PROLOGUE

1K 48 0
                                    

Disclaimer: This is a Work of Fiction.... Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for every young audiences. Read at your own risk.



****


AGAD akong napahawak sa likod ng ulo ko ng maramdaman ko ang malakas na pagdampi ng kamay ng babaeng kasama ko.


"What was that for?", kunot-noong tanong ko dito. Inirapan lang ako nito saka binaling ang atensyon sa ibang direksyon ng park.


"Nandito tayo para sa misyon, mamaya na 'yang paglalaway mo sa babae", saad nito at naglakad na papalayo. Agad ko naman itong sinundan at sinabayan sa paglalakad.


"Bakit? Selos ka?", pabirong tanong ko dito. Napahinto naman ito sa paglalakad at humarap sa'kin.


"Feeling ka masyado 'no", ika nito habang binibigyan ako ng nanunuyang mukha.


Sa paglalakad namin ay napahinto itong muli saka ako hinarap. Salubong ang kilay na lumapit ito sa'kin.


" I don't see anything as our mission here. So, tell me what are we really doing here?", nakapameywang na tanong nito. Lumapit naman ako dito ng kaunti at inakbayan ito.


"Wala kang nakikitang magiging misyon natin dito kasi wala naman talaga tayong misyon ngayong araw", saad ko dito at agad naman itong kumawala sa pagkakaakbay ko.


"What? Seryoso ka ba? We're wasting our time, Nicholas! Ang dami-daming pinapagawa sa'tin ng dad mo at talagang naisip mo pang magpa-prenti prenti lang!", singhal nito. Napahinga nalang ako ng malalim saka tiningnan ito sa mga mata habang hawak ang magkabila nitong kamay.


"Gia, nakalimutan mo ba kung anong okasyon ngayon? It's your birthday", saad ko dito at natigilan naman ito ng ilang saglit.


"How many times do I have to tell you na hindi na Gia ang pangalan ko? It's Andrea. Tapos na akong maging kasing hina ng Gia na 'yan nakakasawa maging siya", ika nito at agad na lumungkot ang tono ng pananalita.


"But at least we can still celebrate your birthday Gi-Andrea", hirit ko dito habang nakangiti sa kanya. Lumitaw naman din ang ngiti sa labi nito na ikinatuwa ko.


"We're wasting our time for nothing, Nico", pagtanggi nito sa idea nang makasakay kami sa sasakyan.


"Please? For me?", pagpapaawa ko dito at marahan naman akong sinampal nito.


"Siya nga pala. About Senator Manjuares, how is he?", tanong nito na nagbigay ng ngisi sa labi ko.


"Why? Do you care about him?", tanong ko dito at marahang ibinaling ang tingin sa kanya.


"I'm just curious. Naging malinis ba lahat?", nagaalalang tanong nito habang tinitingnan ang dokumentong hawak namin laban sa pamilya Manjuares.


"You have nothing to worry about. Kapag ang mga tao ko ang gumawa malinis 'yan", saad ko dito at napahinga nalang ito ng malalim.


"Also, can you not worry about the operation today? It's our job not yours", dagdag ko dito nang maiparada ko ang sasakyan sa labas ng bahay. Mariin itong napatingin sa'kin.


"Yes it is your job. But as far as I know I am also part of this mission. So, it is my responsibility to know what will happen to the victim", saad nito na nagpakunot sa noo ko.


"Victim? You're calling them victim? E, ano pa yung mga taong nauuto nila dahil sa mga plataporma na hindi naman nila nagagawa?", singhal ko dito. Hindi na ito nakapag-salita at bumaba nalang ng kotse.


Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko sila agad na nakaupo na sa hapag at kumakain na. Umupo ako sa tabi ni Andrea at lumapit sa tenga nito.


"I'm sorry about what happened", ika ko dito saka kumuha ng pagkain. Humarap naman ito sa'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti.


Andrea and I became friends since we we're really really young. Her parents left her when she was very young and we have taken care of her until now because her parents died because of a mistake my parents made.


Habang sinasagawa kasi yung misyon malapit sa bahay nila, lumabas sila para makalayo sa putukan ng baril at para din mailigtas si Andrea, ang akala nila dad ay kasabwat sila kaya pinagbabaril ang mag-asawa mabuti nalang at hindi nadamay si Andrea.


"Kuya Nico, okay ka lang?", tanong ng katabi ko nang makitang naka-tulala lang ako sa pagkain.


"May sumagi lang sa isip ko", saad ko kay Natalia, kapatid ko.


"Is it about Ate Gia's parents again?", tanong nito at sinenyasan ko naman ito na tumahimik.


"Lower your voice, she's right next to me", saad ko dito saka tumango at bumaling ng tingin kay Andrea na abala sa pagkain.



Nagpatuloy nalang din kami pareho sa pagkain hanggang sa naisipan nila dad na pumunta sa entrada ng bahay.


"Alam ba ni Ate Gia yung nangyari sa parents niya?", patuloy na pag-usisa nito sa buhay ng babae. Dahil nga siya yung bunso sa'min ay malamang hindi niya alam at gusto niya ding malaman.


"It's Andrea, and no she doesn't know it yet. Dad said to keep it a secret from her until she was ready to realize the truth", paliwanag ko dito. Napa-igtad naman kami pareho nang lumapat na kamay sa balikat namin.


"What truth?", tanong nito mula sa likod namin. Kabado naming hinarap ni Natalia si Andrea at binigyan ng ngiti para hindi nito mahalata.



"Truth? We're playing truth or dare diba, Natalia?", paghingi ko ng atensyon sa babae na hanggang ngayon ay ninenerbyos pa din.


"Ah-eh, opo Ate Gia este Andrea. Maiwan ko muna kayo, ba-bye!", ika nito at agad na kumaripas ng takbo papalayo sa'min.


"Anong nangyari do'n? Ay oo nga pala, kausap ko yung dad mo, may misyon tayo mamayang gabi", ika nito nang makaupo sa tabi ko. Napabuntong-hininga nalang ako dahil kakatapos lang ng misyon may kasunod agad.


"Where?", tanong ko dito at nagkibit-balikat lang ito kaya hinayaan ko muna hanggang sa may kunin itong brown envelope sa tote bag na dala niya.


"What's this?", ika ko nang iabot niya sa'kin ang envelope.


"Pictures and documents ng mga taong may alam sa plano ni Manjuares at pati na din mga kasabwat niya sa stupidong plano na 'yon", ika nito. Habang ako ay abala sa pagtingin ng mga taong nasa litrato.


"Kailangan natin isama si Alejandro mamaya. Dahil alam niya kung saan madalas na nagkukumpol ang mga tao ni Manjuares", suhestiyon ko dito at agad din naman itong tumango.


"Montes, Shamil at Ruiz, Sebastian. Silang dalawa ang mas pinagkakatiwalaan ni Manjuares sa madudumi niyang plano laban sa mga taong bayan", dagdag pa nito. Agad ko namang hinanap ang litrato ng dalawa at ipinakita kay Andrea at tumango lang ito.


"Si Alejandro na ang bahala sa dalawang ito para dalhin sa hideout at tayo kasama ang ibang tauhan pupunta sa bahay na sinasabing tinutuluyan ng mga tauhan ni Manjuares", madilim ang mukhang sabi ko dito.


Humanda na ang mga tauhan mo Manjuares, dahil magsasama-sama na kayo sa impiyerno kung saan kayo nararapat.

Rules & Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now