Chapter 13

95 17 0
                                    

NANG maihanda ko na ang sarili ay tinungo ko agad ang kwartong tinutuluyan ni Sebastian.

Pumasok ako sa kwarto nito at nakitang mahimbing ang pagkakatulog niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa kama nito at marahang hinaplos ang malambot niyang buhok, bahagya naman itong nagising saka tuluyang iminulat ang mata.

Napa-igtad naman ito saka lumayo sa'kin at binigyan ako ng gulat na ekspresyon, palihim naman akong humagikgik sa ikinilos.

"Go get change. May misyon pa tayo, remember?", tanong ko dito at tumango naman siya agad.

Hindi pa din natatanggal ang gulat sa itsura nito, nang makalabas ako ng kwarto niya ay agad kong narinig ang paghinga nito ng malalim.

Tatlo kaming nasa lobby nina Travis at Andrea, hinihintay ang isa pang bagong miyembro ng grupo namin.

Nang makababa si Sebastian mula sa itaas ay pansin ko ang pagsama ng tingin sa'kin ni Andrea pero hindi ko ito pinansin at itinuon ang atensyon kay Sebastian.

"Nico? What the hell is going on?", iritang tanong ni Andrea pero pilit nitong hinihinaan ang boses dahil ayaw niyang marinig siya ni Sebastian.

"He is my slave, I can do anything I want to him at ako lang ang susundin niya, whether you like it or not", saad ko sa babaeng nagsisimula ng uminit nanaman ang dugo ng dahil sa'kin.

Hinila ko naman papalabas ng bahay si Sebastian at isinakay sa kotse, sumunod na din naman si Travis at Andrea.

"Nico. Are you serious?", kunot-noong tanong ng babaeng katabi ko.

"About what baby girl?" tanong ko dito saka ito nilingon at muling ibinaling ang atensyon sa daan.

Mariin naman itong umirap at napahawak sa sentido nito.

"About Sebastian. Paano kung mapahamak siya? Ano nalang ang ipapalusot mo nanaman sa daddy mo?!", singhal niya saka napatingin sa rear mirror para makita si Sebastian.

"Why are you worried about him? Nothing will happen to Sebastian, because he's with me. I will protect him!", pabalang na sagot ko dito saka napatingin din sa rear mirror.

Nakayuko lang si Sebastian sa likod habang si Travis ay mariing tinitingnan ang mga documents na ibinigay sa kanya ni dad.

"We're here", sabi ko sa mga ito at padabog naman na lumabas ng kotse si Andrea at tinungo si JD.

Lumabas na din naman kaming tatlo at pinuntahan si Alejandro na umiihip ng sigarilyo nito.

"Alejandro! You already know the plan", ani ko dito at tumango lang naman ito saka mariing tumingin kay Sebastian.

"Are we going to free him?", tanong ni Alejandro habang nakatingin pa din sa katabi ko.

Lumingon naman ako kay Sebastian na nakayuko pa din hanggang ngayon saka ko naman binigyan ng ngisi si Alejandro.

"No, he's my slave from now on. He will be with us, and don't worry about him and care about the plan, Travis will go with you", saad ko sa kanya saka iginiya si Sebastian papasok ng malaking bahay ni Galler.

Nang makapasok kami sa bahay nito ay agad naming nakita si Galler na nakagapos at may takip ang bibig nito.

Agad ko itong nilapitan at sumunod naman si Sebastian na may hawak na baril at minamasid ang paligid.

"Hey there, Mr. Perez. Do you still remember me?", puno ng sarkasmo kong tanong sa lalaki at mariing tinanggal ang tape sa bibig nito.

"Ano bang gusto niyo sa'kin?!", singhal nito at bigla namang nagpaputok my baril si Sebastian na agad kong ikinalingon sa kanya.

"Why?", tanong ko dito at akma itong tatakbo nang mabilis ko siyang pigilan.

Pumasok naman si Andrea sa loob ng bahay at saka pinaputok ang baril na hawak nito sa may likuran ko at nang lingunin ko ito ay nakita ang isa sa mga tao ni Galler.

Hinawakan ko naman si Sebastian sa braso nito saka siya isinandal sa pader my bahay.

"It's not a toy, Sebby. Hindi ko binigay ang baril na 'yan sa'yo para iputok mo lang kung kelan mo gusto!", singhal ko dito at napansin ko naman ang paglunok nito.

"Pinrotektahan lang kita sa lalaking nasa likod natin kanina, kaso hindi ko siya natamaan", saad nito saka biglang bumagsak ang balikat nito at napakunot naman ang noo ko.

"You don't have to protect me. Ako ang poprotekta sa'yo", ani ko at agad naman itong tumango.

Nakita ko naman si Andrea na tinutukan ng baril si Galler sa ulo nito at namumula ang buong mukha niya sa galit.

"Andrea! We have nothing to do with him, dad will take care of him", sabi ko sa kanya at agad naman nitong ibinaba ang baril na hawak.

Agad namang lumapit si Sebastian sa lalaki at tinanggal ang pagkakatali nito mula sa upuan.

Mariin naman niya itong itinayo at ginaya papalabas ng bahay saka ito isinakay sa suv na naka-abang sa labas.

Nang makasakay kami sa kotse ay malaki ang ngiti naming tatlo nina Travis at Sebastian, maliban sa babaeng kasama namin na parang natalo ang itsura.

"What's the matter, baby girl?", tanong ko sa kanya at hindi naman ako nito sinagot kaya agad kong minaneho ang sasakyan pauwi ng Davienne.

Tahimik ang sasakyan sa buong biyahe hanggang sa makarating kami sa mansyon, agad naman na bumaba sa kotse si Andrea ng walang sabi-sabi.

Nang maiayos ko ang sarili ay pinuntahan ko si Andrea sa kwarto nito at nakitang naka-simangot pa din ang mukha nito.

"Andrea. What's wrong?", tanong ko sa kanya ng makalapit ako dito.

"Nothing", maikli nitong sagot habang hindi pa din ako tinitingnan.

"Yes, baby. There is a problem, go on tell me", ani ko at marahang inilagay ang kamay sa balikat nito hanggang sa tingnan niya ako sa mata.

"It's Sebastian. I feel useless when you're with him, I feel like I'm nothing at parang wala naman akong naitulong sa inyo kanina", ika nito at bigla namang tumulo ang luha nito na agad ko ding pinunasan.

"Meron kang naitulang, Andrea. Don't say that you are useless, dahil alam mong ikaw ang pinaka-kailangan namin sa grupo. Kayo ni Sebastian, kailangan namin kayo", sabi ko habang pinapalakas ang loob nito.

"Since may poot pa din sa puso mo ng dahil kay Sebastian. I want you to train him, I mean sasama ka sa'kin habang tinetrain siya", dagdag ko pa at bigla namang napakunot ang noo nito.

"What? No, I don't want to", saad nito at umiling-iling naman ako habang nakangiti sa kanya.

"You have to. Pa'no kung kayo nalang ang natitira sa building?", tanong ko sa kanya at ipinag-krus naman nito ang braso saka tumayo at humarap sa'kin.

"Edi iiwan ko siya. Nico, ayoko sumama sa training niya", saad naman nito na parang batang naglulupasay.

"Dali na, sumama ka na. Please, for me?", ani ko habang nagpapa-cute dito.

"Sige na nga. Basta for you lang ha", saad naman nito at agad ding ngumiti.

Hinila ko naman ito at niyakap ng mahigpit hanggang sa bumagsak ulit ito pabalik sa kama hanggang sa magtama ang mukha namin.

"Nico?", anito habang ako ay mariing nakatingin sa mapula nitong labi.

"Yes?"

"I love you", saad nito at tumulo muli ang luha niya.

Hindi ko siya sinagot at mariing hinalikan ang labi nito, sinuklian niya naman ako ng halik hanggang sa mawalan kami ng hangin.

"I love you too", ani ko at muling hinalikan ang labi nito saka ito niyakap.

Rules & Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now