ang natamo nito sa ina.


"Grabe naman kayo sa'kin ma", aniya at palihim din na tumawa habang nakatingin sa'kin.


Sumenyas naman si Sebastian kung pwede niya na bang sabihin ang totoo at tumango naman ako, saka siya lumapit sa direksyon ko.


"E, ma kaya lang naman po ako gano'n sa kanya kasi po, boyfriend ko na siya", sa sinabi niyang 'yon ay nanlaki naman ang mata ng nanay niya pati na rin ang tatlo pa nitong kapatid.


"Anak ayos lang mangarap pero sobra-sobra ata 'yang pangarap mo", ika naman ulit ng nanay niya.


"Ang sama naman sa'kin ma, totoo nga po. Diba?", anito na parang hinihingi ang oo ko.


"Yes po, and don't think badly of me because my intentions towards your son are pure", saad ko habang nakatingin sa nanay ni Sebby.


"Oh siya sige na, may lakad pa yata kayo", ika naman ng nanay nito at bumeso na sa'min ni Sebastian.


I liked his mom, para lang silang mag-tropa. Gano'n din naman kami ni mom sometimes dahil madalas siyang tinotopak for some reason na hindi namin maipaliwanag na magkakapatid.


"Sa'n mo naman ako balak dalhin?", saad nito na parang hindi siya nae-excite.


"You'll know later, baby", saad ko nalang dahil ako mismo ay hindi alam kung saan ko ba siya dadalhin. Siguro ay kakain muna kami.


Nakarating na kami sa Mar Gala, dahil natatandaan ko nung unang dating namin dito sa pilipinas ito lang yung restaurant na pinaka-paborito naming kainan, lalo na si mom. Ewan ko nalang ngayon.


Nang maibigay na sa'min ang menu ay nanlaki agad ang mata ni Sebastian at agad itong sinarado saka lumapit sa'kin na parang may ibubulong.


"Wag na tayo dito, nakakalula yung presyo", aniya na bahagya Kong ikinatawa.


"Don't worry, I'll pay for the bill. It's my treat", saad ko naman habang hawak ang kamay niya.


"Sobrang ginto naman kasi ng bayaran dito, pwede naman tayo sa mga mura lang marami din namang masarap doon", suhestiyon pa niya at ako naman ay umiling-iling habang sinasabi niya 'yon.


"Dito lang tayo, minsan na nga lang tayo mag-date e. Syempre dapat sa siguradong masarap", saad ko na may pataas-taas pa ng kilay.


"Kung gusto mo pala ng masarap edi sana hindi nalang tayo umalis at sa mansyon niyo nalang tayo kumain", anito kaya agad ko siyang binigyan ng dirty look.


"Ibig sabihin ikaw ang kakainin ko?", tanong ko sa kanya at agad naman na nanuya ang mukha nito.


"Oo ang sarap mo sapakin ang baboy mo, kadiri ka", aniya saka marahan akong sinampal.


"I love you", wika ko sa pinaka-maamong tono at bigla namang umaliwalas ang mukha niya at lumitaw ang ngiti sa labi.


"I love you too", saad nito. Tumayo naman ako para lapitan siya at halikan siya sa labi.

Rules & Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now