Chapter 33: FRIEND REQUEST

99 1 0
                                    

*Edmark's POV*

Agad kong pinasok ang mansyong kaharap ko ngayon. Pagkarating ko pa lamang sa sala ay agad akong hinatiran ng pagkain at inumin ng mga kasambahay nila.

"Sir, pasensya na pero wala pa rito ang Don kaya maaari bang maghintay ka muna rito?"

"It's okay ho. Salamat," nakangiting tugon ko sa katulong nila na may katandaan na. Kung hindi ako nagmamali ay ito ang mayor doma nila rito. Matagal ko na siyang nakikita, bata pa lamang ako.

Nang iwan ako ng mga kasambahay ay saka ko lamang ginalaw ang cake na inihanda nila para sa'kin saka sumimsim ng orange juice habang iginagala ang paningin ko sa kabuuan ng sala nitong mansyon. Makaluma ang disenyo nito maging ang ibang mga kagamitan pero kahit gano'n ay maganda ang pagkakadisenyo ng bahay. Ngunit naagaw ang atensyon ko nang mapadako ang paningin ko sa estante ng makalumang fireplace sa gilid. Nang malapitan ko ito ay saka ko lamang mas nakita ang mga larawan sa picture frame rito na siyang umagaw ng atensyon ko. May kalakihan ang mga larawang ito kaya kahit sa malayo ay maaaninag mo ito. Baby pictures ito ni Kathryn kasama si Tito. Dito na lang sa mga larawang ito matatanaw ang ganitong ngiti sa mga labi at saya sa mga mata niya.

Sa unang larawan ay makikita si Tito na napakalawak ng ngiti habang karga-karga ang sanggol na Kathryn na mukhang bagong gising pa at umiiyak. Sa kasunod naman na larawan ay solo picture ni Kathryn na halos wala ng mga mata dahil sa sobrang pagkakangiti.

"Why do you have to be this wonderful, Kathryn?" usal ko habang titig na titig sa larawan niya.

Sa isa pang larawan ay mga nasa isang taon na ang edad niya rito at may yakap-yakap siyang stuffed toy na panda na mas malaki pa kesa sa kanya. 'Yong isa naman ay kuha sa kanya habang umiiyak, natawa pa ako dahil grabe ang pagkakanganga niya rito.

"Kuya," natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses mula sa likuran ko at nang lingunin ko ito ay nakita ko sina Faye at Tito. Akmang maglalakad na sana ako papalapit kina Tito pero nauna na siyang makalapit sa'kin at tinapik pa ako sa balikat.

"Akyat na po muna ako, Dad, Kuya," anunsyo ni Faye at nginitian ko lang naman siya bilang sagot. Matapos no'n ay ibinalik ko ang paningin ko sa mga larawan.

"I will give you Kathryn's photo album," sambit ni Tito sa mapayapang tono. Agad na nabaling ang atensyon ko sa kanya dahil sa mahinang pagtawa niya at nakita kong ang kanyang paningin ay nakatuon sa larawan ni Kathryn.

******

Nang makalabas ako ng sasakyan ay nagmamadali akong naglakad dahil kanina pa ako sabik na sabik na makita ang mga larawan sa photo album ibinigay sa'kin ni Tito. Hindi ko alam na may ganito pala si Tito dahil ayon sa kwento niya ay dalawang taong gulang pa lang si Kathryn nang ilayo na ito sa kanya nina Tita Angel.

(A/N: Magkapangalan po ang nanay nina Kurt at Kathryn)

Dali-dali kong pinagmasdan ang photo album na hawak ko ngayon. Sa labas pa lang nito ay napakaganda na ng disenyo nito. Nakalagay rito ang pangalang 'Kathryn Daniella' na animong naka-crochet. Pagbuklat ko ay nakita ko ang larawan ni Tita Angel habang karga-karga niya ang isang sanggol. Payapang-payapa sa pagkakapikit ang sanggol na animong natutulog samantalang si Tita Angel naman ay napakalawak ng ngiti pero may luha sa mga mata. Ang sumunod na larawan naman ay si Tito naman ang may karga sa sanggol. Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ni Tito rito. Ang pangatlong larawan ay mistulang isang family picture dahil magkatabing nakaupo sina Tito at Tita Angel habang ang magkabilang paa ng sanggol ay nakatapak sa tig-isang hita ng dalawang nakatatanda. Ang mga sumunod pang kuha ay solo shots na ni Kathryn. May mangilan-ngilan ding mga kuha nilang tatlo pero mas lamang ang kina Kathryn at Tita Angel.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon