Chapter 18: EDMARK?!

743 31 15
                                    

*Kurt's POV*

Pagkakuha ko ng wallet ko ay saglit muna akong nagpahangin sa labas. Pasipol-sipol pa ako at nang makalipas ang ilang minuto ay napagdesisyunan kong bumalik na.

Pagpasok ko ay nakita kong may isang lalaking nakayakap kay Kath. Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Kathryn dahil nakaharap siya sa'kin samantalang 'yong lalaki naman ay nakatalikod.

Agad akong lumapit at hinawakan nang mahigpit ang kwelyo ng uniporme ng lalaki. Laking gulat ko nang makita ko kung sino siya.

Isang lalaking kilalang-kilala ko. Ang lalaking sisira sa lahat ng mga plano ko, namin.

Bakit siya nandito? Bakit siya bumalik at anong binabalak niyang gawin dito?

"Anong ginagawa mo rito?"

"K-kurt?"

*******

*Kathryn's POV*

Narinig ko na may nagbukas ng pinto at nagulat na lang ako nang biglang kimwelyuhan ni Kurt 'yong lalaki. Biglang nagbago ang aura niya at kitang-kita ang galit at pagkagulat sa mukha niya.

"Anong ginagawa mo rito?" madiing tanong niya ro'n sa lalaki.

"K-kurt?" nagtatakang sambit naman nito ng pangalan niya. Ayon sa boses niya ay parang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Bigla na lang niyang hinawi ang kamay ni Kurt na nakahawak sa kwelyo ng damit niya at saka lumabas.

Ilang sandali lang pagkalabas no'ng lalaki ay lumabas na rin si Kurt kaya dali-dali kong kinuha 'yong bag ko na inilapag ko sa gilid ng piano stand kanina. Mabilis siyang naglakad kaya't patakbo na akong sumunod sa kanya.

"Kurt, sino ba talaga siya?" tanong ko.

"Wala 'yon. Hayaan mo na," seryoso niyang sagot.

"I wanted to know kung sino siya. Gusto kong malaman kung bakit nagtatago siya ro'n sa may gilid ng halaman at kung bakit niya 'ko niyakap kanina," pagpupumilit ko. My curiosity's chasing the hell out of me.

"Hayaan mo na nga lang, 'di ba?! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" sigaw niya kaya labis akong nagulat sa inasal niya pero hindi ko na lang 'yon pinansin dahil mas nangingibabaw sa'kin ang kuryosidad sa pagkatao no'ng lalaking 'yon. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon.

"Hindi pwedeng hayaan ko lang 'yon, Kurt. May dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yon at 'yon ang gusto kong malaman."

"He's just nothing, Kathryn. Hindi mo siya kilala at hindi mo na siya dapat pang makilala," madiin niyang sagot at dumiretso na lang sa paglalakad.

Wala ni isa man sa'ming dalawa ang nagsalita matapos ang usapan naming 'yon. Tahimik ang paligid at tanging yabag lang ng mga sapatos namin sa tuwing humahakbang ang maririnig. Napansin ko na lang na tinatahak na pala namin ang daan pauwi ng bahay namin.

Nang nandito na kami sa tapat ng gate namin ay dire-diretso lang ako sa pagpasok pero nagsalita pa siya. "Kumain ka na agad tapos matulog ka nang maaga. H'wag kang magpupuyat. Good night."

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now