Chapter 35: BLISSFUL DAY

53 2 0
                                    

*Edmark's POV*

Matinding pagre-review ang ginawa ko sa halos buong linggo na 'to. Isinantabi ko muna ang mga problemang sumasalubong sa'min ngayon pero pinaglalaanan ko pa rin naman ito ng maski katiting na panahon para pag-isipan. Naging payapa naman ang halos isang linggong nakalipas. Last day na ng exam week ngayon at sa mga susunod na araw ay free na kami.

Matapos kong masagutan ang sandamakmak na mga test papers na ibinigay sa'min ay agad ko na itong ipinasa sa prof na nagbabantay sa'min at lumabas na ng classroom.

Agad akong tumungo sa may Education department para sunduin si Kathryn pero agad na kumulo ang dugo ko nang makita kong magkasama sina Kurt at Pauline. Nakayakap pa si Kurt sa baywang ng babaeng 'yon.

Mukhang hindi naman ako napansin ng nga ito dahil abala silang dalawa sa pagkukwentuhan. Narinig ko pa ang sabay nilang pagtawa at mas nangingibabaw ang boses ni Kurt na lalong nagpainit ng ulo ko.

Mabilis akong lumapit sa kanilang dalawa at buong lakas kong hinawakan nang mahigpit ang kwelyo ng unipormeng suot ni Kurt.

"G*go ka pa rin talaga hanggang ngayon, eh 'no?" galit na angil ko pero pinilit kong hinaan ang boses ko.

"Ikaw ang g*go! Bitiwan mo 'ko!" sigaw niya at akmang aalisin niya ang kamay ko pero lalo ko lang itong hinawakan nang mahigpit.

"Tumigil ka na, Ed. Ano ba?!" rinig ko na rin ang galit sa boses niya pero hindi ko na lang siya pinansin pa. Nakatuon lang ang masasamang titig ko sa g*gong Kurt na nasa harapan ko ngayon.

"Wala akong pakialam sa'yo, Edmark, kaya tumigil ka na," malalim na ang boses niya kaya alam kong nagpipigil na rin siya ng galit katulad ko. Mas diniinan ko pa ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya at mas inilapit pa ang mukha ko.

"Paano kung makita kayo ni Kathryn dito, ah?! Hindi ka ba nag-iisip?!" sigaw ko sa mismong pagmumukha niya.

"Tumigil ka na, Ed---"

"Wag kang makialam dito," putol ko sa kung anumang sasabihin ng babaeng 'to. Kahit kelan ang hilig talagang makisali.

"Bakit, ha?! Ang lakas ng loob mong sitahin ako pero 'yang sarili mo, hindi mo magawang pagsabihan? Akala mo kung sino kang malinis, eh, pare-pareho lang naman tayong may atraso do'n sa babaeng 'yon!" sigaw niya sa'kin pabalik kasabay ng malakas na paghawi niya sa kamay ko kaya nabitawan ko na siya. "Lahat naman tayo may kasalanan sa kanya, 'di ba?" sarkastikong sabi niya saka tumawa nang peke. "Ako, ikaw, si Pauline, 'yong kaibigan niya lalo na 'yong pamilya niya. Lahat tayo, Edmark. Lahat tayo ginag*go natin siya pare-pareho kaya wag lang ako 'yong pagdiskitahan mo. G*go!"

Halos umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo at alam kong kapag pinatagal ko pa lalo ay hindi na ako makakapagpigil pa.

"Kasalanan mo kung bakit kailangan naming gawin sa kanya 'yon. Ikaw naman 'yong nagdala sa kanya sa sitwasyon niya ngayon, 'di ba? Kaya wala kang ibang dapat na sisihin kundi 'yang sarili mo," diin na sabi ko lalo na sa huling parte nito kasabay ng pagduro ko sa kanya. "At 'yang demonyong babaeng 'yan!" patuloy ko at marahas ko pang itinuro si Pauline pero nanatili kay Kurt ang tingin ko.

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now