Chapter 8

132 23 0
                                    

IPINASOK kami sa isang kwarto ni Shamil at itinali ulit, hindi ko alam kung saang kwarto dinala si Senator David pero magkakasama kami sa sasakyan nang pumunta kami dito.


Lumabas na ang ibang bantay namin at dalawa nalang ang natira sa loob, pansin ko naman na nakatitig sa mukha ko si Shamil kaya agad ko itong hinarap.


"Sebby, anong nangyari sa'yo? Bakit puno ka ng sugat sa mukha mo?", nag-aalalang tanong nito saka ko siya binigyan ng ngiti.


"Tanda mo yung building sa may Gedrosa?", tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan pa din ako.


"Oo, yung tinataguan ng pera nila Senator", saad naman niya. Tinanguan ko naman siya habang hindi niya pa din tinatanggal ang tingin sa'kin.


"Sinabi ko sa kanila na do'n tinatago ni Senator yung mga pera, kaya dinala nila ako doon para samahan ko sila", ika ko at nanlaki naman ang Maya ng kausap ko sa narinig niya.


"Ano?! Bakit mo naman sinabi sa kanila?", tanong nito dahil alam niyang lagot kami sa mga amo namin kapag nalaman nila na kami ang nagturo kung nasaan ang tinatago nila.


"Para maka-alis na tayo dito. Sigurado akong hinahanap na ako sa bahay at alam kong ikaw din hinahanap ka na ng tita mo", mariing sagot ko dito.


"Edi ang ibig sabihin nasa kanila na yung pera?", tanong niya at agad naman akong umiling.


"Paano? E, akala ko ba nagpunta sila do'n", ika nito na umiinit na ang dugo.


"Hindi ko alam na wala na sa building na 'yon ang pera, tinangka kong tumakas nung nagdatingan yung mga alagad nila Sir Isaac, pero nakita ako ni Nicholas, binaril niya ako sa binti para hindi ako makatakbo", pagpapatuloy ko. Gulat na ekspresyon naman ang binigay nito sa'kin.


"Tapos nung nakauwi kami galing sa Gedrosa, alam kong nagalit si Nicholas pero hindi ko naman din alam na wala na doon yung pera, pumasok siya sa kwarto kung saan ako dinala ng mga tauhan niya, hiniwalay ako sa'yo ng kwarto no'n kaya hindi mo alam na pinagsusuntok at pinagsisipa na ako ni Nicholas", dagdag ko pa at narinig ko naman ang paghikbi ni Shamil sa sinabi ko.


"Sebby, sorry. Ako din kasi yung may kasalanan kung bakit ganyan ang natamo mo sa kanila, kung hindi sana kita pinilit na pumunta sa mga Manjuares edi sana wala tayo dito", ika nito habang patuloy pa sa pag-iyak.


"Wala kang kasalanan, Shamil. Pumayag din naman ako na sumama sa'yo kaya 'wag mong isisi sa'yo lahat", saad ko habang pilit na pinapagaan ang nararamdaman niya.


Sa gitna ng paguusap namin ni Shamil ay agad namang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang babaeng madilim ang mukha, masama ang tingin sa'ming dalawa ng kaibigan ko.


"Enough with the drama you two, Nico have some good news for the both of you", ika ng babae habang naglalakad patungo sa harap namin.


Pumasok naman si Nicholas at tinabihan nito ang babaeng mariin pa din na nakatingin sa'min.


"Isa sa inyo ay papakawalan na namin", sabi nito saka siya tumingin sa babaeng kasama niya at pati na din kay Shamil.


Ibig sabihin isa lang sa'min ni Shamil ang makakalabas dito at mukhang hindi ako 'yun pero ayos lang basta malayo sa kamay nila si Shamil dahil ayokong gawin din nila kay Shamil ang ginawa nila sa'kin.


Lumapit naman si Nicholas sa'kin saka hinawakan ang baba ko para iangat ako ng tingin.


"Wag mo ng asahan na ikaw ang papakawalan namin dahil madami ka pang dapat pagbayaran dahil sa ginawa mo nung nakaraan", bulong nito sa tenga ko.


Rules & Roses (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora