Chapter 11

108 20 0
                                    

"Seryoso ka ba?", nagtatakang tanong ni Travis nang sabihin ko ang ginawa kong pag-amin kay Andrea.


"Yeah, is there something wrong with that?", pabalik na tanong ko sa kanya habang sumisimsim ng champagne sa poolside.


"Uh-huh there is. Nico we both know naman na you don't really like her, and stop pretending that you're not in love with Levounne or any other girls just to get Andrea, because you're just going to hurt her", saad naman niya. Napabuntong-hininga hininga nalang ako.


Nang iinumin ko na ang huling baso ng champagne ay agad naman na may sumuntok sa'kin mula sa likod.


"How dare you?!", singhal ni Alejandro at patuloy pa din ang pagsuntok sa'kin hanggang sa matumba ako sa lapag.


"Alejandro! What are you doing?!", tanong ko sa kanya habang binabawian ito ng suntok.


"Nico, tao si Andrea! May nararamdaman din siya, kaya kung may balak kang saktan siya tandaan mong hindi mo ko kakampi 'pag nangyari 'yon at lalong hindi kita aatrasan!", ika nito at si Travis naman ay inaawat kaming dalawa.


"Why? Are you her boyfriend? Hindi ka nga niya gusto e. So, don't act like she's yours", pabalang na sagot ko sa kanya.


Nang akmang lalapat ulit ang kamao ni Alejandro sa pisngi ko ay agad itong pinigilan ni Andrea na hindi ko alam kung saan nanggaling.


"Alejandro, ano ba?!", sigaw nito sa lalaki at agad itong tinulak habang tinutulungan akong makatayo.


"Pinoprotektahan lang kita, Andrea", saad nito nang makaupo ito sa tabi ni Travis.


Pinameywangan ito ni Andrea nang maitayo ako at tiningnan ito ng masama.


"Protecting me from what? Iniisip mo ba na hindi ko kaya ang sarili ko?", mariing tanong nito. Hinawakan naman ni Alejandro ang magkabilang kamay niya pero mabilis itong tinanggal ni Andrea.


"It's not like that. Ayaw lang kitang nakikitang nasasaktan dahil lang sa lalaking 'to", saad naman ni Alejandro habang itinuturo ako.


"Your lying, Alejandro. Dahil alam naman nating lahat na hindi ako magagawang saktan ni Nico, you're just insecure dahil si Nico ang gusto ko at hindi ikaw!", ika nito na ikinagulat naming pareho ni Travis.


Palihim naman akong napangisi sa sinabi ni Andrea kay Alejandro saka ako nito iginiya papasok ng mansion at agad na tiningnan ang mga sugat na natamo ko sa mga suntok ni Alejandro.


"Ayos ka kang ba? Ano ba kasing ginawa mo at pinagsusuntok ka ni Alejandro? Isa pa, ano yung mga pinagsasasabi niya?", sunod-sunod na tanong nito habang ginagamot ang sugat ko sa labi.


Hinawakan ko naman kamay nito saka ito binigyan ng ngiti.


"You have nothing to worry about, baby girl. I'm fine, may hindi lang kami pinagkasunduan ni Alejandro kaya gano'n", saad ko sa kanya at hinawi naman nito ang kamay ko saka ipinagpatuloy ang panggagamot.


"Including me? Wow ha", sarkastikong wika nito at hinayaan ko nalang siya.


"By the way, hinahanap ka ni Sebby", ika nito dahilan para magsalubong ang kilay ko.


"Who the hell is Sebby?", seryosong tanong ko sa kanya at agad naman itong nagtawa.


"Nico, it's Sebastian. Sobrang haba kasi ng pangalan niya at nakakatamad bigkasin ng buo, isa pa hindi bagay sa'yo ang nagseselos", ika nito na ikinalaki ng mata ko.


Rules & Roses (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن