Chapter 29: PAULINE

89 3 0
                                    

*Edmark's POV*

"Anong ginagawa ng babaeng 'yon sa SFU?!" pasigaw na tanong ko sa sarili ko nang malaman kong nag-transfer na rin pala sa SFU 'yong Pauline na 'yon. "Ano na naman kayang plano ng dalawang 'yon?" naiinis na tanong ko pa rin kahit alam kong wala rin namang makakarinig at makakasagot sa mga tanong ko.

Dali-dali akong lumabas ng condo ko at kinuha ang kotse ko sa parking lot.

Habang nagmamaneho ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang tanawing nakita ko sa SFU kahapon.

******FLASHBACK******

Madilim pa ang paligid nang marating ko ang parking lot ng SFU. Naisipan kong pumunta muna sa quadrangle para makapagpahinga kahit isang oras lang dahil masyado akong napagod kahapon.

Malayo pa man ay kumunot na agad ang noo ko nang matanaw ko si Pauline na kalalabas pa lang ng principal's office at abot-tenga ang ngiti.

Mula sa kaliwang hallway ay natanaw ko ang papalapit na si Kurt kay Pauline at agad silang nagyakap. Ilang segundo ang nakalipas ay hinalikan siya ni Kurt sa noo at kinuha ang kamay nito saka hawak-kamay silang naglakad papalayo.

Nag-init nang sobra ang ulo ko dahil sa nakita ko. Kahit kelan talaga ay napakagago mo, Kurt.

"Isa ka talagang malaking tanga, Kurt. Paano na lang kung sakaling makita kayo ni Kathryn? Wala ka talagang kwenta."

******END OF FLASHBACK******

Hindi ko na namalayan na narating ko na pala ang mansyon ni Tito. Mukhang wala si Faye rito dahil walang sumalubong sa'kin ngayon.

Agad na akong dumiretso sa sala at narito nga si Tito na mainam na nakapikit habang may tumutugtog na classic song mula sa vintage phonograph.

Hindi na muna ako kumibo at maya-maya lang ay nagmulat siya ng mga mata at nagtama ang paningin namin.

"Hijo, nand'yan ka pala," pagbati niya sa akin pero wala man lang siyang kaemo-emosyon. Tinanguan ko lang siya saka ako nagsalita.

"Bakit niyo hinayaan si Pauline na makapasok ng SFU?" mahinang tanong ko pero nahihimigan ko ang inis sa tono ng pananalita ko.

"Hindi ko kailanman pwedeng pagbawalan ang sinuman na gustong pumasok sa paaralang 'yon," sagot niya at marahang pumikit gaya nang kung paano ko siya naabutan kanina. "Wala akong karapatang manipulahin ang paaralang iyon," dagdag niya pa.

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now