Chapter 20

93 16 2
                                    

"Sir Alejandro, may bisita ka po sa baba", ika ni Ruth, ang maid at agad naman kaming napatingin sa kanya.

"Sino?", tanong sa kanya ni Alejandro habang ako naman ay tumayo na para kunin ang first aid ng magamot na si Ale bago pa siya bumaba.

"Si Ms. Anika po", saad ni Ruth at natigilan naman ako sa ginagawa ko at napatingin agad si Alejandro sa direksyon ko.

"What is she doing here?", malamig ang boses na tanong ni Ale.

Umupo ako sa tabi nito dala ang first aid at tumingin din kay Ruth habang inaayos ang mga kailangan sa sugat ni Ale.

"Hindi niya rin po sinagot ang tanong na 'yan ni Sir Marlon, pero ikaw daw po ang gusto niyang makita", saad nito saka siya sinenyasan ni Ale na umalis na.

"Huling gamot nalang 'to, Ale. Alangan naman na humarap ka kay Tito Marlon at sa mommy mo na ganyan ang itsura mo, may bakas pa rin ng suntok sa'yo ni Nico nung isang linggo", ani ko habang hawak ang cotton na may tatlong patak ng povidone-iodine.

"Edi, mas mabuti na alam niya ang mga ginagawang katarantaduhan ng anak niya", sagot naman niya na nagpabuntong-hininga sa'kin.

"Ale, hindi porket may mali siya nung una ay kasalanan niya na, tandaan mo ikaw ang unang sumuntok, kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit may bangas 'yang mukha niyo pareho", paliwanag ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita sapagkat idinantay nito ang ulo sa leeg ko at hinalik-halikan ito. Marahan ko naman siyang tinulak para magamot ang sugat niya.

Sa panggagamot ko sa kanya ay agad niyang kinuha ang kamay ko mula sa mukha niya at mariin akong tiningnan at parang bang tala ang mga mata nito sa pagkislap habang nakatingin sa'kin.

"What is it?", tanong ko sa kanya nang ilang minuto niya pa akong tinitigan.

"Do you love me?", tanong nito at nagsimulang gumilid ang luha sa mga mata nito.

"Yes, I love you. Where did you even get that?", tanong ko sa kanya at umiling nalang ito saka ako niyakap.

"I love you so much, Andrea. I love you more than anything", anito at mas pinahigpit pa ang yakap saka ko siya niyakap pabalik.

"Halika na gamutin na natin 'yang sugat mo", sabi ko at hinawakan siya sa baba. Ang magaling na Ale naman ay nagnakaw ng halik.

"Mamaya mo na ako gamutin, please. Mag explore muna tayo", anito saka hinawakan ang beywang ko.

"Kelan mo pa ba pinangarap maging Dora ha?", sarkastikong tanong ko sa kanya.

"Dora, talaga hindi ba pwedeng si Diego? Dali na please?", anito 'to at marahan ko siyang sinampal.

"Tigilan mo nga ako, your mom is waiting as well as Tito Marlon", ika ko at umiling ito ulit. I cupped his face and pulled him for a hug.

Nagpagamot na ito ng sugat niya sa mukha dahil wala naman siyang choice kaysa naman magalit ako, pero habang ginagamot ko siya ay nakasimangot naman ang mukha niya dahil ayaw niya talaga.

"Done, tigilan mo na 'yang kakasimangot hindi bagay sa'yo", sabi ko at ang mokong na 'to ay agad akong binigyan ng malaking ngiti.

"Since we're done, dito nalang tayo. Ayoko bumaba, I don't want to see her face", aniya at inginudngod ulit ang mukha sa leeg ko.

"Ale, gusto ka niyang makita. Tandaan mo kahit anong mangyari nanay mo pa rin siya", ika ko naman sa kanya at nag-angat naman siya ng tingin pero naka-nguso pa rin.

Rules & Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now