Chapter 7: TRANSFEREE

1.8K 63 6
                                    

*Kathryn's POV*

KRING! KRING! KRING!

Pinatay ko 'yong alarm clock ko at kinuha ko 'yong teddy bear na nasa likuran ko na pala, yakap-yakap ko kasi 'yon kagabi. Niyakap ko ulit 'yon at pumikit nang madiin. This is the most memorable gift that he gave me. Naalala ko 'yong about dun sa necklace na nakita ni Lauren sa pocket nito, kinuha ko 'yon at hinaplos ko 'yong pendant. It is a silver necklace with a heart pendant na may naka-engrave na 'K', it looks so elegant.

Nang maramdaman kong may namumuo na namang luha sa mga mata ko ay agad ko itong pinunasan at ibinalik ko na 'yong necklace sa pocket no'ng teddy bear. Sinandal ko na 'yon sa headboard at bumangon na ako.

Pumasok na 'ko sa CR at naligo.

Nag-aayos...

Nagbihis....

And ready for school na, breakfast na lang ang kulang.

Bzzttt.... Bzzztttt.....

1 message received

From: Lauren

'Sa school park ka na pumunta. Hihintayin kita ro'n.'

Lumabas ako habang nagta-type nang bigla akong akbayan ni Kuya.

"Sino yang ka-text mo?" tanong niya.

"Si Lauren," sagot ko pagtapos kong mai-send 'yong message ko sa kanya.

"Patingin nga," mapang-asar at parang hindi naniniwalang sabi niya. Mukha bang niloloko ko siya?

"Si Lauren nga. Oh!" naiinis na sabi ko at pinakita ko sa kanya 'yong phone ko.

"Oo na. Wag nang magalit," malambing na sabi niya. Ganyan kasi 'yan lagi, nilalambing ako kapag naiinis ako sa kanya.

Bumaba na kami at naabutan namin sina Mommy at Daddy sa dining room pero hindi pa sila kumakain.

"Good morning, kids," nakangiting bati ni Dad.

"We're not kids anymore, Dad," naiiritang sabi ni Kuya. Ayaw niya kasing tinatawag siya nang ganun lalo na kapag nandito si Ate Sam.

"Christian, you're still our kids," sabi ni Mommy at tiningnan niya nang malalim si Kuya.

"Ok, we're your kids," pagsang-ayon niya.

Umupo na ako sa tabi ni Mommy.

"Tama na po 'yan. Kain na tayo, gutom na 'ko," sabi ko at sinunod naman nila.

As usual, bacon ulit ang niluto ni Mommy para sa'ming dalawa ni Kuya. Favorite kasi namin 'yon. Hindi kami mabubuhay kapag hindi kami nakakakain nito. And as usual, nag-agawan na naman kaming dalawa.

Napansin namin ni Kuya na tumigil si Dad sa pagkain kaya napatingin kami sa kanya. Diretso ang tingin niya sa'ming dalawa, magkatabi kasi kami ni Kuya, kaya tumigil kami sa pag-aagawan at nagparaya naman si Kuya at binigyan niya pa ako.

Tuwing umaga, madalas na ganito 'yong scenario kapag nag-a-almusal kami. Mag-a-agawan sa bacon, titigil si Dad sa pagkain, titingin kami sa kanya at makikita namin na malalim 'yong mga tingin niya sa'min at sa huli, nagpapaubaya rin si Kuya.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam na kami nina Kuya at Dad Kay Mommy. Si Dad ang naghatid sa'min.

Pagdating pa lang namin sa parking area ay nagsilitawan na agad 'yong mga fangirls ni Kuya at mga suitors ko, mga suitors ko na walang pag-asa kasi may nagmamay-ari na ng puso ko.

MAALALA MO SANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon