Chapter 14

93 18 0
                                    

BIGLA akong nagising mula sa masamang panaginip na hindi ko maipalawanag. Nagulat naman ang buong kalamnan ko nang makitang katabi ko si Nico at nakahiga ako sa braso nito.


Agad ko namang sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot saka mabilis na ibinalik ang pagkakasaplot nito nang makitang wala akong suot.


Why the hell am I sleeping naked? 'Pag itong lalaking 'to talaga may ginawang kamanyakan sa'kin malilintikan talaga siya.


Nakakunot ang noo kong tiningnan ang katabi ko at biglang nanlaki ang dalawang mata ko nang wala rin itong saplot sa katawan at tanging boxers lang.


"Nicholas! Anong ginawa mo sa'king siraulo ka?!", pagkausap ko sa sarili at agad na napairap saka tinungo ang banyo at humarap sa salamin.


"Pag ikaw talaga Nicholas, may ginawa sa katawan ko hinding-hindi kita mapapatawad!", dinuro ko ang sarili kong repleksyon na parang si Nicholas ang kausap ko.


Bigla namang sumulpot sa likuran ko ang repleksyon ng lalaking makabangon lang. Masamang tingin ang ibinigay ko dito habang siya ay nakangisi lang.


"Did you have fun last night?", nagising tanong nito habang nakadantay sa may pintuan ng banyo.


Naniningkit ang mata ko nang harapin siya at saka siya dinuro kahit nakatingala na ako nang dahil sa katangkaran niya.


"Hoy, mister! Anong ginawa mo sa katawan ko ha?!", singhal ko sa kanya. Binaba naman nito ang pagkakatali niya para mapantayan ako.


"Relax, baby girl. Para namang hindi ka nag-enjoy sa ginawa nating exploration kagabi", saad nito at marahang tumawa. Tinulak ko ito ng bahagya nang lumapit ito.


"Nico, 'wag mo 'kong matawag-tawag na baby girl dahil una sa lahat hindi mo ako baby! Pangalawa, anong exploration ang pinagsasasabi mo? Hoy, hindi porket gusto kita papatol na ako sa'yo!", singhal ko sa kanya at padabog na lumabas ng banyo. Akmang lalabas na ako ng kwarto nang bigla itong sumigaw.


"So, you're planning to get out of your room wearing nothing, huh?", anito at agad ko namang tiningnan ang katawan at mabilis itong tinakluban gamit ang dalawa kong kamay.


Lumapit naman ang lalaking 'to sa'kin saka ako nginisian.


"Seems like you're enjoying being naked. By the way, may training si Sebby at pumayag ka na samahan kami", anito saka nilisan ang kwarto ko.


Naisahan nanaman ako my lalaking 'yon sa mga katarantaduhang gagawin niya.


Muli kong tinungo ang c.r para mag-ayos dahil may lakad sila ni Sebby, gusto pa talaga niya akong sumabit sa mga plano nila.


NASA lobby ako ngayon at hinihintay si Nicholas. Ano ba dapat ang itawag ko sa kanya, Sir? Nico? o kaya naman Mine?


"Sebastian! Sinong hinihintay mo?", tanong nung sinasabing Travis ni Nico nang makalapit ito sa'kin.


"Si Nicholas po", nahihiyang sagot ko sa kanya. Mariin niya naman tinapik ang balikat ko.


"May lakad kayo? Saan?", tanong pa nito.


"Sa training daw po", saad ko saka bahagyang lumayo sa kanya.


"Mukhang makakasali ka na nga sa grupo namin. Good luck, buddy", anito saka muling tinapik ang balikat ko at iniwan ako sa lobby.


Agad ko namang naaninag ang lalaking pababa ng hagdan na ayos na ayos with matching shades, nakapamulsa pa ito na lalong nagpalakas ng dating niya.


"You're early, huh? But wait we have to wait for someone", anito nang makababa ito ng hagdan saka umupo sa sofa. Sumunod naman ako doon at umupo din sa tabi niya.


"Sino?", tanong ko at agad naman itong lumingon sa'kin.


"Andrea, I told her to come with us. Para maging close kayo, tinanong ko kasi siya kung anong gagawin niya kapag kayong dalawa nalang ang natitira sa building ang sabi niya iiwan ka daw niya", nangising sagot nito sa'kin.


Umakbay naman ito agad sa'kin dahilan para mapalunok ako. Humawak ito sa baba ko at ihinarap sa mukha niya.


"Don't worry, I don't bite", dagdag pa nito saka muling ngumisi.


"Let's go, idiots!", pagsusungit ng babaeng kasama namin saka dire-diretsong lumabas ng mansion.


"Hindi ka nga nangangagat pero pakiramdam ko naman parang mangangain ng buhay 'yang kasama mo", bulong ko kay Nico saka ito nagtawa at lumabas na rin.


Ilang minuto pang pagmamaneho ni Nicholas ay nakarating na rin kami sa hindi ko malamang lugar.


"We're here at Sky Range, dahil kailangan mong matuto kung paano humawak ng baril at umasinta dahil yung dalawang nabanggit ko hindi ka marunong", ika ni Nicholas saka agad na bumaba ng kotse at sumunod naman kaming dalawa ni Andrea.


May pagka-attitude si Andrea, pero siguro dahil kakakilala palang namin. O hindi kaya ma-attitude lang talaga siya, kasi masasama akong sa grupo nila. Hindi ko rin naman kasi hiniling na makasali sa kanila dahil wala pa sa plano ko ngayong taon ang mamatay, pero dahil para nga kanila mama gagawin ko na din.


"Ready?", pabulong na tanong ni Nicholas sa'kin. Kabado ko naman itong tiningnan.


"Yung totoo? Hindi, kinakabahan ako", ani ko sa kanya at agad naman ako nitong inakbayan.


"You'll be fine, akong bahala sa'yo" ika niya saka ginulo ang buhok ko at iginiya papasok sa loob.


Nakita ko naman si Andrea na ineensayong maiigi ang paghawak nito ng baril at pag-asinta sa target.


"Now, Sebby. I want you to beat her score", anito saka inihawak sa'kin ang baril.


"Pero, kakasimula ko palang. Hindi pa ako gano'n ka-bihasa", saad ko sa kanya saka ito umiling-iling.


"You can do it. I believe in you", ika nito saka ako nginitian.


Nicholas. 'Wag naman ganyan, masyado na akong nahuhulog eh, baka hindi mo ako masalo.


Ilang oras pa ang lumipas ay kinumpara naman nila Nicholas ang mga tama ng baril namin ni Andrea para malaman kung sinong nag-wagi.


"Tapos na ba?", iritang tanong sa kanila ni Andrea. Hinarap naman siya ni Nicholas saka humawak sa beywang nito at humalik sa pisngi ng babae.


"Just a minute, baby", anito sa kanya at di hamak na biglang umaliwalas ang mukha nito.


"She won, try again next time", bulong ni Nicholas sa'kin nang makalabas kami ng Sky Range.


Nang maka-uwi kami sa mansion nila ay agad naman na may lumapit sa dalawang kasama ko.


"Nico, Andrea. Pinapatawag kayo ni Tito Marlon, ngayon na", anito habang naghahabol ng hiningi. Humarap naman si Nico sa'kin habang si Andrea ay kumaripas na ng takbo.


"Go to your room, we'll be fine", ika ni Nico saka sumunod na sa gawi ni Andrea.


Nagpunta naman na agad ako sa kwarto at nilinis ang sarili. Sobrang haba ng araw ko ngayon, pero ano naman kaya ang gagawin nung 'Tito Marlon' na 'yon sa kanila?


Sana naman walang masamang gawin sa kanila si Marlon, dahil kung meron man. Tiyak na ako ang may kasalanan dahil una sa lahat hindi alam nung Marlon na 'yon na kasama ako sa grupo nila at pangalawa hindi niya pa ako nakikita, o nakita niya na ako hindi ko lang alam.


Kung mamamatay man ako bukas, sana 'wag masyado ko pang mahal ang buhay ko at sana gano'n din ang dalawang kasama ko.

Rules & Roses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon