Chapter 21

83 15 5
                                    

MATAPOS kaming kumain ay nagpasama si Andrea na puntahan ang tatay niya sa kabilang bahay para sabihin na pwede na siyang maka-alis dito. Napag-desisyunan na rin ni Andrea na sumama kay David sa pag-uwi nito.


"Two weeks lang muna akong titira sa kanila at babalik rin ako dito, dahil hindi ko kayang iwan ang mga nasimulan ko", ani Andrea habang naglalakad kami palabas ng mansyon.
Palihim ko namang hinawakan ang kamay niya.


"One week nalang kaya, love. Masyadong matagal ang two weeks e", saad ko sa kanya at nagtawa ito.


"Hindi matagal 'yon, ang sabihin mo mami-miss mo lang ako. Babalik naman ako, mahahawakan mo ulit ang kamay ko na parang ganito", ika nito saka itinaas sa ere ang magkahawak naming kamay.


Nanatili lang akong tahimik hanggang makarating kami sa bahay na tinutuluyan ni David. Agad na niyakap ni Andrea ang nang makapasok kami sa kwarto nito habang ako naman ay tinatanggal ang tali nito sa likod.


Iginiya siya ni Andrea sa may couch na nasa kwarto nito, malaki ang ngiti na binigay niya sa ama habang hawak ang kamay nito, nginitian din siya pabalik ng ama.


"Dad, aalis na tayo dito. Babalik na tayo sa San Diego", sambit ni Andrea at mariin namang napatingin sa'kin si David sa sinabi ng anak niya.


"Are you serious? What about your work? Alam na ba ni Marlon?", sunod-sunod na tanong ng ama. Napa-hagikgik naman si Andrea roon saka muling tumingin sa ama.


"Wag na po kayong mag-alala, alam na po ni Tito ang tungkol dito at pumayag na rin siya, wala na po kayong poproblemahin", saad nito. Agad akong napahawak sa hita ni Andrea dahil ako ang nagaalala kung anong posibleng gawin niya ng mga Manjuares once na tumira na siya kasama sila.


"At bukas na bukas din aalis na tayo, I can't wait na makasama kayo daddy. Yes, kasama ko kayo dito ngayon but iba pa rin kapag hindi ka makulong especially sa'min", dagdag pa nito at malaking ngiti naman ang lumabas sa labi ng ama.


Sabik sila pareho sa isa't isa mas lalo na si Andrea, ikaw ba naman ang hindi kilala ang magulang simula maliit ka pa hanggang sa nagka-edad ka. Bilib nalang talaga ako sa lakas ng loob ng babaeng 'to, wala siyang bagay na sinusukuan. Kaya ma-swerte ako at sa'kin siya napunta, at pangakong hinding-hindi ko siya sasaktan, gaya ng ginawa sa kanya ng ex niya.


Ex niya na pinagpalit siya sa kaibigan niya mismo, kaya ang ending umuwi siyang luhaan. Kaming dalawa lang naman ni Nico ang lagi niyang napagsasabihan ng mga hinanakit niya sa boyfriend niya dati. Kaya as boyfriend niya hindi ko gagawin ang lahat ng 'yon. Alam kong hindi niya pa ako sinasagot pero doon din papunta 'yun.


Iniwan na namin si David at nang makalabas kami ay sobrang laki ng ngiti ni Andrea, excited na excited na siyang makasama ang tatay niya. Wish I can also do that with my mom, I missed her, I really do. But my anger always strikes whenever I see her and remember what happened in the past.


"Halika, samahan mo ako mag-pack ng gamit ko", aniya saka iginiya ako paakyat ng kwarto nito. Sigurado na talaga siya 'no. Well, if that so wala na yata akong magagawa para pigilan siya. Pero sabi nga niya diba, babalik siya.

Rules & Roses (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu