Chapter 5: GIFTS AND STUFFS

1.8K 58 3
                                    

*Kathryn's POV*

Nag-ayos na kaagad ako ng mga pinamili namin pag-uwi sa bahay. Nandito kami ni Lauren sa kwarto ko, wala si Ate Sam, umalis kasi sila ni Kuya.

'Yong about do'n sa pink teddy bear kanina, katulad kasi 'yon no'ng binigay sa'kin ni Kurt no'ng first anniversary namin and the same day kung kelan siya naaksidente.

Lahat ng mga bagay na binigay sa'kin ni Kurt noon ay may sarili silang lagayan. Lahat ng stuffed toys naman, naka-display. Tapos 'yong pink teddy bear naman, 'yon yung nasa kama ko na lagi kong katabi sa pagtulog. Hindi kasi ako nakakatulog nang hindi 'yon kayakap.

"Kath, tingnan mo. May necklace rito sa pocket no'ng teddy bear, oh," sabi ni Lauren kaya bigla akong lumapit sa kanya.

"Patingin nga," sabi ko sabay kuha no'ng necklace na tinutukoy niya. May pendant yun na heart pero flat lang siya tapos may naka-engrave na letter 'K'.

"Gosh! Bakit hindi ko napansin 'to," sabi ko nang may halong pagkadismaya. I didn't noticed na may ganito pala rito.

"Hindi mo alam?" nagtatakang tanong niya.

"Nope. I didn't know," sagot ko.

Binalik ko na naman muna 'yong necklace do'n sa pocket no'ng teddy bear kung saan ito nakuha ni Lauren.

"Gusto kong siya mismo ang magsusuot sa'kin niyan," malungkot na saad ko at nag-ayos na lang ulit ako ng mga gamit ko.

Napatingin ako ro'n sa side ng kwarto ko kung saan naka-display yung mga gifts and stuffs na binigay sa'kin ni Kurt. Kuya suggested na kailangan ko raw munang itago 'yang mga 'yan, 'yong hindi ko sila makikita para hindi ko siya masyadong maalala. Pero wala pa rin eh, I did it for so many times, tinago ko lahat ng mga 'yan, may time pa nga na sa kwarto ni Kuya niya 'yan tinago but then I realized na kahit na wala akong makitang kahit na anong bagay na makakapagpaalala sa'kin tungkol sa kanya, maaalala at maaalala ko pa rin siya, kasi lagi siyang nasa isip at puso ko.

Hindi ko nga alam kung may patutunguhan pa ba 'tong paghihintay ko pero ginagawa ko pa rin kasi alam ko talagang darating yung araw na magkikita at magkakasama ulit kami. Alam ko na darating 'yong araw na magpapasalamat ako kasi hindi ako nag-give-up. Alam ko na darating 'yong panahon na magiging masaya ulit kaming dalawa.

"Kath, just keep on holding on. Alam kong babalikan ka niya. Mahal na mahal ka kaya no'n at saksi ako ro'n," seryosong sabi ni Lauren na labis na nagpagaan ng loob ko at ikinabigla ko at the same time kaya napatingin ako sa kanya. Binigyan ko siya nang isang matamis na ngiti bilang pagtugon. "Nandyan lang 'yon sa tabi-tabi. Malay mo bukas habang naglalakad ka makasalubong mo siya bigla. Oh, diba? When destiny strikes lang ang peg," biro niya. Napangiti na lang ako at napailing. I'm very thankful that He gave me this wonderful girl.

"Beh, san nga pala 'ko matutulog mamaya?" tanong niya.

"Sa kwarto ni Kuya. Tabi kayo," pang-aasar ko na nagpalapad ng ngiti nya.

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now