Chapter 10

118 22 1
                                    

IPINAHANDA ko na kay JD ang sasakyan na gagamitin sa pag-hatid kay Shamil pauwi ng San Diego.


Bigla namang nag-iba ang ekspresyon sa mukha ko nang lumapit si Alejandro at agad hinipan ang tenga ko.


Agad ko naman siyang hinampas saka ito inirapan at naglakad na papunta sa sasakyan para lapitan si Shamil.


"We will give you Sebastian back, once we're done punishing him", ika ko sa kanya saka binigyan ng ngisi.


Agad naman na nagdilim ang mukha nito at pinipilit na kumawala sa pagkakahawak sa kanya ni JD na parang gusto ako saktan.


"Go on, hurt me. Tingnan lang natin kung matuloy ang pag-uwi mo", pagbabanta ko sa kanya at tumigil naman ito.


"Nagmamakaawa ako sa inyo, mam. 'Wag niyong abusuhin ang kahinaan ng kaibigan ko, dahil siya lang din ang inaasahan ng pamilya niya", sambit nito at biglang tumulo ang luha sa mata niya.


Nag-iwas naman ako agad ng tingin dahil baka magbago pa ang isip ko at dalawa sila ni Sebastian ang ipahatid ko.


Madali akong maawa sa mga katulad nila lalo na hindi ko naman naranasan ang paghihirap na araw-araw nilang dinadanas.


Sinenyasan naman sila ni Alejandro saka ipinaandar na ng mga ito ang sasakyan.


"Let me guess, naawa ka kay Shamil 'no?", tanong nito na parang nang-aasar pa dahil sa nakakaloko nitong ngiti.


"Andrea, we're mafia. It's normal to pity someone especially those who's not involve in this kind of situation like the two of them. So, you don't have to hide", ika nito na pilit pinapagaan ang loob ko habang pumapasok kami sa mansion.


"I know, but like what you said. We are a mafia. That's why we all have to hide what we feel and everything ", pagharang ko naman sa hinanaing nito.


Bumuntong-hininga naman ito bago umupo sa harap ko na para bang nainis siya sa sinabi ko.


"But, I can't hide this feeling anymore", seryosong wika nito at agad din na sumeryoso ang tingin nito.


"What do you mean?", tanong ko dito at agad na umaliwalas ang mukha ko nang ngumiti ito.


Umupo ito nang ayos kasabay ng pag-hawak nito sa kamay ko at hindi pa din tinatanggal ang ngiti sa labi.


"Andrea, I like you. No, I love you", ika nito na agad kong ikinagulat.


Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya sinasabi ang lahat ng ito.


"Why?", tanong ko dito at unti-unti namang nawawala ang ngiti nito.


Hindi ko din alam kung bakit ko tinanong sa kanya 'yun, siguro hindi lang ako sanay na may lalaking nagmamahal sa'kin na kahit alam ang ugali ko ay patuloy pa din akong mamahalin.


"Because I love you for no reason, I just love you", saad niya habang hawak pa din ang kamay ko.


Unti-unti akong nakakaramdam my kaba na hindi ko alam kung bakit at habang patagal ng patagal ay parang sasabog ang puso ko.


"I don't even know what to say", ani ko at nagtawa lang ito saka muli akong tiningnan.


"You don't have to say anything", ika nito.



"But I don't love you", sabi ko kasabay ng pag-iling ko.


Agad naman na napalitan ang reaksyon ng mukha nito na kanina ay nakangiti ngayon ay puno ng lungkot. Ibinalik nito ang ngiti sa labi niya na alam kong peke na sa pagkakataon na ito.


"It's okay, I don't ask you to love me back and I'm not saying this for you to love me back. So, it's okay. I just wanted this thing to get out of my head and say it to you out loud", may bahid ng kirot sa mga salitang lumalabas sa bibig nito na tumatama sa puso ko.


"Alam ko naman din kasi na meron kang ibang gusto at si Nico 'yun, but I don't give a damn about it, as long as I can tell you how much I love you, then I say it and I always will", dagdag pa nito bago ako iwan sa kawalan.


Nasaktan ako sa mga bagay na narinig ko pero napangiti din ako agad sa huling sinabi niya.


Hindi ko din alam kung bakit at napapangiti niya ako sa bawat sasabihin niya.


"Hi, baby girl", ika ni Nico na bigla-bigla sumusulpot sa likod ko.


Humalik ito sa pisngi ko bago magtungo sa kusina para kumuha ng makakain.


Nang makalapit ito sa'kin sa sofa ay agad naman ako nitong binigyan ng matamis na ngiti na parang ngayon ko lang nakita ulit sa kanya.


"How's Shamil? Naihatid na ba siya?", tanong nito habang ang tingin ko dito ay hindi pa din maipinta.


"Yeah, kanina pa. Would you mind if I leave you here? I'm just going to check on Sebastian", ika ko saka naman ito ngumisi at pinigilan ako sa pagtayo.


"No, baby girl. Stay here, let's talk", ika nito sa medyo seductive way na ikinadiri ko kaya lumayo ako ng kaunti pero patuloy pa din ito sa paglapit.


"I'll stay here but stop calling me baby girl, kadiri. Especially when it comes to you", pang-aasar ko dito.


"Ouch, you hurt me. Here, baby girl", ika nito sabay turo sa dibdib nito na ikinairap ko ng dahil sa inis.


"Ano ba kasi ang gusto mong pag-usapan?", may bahid ng inis kong tanong dito.


"I heard your conversation with Alejandro. So, you like me?", tanong nito na parang inaasar pa ako dahil sa nalaman niya.


Napailing-iling naman ako sa ginawa nito at tumingin sa ibang direksyon ng mansyon.


"Baby girl, you don't have to hide it. It's okay, because I also like you", ika nito at agad naman akong napatingin sa kanya na seryoso ang mukha.


"Will you stop? Stop flirting because you already have a girlfriend", ani ko sa kanya at nagtawa lang ito kagaya ni Alejandro.


"I don't love her, and besides she's cheating on me with Isaac", ika nito na nagpalaki ng mata ko sa gulat.


Ang babaeng 'yon? Ang lakas ng loob niyang sabihin na lumayo ako sa 'boyfriend' niya tapos siya pala 'tong timer.


"But that doesn't mean na hahayaan ko ang sarili ko na mahulog sa bihag mo. Nico, I would rather be called baby girl than rebound girl, because I'm not one. At hindi ko hahayaan na maging panakip mo lang ako, d'yan sa butas na iniwan ng Levounne na 'yan", ani ko at iniwan itong mag-isa.


Yes, I just rejected them. But it would be nice, especially for Nico para alam niya na hindi lahat ng babaeng gusto niya ay gusto din siya.


At hindi sa lahat ng pagkakataon makakapang-uto siya ng babae gamit lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.

Rules & Roses (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon