Chapter 26.5: PRE-SCHOOL FEST (Part 2)

155 2 0
                                    

*Kathryn's POV*

'I'll pick you up at 7 am.'

A message from an unknown number popped up on the screen of my phone. Madali akong makakabisado ng mga numbers ng nagte-text sa'kin but I've never seen this one.

'Who's this?' I replied.

'It's me, Kurt. Your king. Don't you remember?' he replied. Oh! How come? I browsed my contacts and messages and I saw a message from him last night.

'So you've changed your number? Nagtext ka lang sa'kin kagabi tapos ngayon bago na number mo.' I replied again. Ewan ko ba kung bakit big deal sa'kin 'to.

'Yeah, sorry. I forgot to mention it to you. This is just my extra number and I just loaded this one, so yeah, that's it.' he replied.

'Can't we just make a call? My fingers hurt from typing.' he texted again.

'Nah! Mag-aayos pa ako. Kagigising ko lang. Bye!'

******

"Good morning," bati niya sa'kin pagkalabas ko pa lang ng gate. May dala siyang motorbike ngayon at nakaupo siya ro'n.

"What's good in the morning?"

"Texting you early in the morning and seeing you right now," sagot niya at inilahad niya ang kamay niya. "Let's go?"

Hindi na 'ko sumagot at tinanggap ko na lang ang kamay niya. Sinuotan niya ako ng helmet at inalalayang sumakay ng motor niya.

"Mukha ba 'kong disabled?" I asked habang tumatawa.

"No. You're my queen who deserves to be served and treated well," he answered with his usual serious face kapag may mga banat siyang ganyan.

"Ah, gano'n pala 'yon," sagot ko na lang pero ang totoo, sasabog na 'tong puso ko! Myghaddd! Bakit ganyan ka, Kurt?!

Nang makarating kami sa school ay mas lalo akong namangha dahil mas lalo pang nadagdagan 'yong decorations dito sa campus. Ultimo ang mga buildings ay dinikitan na rin ng iba't ibang designs at sinabitan na rin ng mga Christmas lights.

Wala pang masyadong tao rito sa quadrangle dahil may klase pa kami ngayon, though half day lang ulit kami dahil 3 pm ang start ng event mamaya. And take note pa, parang JS Prom ang dating ng event naming 'to. Everything's so perfect at maski kaming mga babaeng students ay dapat naka-cocktail dress mamaya and tuxedo naman para sa mga lalaki.

Dumiretso na muna ako sa klase ko at hindi na ako nagpahatid kay Kurt dahil baka ma-late pa siya dahil 7:45 am na. Nang makapasok ako ay nakita kong almost 20 lang kaming pumasok out of 50 students.

"Grabe naman preparations no'ng iba," agad kong bungad kay Lauren.

"Sinabi mo pa. Pero makikita mo 'yong mga 'yon mamaya ang cha-chaka pa rin," sagot naman niya at sabay kaming nagtawanan.
"Kumusta pala ang outfit mo mamaya? All set na ba?" maya-maya ay tanong niya habang nakangiti.

"All set na pero uuwi pa 'ko mamaya, eh. Ayoko namang dalhin agad para hindi ako magmukhang excited."

"Tsk. Corny mo naman, Kath. Ako nga dinala ko na agad, eh. Nando'n na sa locker ko. Syempre para di na ako mapapagod pag-uwi mamaya tapos babalik na naman."

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now