Chapter 1

506 32 0
                                    

MABILIS akong nag-ayos dahil ilang sandali nalang at dadating na si Shamil para sunduin ako papunta sa bahay ng mga Manjuares para magplano na maibalik si Senator David mula sa kamay ng mga dumukot sa kanya na sinasabing mafia daw.


"Sebby! 48 years bakla!", sigaw ni Shamil nang makapasok ito sa bahay. Agad ko naman itong tinapik nang makalapit ito sa'kin.


"Wag kang maingay, hindi nila alam na pupunta tayo sa mga Manjuares!", pabulong na suway ko dito. Tinakpan naman nito ang bibig nito saka umupo sa sofa.


Sa pag-aayos ko ay nakita ko ang repleksyon ni mama sa likod ko pati na din ang dalawa kong kapatid.


"Saan ang punta, aber?", ika ni mama sa masungit na tono. Hinarap ko naman agad binigyan ng kabadong ngiti at napatingin din naman ako kay Shamil na agad nagiwas ng tingin.


Pumameywang naman ang tatlo at binigyan kami ng nakakamatay na tingin.


"Sebastian, 'wag mong sabihin na pupunta ka sa mga Manjuares", dagdag pa ni mama sa another level ng kasungitan. Nanatili nalang na nakayuko si Shamil.


"Ma, kailangan namin mabawi si Senator David sa kamay ng mga dumakip sa kanya. Pa'no nalang ang bayan natin kung walang mamumuno dito, tsaka isa pa kailangan natin siya dahil sa kanya din ako nagtatrabaho, kaming dalawa ni Shamil. 'Pag hindi namin maibalik si Senator, wala nganga tayo mother", saad ko dito at narinig ko naman ang paghingi ng malalim ni Shamil.


"Ayoko lang na madamay kayong dalawa sa kaguluhan na sinimulan ng mga Manjuares. Sige, sabihin na natin na pinagkakatiwalaan kayo ng pamilya nila pero hindi ibig sabihin no'n na dapat sa kanila na kayo lumapit para humingi ng tulong lalo na kapag pera ang pinag-uusapan. Madaming paraan anak para makabangon tayo sa buhay, kapit sa patalim ang ginagawa ninyo e", nagaalalang wika ni mama na nagpatigil sa mundo ko.


Tama nga din naman, hindi naman kami pwedeng sa kanila lang umaasa ng tulong pinansyal, pero kailangan din namin ng pera ni Shamil dahil narinig namin na magsasara na yung club na pinagtatrabahuhan namin dahil bibilhin daw ng isang mayaman at in-offer-an ang may-ari na babayaran daw ng dalawang milyon ang lupa dahil gusto daw nila yung lugar.


Sino ba namang hindi makakatanggi doon kung ang offer sa lupa mo ay dalawang milyon, pero siguro sapat na din yun dahil malaki naman yung club at sigurado ako na kapag sila na ang nagtaguyod ng club na 'yon tiyak na dudumugin ng sambayanan.


"Huling beses na 'to, ma. Kapag hindi namin naibalik si Senator titigil na kami ni Shamil sa pagbuntot sa pamilya nila", saad ko dito. Napaangat naman ng tingin si Shamil sa sinabi ko saka ko siya sinenyasan na makisakay nalang.


"Promise 'yan kuya ha. Kapag hindi sasabunutan ko talaga kayo pareho ni kuya Shamil", sabat naman ng nakababata kong kapatid na si Stephanie.


"Oo na sige. Aalis na kami baka mamaya kung ano pang sabihin ng iba naming kasama", saad mo sa mga ito habang ginugulo ang buhok ng dalawa kong kapatid.


"Basta anak magiingat kayo ha", dagdag pa ni mama bago kami makalabas ng bahay. Nginitian nalang namin sila at tuluyan ng umalis.


Habang naglalakad ay marahan naman akong tinulak ni Shamil mabuti nalang at nakabalanse agad ako dahil kung hindi diretso ako sa kanal.


"Anong sinabi mo kay Tita Sarah na hindi na tayo bubuntot sa pamilya nila pag hindi pa natin nakuha si Senator. Pa'no tayo n'yan?", singhal nito na may irita.


"Ano ka ba! Kung sinabi kong patuloy pa din tayo sa pag serbisyo sa pamilya nila edi tayo naman ang nalagot kila mama", saad ko dito na medyo matawa-tawa.


"Sabagay, tama ka. Teka, alas-onse na baka wala na tayong maabutan na balita sa bahay nila", ika nito at agad naman kaming kumaripas ng takbo para makasakay ng taxi.


Sa ilang minutong pagbibiyahe namin ay may napansin ako dalawang itim na SUV na kanina pa sumusunod sa taxi na sinasakyan namin.


Iba ang kutob ko sa dalawang SUV na 'to, parang kaming dalawa ang target ng mga sakay sa loob ng dalawang sasakyan.


Nawala naman sa paningin ko ang isang SUV at bigla namang tumigil ang taxi na sinasakyan namin.


"Shamil! Halika na bumaba na tayo!", singhal ko sa kasama kong abala sa pagtingin sa cellphone niya.


Dumukot ako agad ng pera sa pinaka ko at agad na inabot sa driver. Kinalabit ko naman si Shamil para senyasan na bumaba na.


"Anong nangyayari? Bakit?", tanong nito nang makita akong taranta sa pagbukas ng pinto ng taxi habang nakatingin pa din sa SUV na nasa likod namin.


Nang mabuksan ko ang pinto ay sumunod naman na bumaba si Shamil at sa pagbaba namin ay hindi namin napansin na may lalaki pala sa likod ng taxi at dinakip kami pareho at isinakay sa loob ng SUV.


Dahan-dahan ko naman na iminulat ang mata ko at naramdaman na nakatali ako sa upuang kahoy at gano'n din si Shamil na nasa kaliwa ko.


Nang iangat ko ang ulo ko ay nahagip naman ng mata ko ay isang lalaking nakasandal sa pader na naninigarilayo at hindi pinapansin ang presensya ko, gano'n din ang lalaking nasa isang sulok ng kwarto.


Isiningkit ko naman ang mata ko para makita ang isa pang lalaking nakaupo sa tapat namin ni Shamil na may hawak din na sigarilyo at sa lamesa nito ay may baril.


Nanlaki naman ang mata ko nang makita ko na ngumisi ang lalaki nang makita akong nakatingin sa baril nito at pilit na pinagmamasdan ang buong kwarto.


Pilit akong kumakawala sa pagkaka-gapos ko sa upuan. Mahirap para sa'kin na gumalaw dahil pati ang paa ko ay nakatali din sa upuan gano'n din si Shamil na ngayon ay tulog pa dahil sa pagkakahilo namin kanina.


Napansin ko naman na tumayo ang lalaki sa tapat namin kaya agad akong napatingin sa direksyon nito na madilim ang mukha.


Unti-unti siyang lumalapit sa'kin at bumalik ulit ako sa pagtanggal ng tali sa'kin sa upuan mula sa likod.


Bumaba naman ng kaunti ang lalaki para mapantayan ako at matingnan ako ng mata sa mata.


"Kahit anong pagwawala mo. Hindi mo matatanggal 'yan, dahil una kailangan namin kayo para isiwalat lahat ng maduduming plano ng mga Manjuares. Bakit kayo? Well, basically kayo lang naman ang alas na itinuring ng pamilya nila, at sa inyo din sinasabi ang mga sikreto nila sa bawat isa lalo na sa taong bayan", ika nito. Napalunok nalang ako at muling napatingin sa mahina pang si Shamil saka muling ibinaling ang atensyon sa lalaki.


"Wala kayong mapapala sa'min. Maya parang awa niyo na pakawalan niyo na kami, isa pa wala kaming kasalanan sa inyo", pagmamakaawa ko dito habang pilit na tinitingnan ito sa mata. Tumayo naman ito ay kinuha ang baril sa lamesa saka bumalik sa harap ko.


"Wala kayong kasalanan sa'min. Oo nga naman, pero kung hindi niyo alam. Kasalanan ng amo niyo, kasalanan niyo din. Dahil kasama nila kayo, at kung sinasabi niyong wala kaming mapapala sa inyo, d'yan kayo nagkakamali dahil sobrang dami. Lalo na si Tito Marlon, pero kung sinasabi niyong wala talaga. Papatayin ko nalang kayo", ika nito saka itinutok ang baril sa mukha ko na nagpaigtad sa'kin.


"Alejandro, relax!", pigil na sigaw ng babaeng kakapasok lang sa kwarto dahilan para mapatingin ang lalaking may hawak na baril at agad itong ibinaba.


"Have mercy to him. Let me just remind you na hindi tayo papatay ngayong araw at 'yon ang utos ni dad", dagdag pa nito saka nagdire-diretsong umupo sa sofa.


Pasalamat nalang ako na dumating ang babae na ito at pinigilan ang lalaki dahil kung hindi malamang nabaril na ako ngayon.


Hindi naman pala ako magpapasalamat dahil hindi ko alam kung ano talagang gusto nila sa'min at anong gagawin nila sa'min.


Sana naman hindi pa ito ang katapusan ng buhay ko.

Rules & Roses (COMPLETED)Where stories live. Discover now