Chapter 16

92 17 0
                                    

"Ale! We have a new mission!"

Sabik na sigaw ni Travis mula sa likod ko, habang ako ay nakatingin lang sa kawalan habang umiihip ng sigarilyo. Nagmadaling tumakbo si Travis papunta sa direksyon ko saka ako inakbayan na parang close kami.

"Ang saya mo", pagbati ko sa ekspresyon ng mukha nito at labing abot tengang nakangiti.

"Of course, makukuha na natin ang pera na matagal ng itinatago ng Manjuares", anito. Nag-iba naman agad ang emosyon ko at mas naging interesado sa sasabihin niya.

"How?"

"Sinabi ni David at sasamahan niya tayo sa pag-kuha ng pera", saad nito at agad ko namang itinaboy ang kamay na naka-akbay sa balikat ko at bumalik ang mukha ko sa ekspresyon nito kanina.

"Ale, I'm serious", dagdag pa nito at ipinatong ang isa nitong paa sa upuan.

"Serious? Of course not, imposibleng sabihin ni David sa'tin kung saan nila itinago ang pera. Dahil dakilang matalino 'yang matandang 'yan, pagdating sa mga ganyan", I said. He raised an eyebrow as he smirked controlling his laughter to burst out.

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko diba? Baka sadyang may ubo lang sa utak 'tong kaibigan ni Nico, matalino nga pero madalas may saltik.

"Totoo ang sinasabi ko, nalaman na ni Andrea na totoo niyang tatay si David, dahil sinabi ni Tito Marlon", aniya. I tussed and his shoulder dropped.

"Kung ayaw mong maniwala, pwes bukas pagsinabi sa'yo ni Nico na meron tayong misyon maniniwala ka", dagdag pa nito saka ako iniwan at pumasok na sa loob.

Ilang minuto ang lumipas simula nung iwan ako ni Travis ay nakaramdam naman ako ng presensya mula sa likod ko, hindi ko ito hinarap pero kinausap ko ito.

"Travis, if you're trying to tricked me, quit it", sambit ko sa taong nasa likod ko at agad naman itong umupo sa tabi ko.

"Sebastian? It's already late bakit gising ka pa?", tanong ko nang makaupo ito. Ngumiti lang ito, akmang iihip ulit ako ng sigarilyo nang bigla niya itong agawin sa kamay ko at ihinagis ito sa lupa. Magsasalita na sana ako nang bigla ako nitong unahan.

"Kung bakit ko ginawa 'yon, ay dahil masama 'yan, abiso ko lang naman dahil kung ayaw mong mamatay ng maaga itigil mo na. Alam ko namang marami ka pang pangarap sa buhay", ika niya na parang nanay ko siya.

"Ano ka nga ulit ni Nicholas?", singkit ang matang tanong ko sa lalaki.

"Alalay, friendly reminder lang naman", saad niya. Tumango nalang ako saka siya mariing tinitigan.

"Siguro advice din 'yan ng girlfriend mo 'no, kaya sinasabi mo 'yan sa kung kanino lang", I said. He laughed as if I had told a joke.

"Girlfriend? Wala akong girlfriend at wala akong balak pumatol sa kauri ko", aniya na ikinakunot ng noo ko.

"What do you mean? Babae ka?"

"Papunta na do'n", saad nito. Nabilib ako sa tapang niya na sabihin sa ibang tao ang totoong gender identity niya at alam niya kung ano talaga siya.

"So, ibig sabihin ayaw mo ng girlfriend dahil boyfriend ang gusto mo, gano'n ba?", pabirong tanong ko at tumango naman siya agad saka humagalpak ng tawa.

Sobra niya akong napabilib sa kung anong pagkatao meron siya, at hindi niya ikinakatakot na baka kapag umamin siya ay husgahan nalang siya ng mga tao, tama din naman 'yon na dapat hindi siya matakot kung ano siya talaga.

Isa pa, kami na nga ang nagkulong sa kanya at nagdakip sa kanya pero sa kanya pa rin kami may mas natututunan tungkol sa halaga ng buhay.

Ngayon alam ko na kung bakit siya ginawang alalay ni Nico at isama sa grupo namin kahit alam niyang lagot siya sa tatay niya.

"Kaya ka pala niya pinasama sa'min dahil gusto niya ang ugali mo", sambit mo at agad naman itong napatingin sa'kin na kunot ang noo.

"Sinong 'niya'?", tanong nito na nagpangisi sa'kin.

"Ni Nicholas"

"Ah, si Nicholas. Hindi 'yun ang dahilan, ipinaliwanag ko kasi sa kanya kung bakit ako napadpad sa kamay ng Manjuares. 'Yun ay dahil naghihirap kami dagdag pa ang gastos sa gamutan ni papa, at dahil ako nga ang pinaka matanda sa magkakapatid, ako ang kumakayod para sa kanila, isa pa nagaaral pa ang mga kapatid ko, ayoko naman silang patigilin sa pagaaral para lang magtrabaho tsaka kaya ko naman na ako lang mag-isa ", saad nito na lalong nagbigay sa'kin ng aral. Hindi lang pala siya puro kulit lang at napahamak pa siya sa mga kaguluhan na nangyayari sa buhay ng Manjuares.

Agad akong nakaisip ng ideya para makabisita siya sa pamilya niya bukas dahil may misyon din kami ang kaso lang ay hindi pa namin alam kung saang lugar.

"Come with me, tomorrow. May misyon tayo, sasamahan kitang bumisita sa inyo", suhestiyon ko sa kanya at agad naman itong umiling.

"Hindi na, tsaka hindi rin papayag si Nico na humiwalay ako sa tabi niya. Saka ko nalang sasabihin sa kanya na bumisita sa'min pero ngayon trabaho lang muna, pero salamat ha", anito saka humawak sa isa kong kamay.

Hinawakan ko naman ang isang kamay nito sa nakapatong din sa kamay ko. Sana lang talaga pumayag si Nico sa ideya na bumisita si Sebastian sa pamilya niya, at sana totoo din ang sinasabi nilang misyon.

Ilang sandali pa ang lumipas at pinapasok ko na si Sebastian sa loob saka ko tinungo ang kabilang bahay para tingnan si David.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si David na mahimbing ng natutulog, iniwan ko naman na ito at pumasok na din sa mansyon at tinungo ang kwarto ni Andrea.

Dahan-dahan akong lumapit sa kama nito at marahang hinawi ang buhok na nakaharang sa maamo nitong mukha saka hinalikan ang noo nito.

"Susulitin ko na ang panahon na kasama ka, dahil alam kong dadating ang oras na aalis ka dito at sasama sa tunay mong pamilya at kahit hindi man ako ang sinisigaw ng puso mo, tandaan mong nandito lang ako na handang maghintay sa'yo", bulong ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako maririnig dahil mukhang malalim na ang tulog nito.

"Hindi ka man sa'kin pero ako sa'yo ako, pero sasabihin ko sa'yo Andrea hindi ko kaya ang pag-alis mo, ngayon pa nga lang na hindi na ako ang pinili mo hindi ko na kinakaya, iyon pa kayang tuluyan mo akong iwan", dagdag ko pa at hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko na kanina pa gustong kumawala.

Inalis ko ang kanang kamay ko na nakadantay sa kama nito at pinunasan ang luhang rumaragasa sa pisngi ko. Iniangat ko naman ang isa ko pang kamay at isinubsob doon ang mukha ko at patuloy na umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nagising ko pala si Andrea.

"Ale? Bakit ka umiiyak?", malamig ang tono ng boses na tanong nito. Marahas ko namang tinuyo ang luha ko at hinarap ito.

"It's nothing napuwing lang ako", saad ko at akmang tatayo na nang bigla niya akong pigilan saka ito umupo sa gilid ng kama niya.

Laking gulat ko nang bigla ako nitong yakapin at nagsimulang tumulo ang luha niya sa damit ko. Umupo ako sa tabi nito at hinawakan ang pisngi niya.

"Sorry for hurting your feelings, hindi ko intensyon na saktan ka. Hindi ko lang talaga mapigilan ang nararamdaman ko para kay Nico kahit alam kong mali na", aniya na ikinagulat ko. Paanong mali? Anong mali?

"You don't have to be sorry, in fact wala naman akong hinihinging kapalit sa pagmamahal na walang-sawa kong ibinibigay sa'yo. Ang sa'kin lang kung saan ka masaya at saan masaya ang puso mo, masaya na rin ako para sa'yo. Dahil ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko na rin dahil nga ikaw ang mahal ko", paliwanag ko dito at muling tumulo ang luha ko.

"Quit your words, mas lalo mo akong sinasaktan e", anito saka ito nagtawa.

Dahan-dahan ko namang inilapat ang palad ko sa pisngi niya at hinila ito para sa isang halik.

Rules & Roses (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin