Chapter 17: STALKER

873 26 22
                                    

*3rd Person's POV*

Paglabas ni Kathryn ng music hall ay agad na lumabas ang lalaki mula sa likod ng malaking halaman sa tabi ng pintuan. Kanina pa niya pinagmamasdan ang babae habang ito'y tumutugtog at kitang-kita sa mukha ng lalaking ito ang mga likidong umaagos mula sa kanyang mga mata. Agad siyang umupo sa tapat ng piano na ginamit ng babae kani-kanina lamang at saka siya nagsimulang tumugtog at kumanta habang siya'y umiiyak kaya garalgal na ang boses niya.

Natupad din ang aking pangarap
Na ipagtapat sayo
Ibubulong ko na lamang sa alapaap
Ang sigaw ng damdamin ko

Sulyapan mo lang sana ang langit
Baka sakaling marinig ng puso mo
Ang tinig ko

[Chorus]
Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita

Kaya ngayon aaminin na sayo
Na mahal na mahal kita
Maalala mo sana

Naitago ko pa ang lahat
Ng iyong mga liham
Unang ngiti mga yakap mo'y
Di naalis saking isipan

Tutugtog ako ng gitara
Baka sakaling sumagi sa isip mo
Ang mga pangako

[Chorus] (2x)
Maalala mo sana ako
Dahil noon pa man sayo lang nakalaan ang pag-ibig ko
Bawat sandali na ikaw ay kasama
Para bang di na tayo muling magkikita

Kaya ngayon aaminin na sayo
Na mahal na mahal kita
Maalala mo sana

Kaya ngayon aaminin na sayo
Na mahal na mahal kita
Na mahal na mahal kita
Maalala mo sana

Matapos niyang kantahin at tugtugin ang awiting alay niya sa babaeng kanyang minamahal ay mas lalo pang bumilis at dumami ang mga luhang umaagos sa kanyang mukha. Kahit pa man siya'y umiiyak at garalgal ang boses ay rinig na rinig pa rin ang ganda ng kanyang boses.

"Maalala mo sana ako."

******

*Kathryn's POV*

Nakauwi na ako pero hindi ko pa rin nakikita si Kurt. Nagtataka lang ako kung saan siya nagpunta kasi hindi naman siya 'yong tipong a-absent nang hindi nagsasabi kay Mark or sa'kin. Saan kaya nagpunta 'yon at hindi man lang nagsabi sa'min?

Dito agad ako dumiretso sa kwarto ko. Nagpalit na ako ng damit na pambahay at diretsong humiga sa kama. Kinuha ko 'yong teddy bear na nakasandal sa headboard ng kama ko, ito 'yong binigay sa'kin ni Kurt no'ng nag-mall kami last time. Niyakap ko ito at pinanggigilan.

MAALALA MO SANAWhere stories live. Discover now