Chapter 46: THE PLANS

53 2 3
                                    

*3rd Person's POV*

"Oh, so they're having some celebrations, huh?" mapang-asar ang tonong tanong ni Pauline habang nakatingin sa cellphone ng kanyang kasama.

"Mukhang mahilig sa mga sorpresa 'yong lalaki," nang-iinsulto rin ang tonong komento ng lalaki kaya sabay silang nagtawanan.

"He's always been like that. A man who's willing to do everything for the woman he loves kaya nga minahal ko siya, eh," naging malumanay ang tinig ng babae nang sabihin niya ang mga salitang ito at bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.

"Kaso hindi ikaw ang minahal niya?" sarkastiko ang lalaki kaya naman biglang nagpuyos sa galit ang babae at dinakma siya nito sa kwelyo.

"You know nothing, so stop messing around," banta niya sa lalaki bago niya ito binitawan.

"Pasensya na po, Ma'am," paghingi ng despensa ng lalaki.

"If it's not because of her, masaya sana ako ngayon kasama ang lalaking mahal ko. Ang dami kong plano at pangarap para sa'ming dalawa pero sinira 'yon ng Kathryn na 'yan," bakas sa boses at mata ng babae ang hinanakit na mayroon siya para sa dating kaibigan. "Naging mabuti akong kaibigan sa kanya pero hindi niya ibinigay sa'kin ang kaisa-isang hiling ko sa kanya. She's so selfish, gusto niya siya lang ang meron."

"Ano na naman 'to, Pauline?!" galit na bungad ng lalaking kapapasok lang sa unit niya.

"Oh, hi, babe. Nand'yan ka na pala," sinalubong niya ang lalaki at akmang yayakapin ngunit hindi pa man siya nakakalapit ay itinulak na siya nito palayo.

"Sinabi ko na sa'yong itigil mo 'to, 'di ba?!" sigaw nito sa kanya.

"It's nothing, Kurt," naging maamo ang boses at mukha ng babae nang kausapin niya ang lalaki.

"Nothing? Tanga ka ba, Pauline? Masyado ka nang nabubulag niyang galit mo!" bakas ang naghihimutok na galit nito na maski ang ugat sa kanyang noo ay lumilitaw na.

"We aren't doing our plans yet, Kurt. Ano bang ikinagagalit mo? I am just doing things according to our plan," sagot naman ng babae sa tonong hindi mawari kung nakikiusap ba o nagpapaamo.

"Putang*nang plano 'yan! Sinabi ko na sa'yo na tigilan na natin, 'di ba?! Gumising ka nga, Pauline!"

"What's wrong with these, Kurt?" sarkastikong tanong nito sa lalaki. "I am just f*cking giving you a favor!" sigaw na rin ng babae at nagsimula nang mapalitan ng galit ang kanina'y maamo niyang emosyon na anumang oras ay mukhang sasabog na ito sa galit.

"Favor? Talaga ba? Ginugulo mo 'yong taong nananahimik, Pauline. Sinabi ko na sa'yong tigilan na natin 'to pero anong ginagawa mo?! Pinaiiral mo 'yang galit mo! 'Yang kagustuhan mong makaganti kasi hindi ikaw 'yong pinili ng lalaking 'yon!"

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now