Chapter 25: LAGUNA TRIP (Part 1)

346 6 3
                                    

*Kathryn's POV*

Kakapasok ko pa lang ng campus pero agad na akong sinalubong ni Kurt.

"May emergency meeting daw ang buong faculty, so classes have been dismissed again," masayang bungad niya sa'kin.

"Oh, eh 'di, uuwi na lang ako," sagot ko naman. Tinatamad din naman kasi ako.

"No, I'll take you somewhere, my queen," pigil niya sa'kin saka niya hinawakan ang wrist ko at hinila na niya ako papunta sa parking lot. Tumigil naman kami sa tapat ng isang red Montero Sport.

"Woahh! Yaman," manghang sabi ko. Ang ganda kasi tapos knowing the price, ang mahal niyan tapos mukha bagong-bago pa.

"It's Dad's," sagot niya kaya binigyan ko siya ng tinakas-mo-yan look. "Hiniram ko 'to, syempre," dagdag niya pa. Aba! Defensive masyado. 'Di na lang ako umimik pa at sumakay na kami sa kotse ng Dad niya.

Nakasilip lang ako rito sa bintana kaya tanaw na tanaw ko 'yong dinaraanan namin. Nakabukas ang mga bintana kaya langhap na langhap namin 'yong sariwang hangin. Sana ganito na lang din sa Manila. Hay! Nakaka-miss tuloy rito sa Laguna. Habang tinatanaw ko 'yong lugar, 'di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagyugyog sa balikat ko. Tumingin ako sa suot kong wrist watch at mahigit dalawang oras din pala kaming bumyahe.

"Let's go?" yaya sa'kin ni Kurt at inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na agad ko rin namang tinanggap.

Habang nakahawak siya sa kamay ko ay ginamit niya naman ang kaliwa niyang kamay para takpan 'yong mata ko, bale nasa likuran ko siya ngayon, he's guiding my way. Hindi na ako umangal pa at nagsimula na kaming maglakad. Wala talaga akong idea kung saang part na ba 'to ng Laguna.

Naramdaman kong tinanggal na niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa mata ko kaya agad akong dumilat.

"Nuvali?! Omg!" sigaw ko nang makita ko 'yong sign dito sa entrance ng Nuvali at excited na excited akong tumakbo papasok sa loob.

"Wait lang, hoy!" narinig kong sigaw ni Kurt pero 'di ko na siya pinansin. Nando'n pa kasi siya at nagbabayad ng entrance fee namin.

Nakita kong nakatutok lang siya sa pakikipag-usap do'n sa pinagbabayaran ng entrance fee, basta 'di ko alam ang tawag do'n HAHAHA kaya naisipan kong magtago muna rito sa malaking poste sa gilid. Sinisilip ko naman kung nasaan na siya at nakita kong palinga-linga siyang naglalakad. Napatigil naman siya saglit dito sa tapat ng poste na pinagtataguan ko.

"Where is she?" tanong niya sa sarili niya kaya natawa ako pero tinakpan ko agad ang bibig ko kasi baka marinig niya 'ko. Malapit lang kasi siya rito sa pwesto ko.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. "Whaa!" sigaw ko tapos tiningnan niya lang ako habang naka-smirk at nagsimula na siya maglakad. 'Di ba siya nagulat? Nakakagulat naman 'yong ginawa ko, 'di ba?

"Hoy! Hintayin mo ko!" sigaw ko at tumakbo na 'ko agad. 'Di ko namalayan na nakalayo na pala siya tapos 'di man lang ako hinintay. "Hoy! Bakit mo 'ko iniwan? Ang bilis-bilis mo namang maglakad, eh," reklamo ko pero 'di pa rin niya 'ko pinansin. Aba! Parang walang naririnig 'to, ah. Alam ko na! HAHAHA! Sinundot ko siya sa tagiliran kaya napalingon siya sa'kin agad. I know your weakness. HAHAHA!

"Tss," sabi niya habang naka-smirk tapos bigla akong inakbayan.

"Aigoo!" sabi ko tapos tinusok-tusok ko 'yong pisngi niya. Why is he so cute? And.......... handsome? Hihi.

"Stop it," natatawang sabi niya tapos tinakpan niya ng kamay niya ang pisngi niya na tinutusok ko kanina.

"No," pagmamatigas ko tapos pinipilit ko namang abutin ang kabila niyang pisngi.

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now