Chapter 44: A LONG NIGHT

78 4 4
                                    

*Kurt's POV*

"Pauline, please?!" nagpipigil ng galit na pakiusap ko sa kanya nang magising ako at narinig kong kausap na naman niya si Tyron sa telepono niya.

"What?!" balik na sigaw niya nang maibaba niya ang telepono at ibinato ito sa kama.

"Wala ka ba talagang balak tumigil?" mas kalmado na ako ngayon nang sabihin ko ito.

"Wala, Kurt. Ano ka ba, ha?! Tanga ka na ba talaga?"

"Hindi na tama lahat ng ginagawa natin, Pauline. Masyado na tayong nagpapadala sa mga galit natin kaya nagiging tanga na tayo! Pauline, sobra-sobra na 'to. Ayoko na," huling sabi ko at lalabas na sana ako ng kwarto para tapusin na ang pagtatalo namin pero bigla niya akong hinigit sa braso.

"Ano ba talagang nangyayari sa'yo, ha? Why on earth are you not sticking to our guns anymore, Kurt?! These are all your plans! We are doing all of these for Tita! Are you now losing your mind?!"

"Oo, plano ko lahat nang 'to at ayoko nang ituloy pa, Pauline. Nadala ako ng galit noon, oo at 'yon ang pinakamalaking pagkakamali ko lalo na at dinamay pa kita sa katangahang paghihiganting ginawa ko. Pauline, please, tigilan na natin lahat nang 'to. Hindi natin 'to ginagawa para kay Mommy, ginagawa natin 'to para sa mga sarili natin, to satisfy our anger at ngayon, natauhan na 'ko. Gusto ko nang matahimik tayo pare-pareho."

"Kurt, we can't just stop here. We can't just--," hindi ko na narinig pa ang mga sumunod niyang sinabi dahil bigla na lamang nawala ang balanse ko at nagdidilim ang paningin ko. Nagsimulang umugong ang kung ano sa magkabilang tenga ko at hindi ako makarinig nang maayos.

"A-ahh, sh*t," daing ko at hindi ko na napigilan ang pagbagsak ko, tuluyan na akong nawalan ng balanse at napaupo sa sahig. Sobrang sakit ng ulo ko. Ito na naman.

Naramdaman ko ang pag-alalay sa'kin ni Pauline pero hindi ko na masabayan ang lahat ng nangyayari. Naisabunot ko na lang ang magkabilang mga kamay ko sa buhok ko dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Sobrang sakit ng ulo ko! Bakit ganito na naman?

Pinukpok ko na nang magkabila kong mga kamay ang ulo ko pero habang tumatagal ay mas lalo lang tumitindi ang sakit nito. Hindi ko na kaya! Ayoko na!

Maya-maya lang ay bigla na lang nanghina ang talukap ng mga mata ko at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko at nawalan ng malay.

******

*Kathryn's POV*

[Be there, okay? Mga before 7:00 pm dapat nando'n na kayo ng jowa mo. Ipapakilala pa kita kay Aki.] paalala na naman ni Lauren at napairap na lang ako sa kawalan nang banggitin niya ang salitang 'jowa'.

"Oo na, pang-ilang tawag mo na 'to, imposibleng makalimutan ko pa," sarkastika kong tugon at narinig ko naman ang pagtawa niya. Simula kasi kaninang umaga bago pumasok ay tinawagan niya na ako para ipaalala ang ganap namin ngayon. Kanina rin sa campus ay paulit-ulit niya itong binabanggit at nang makauwi kami ay ilang beses na rin siyang tumawag.

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now