Chapter 33: Vacation Starts

Start from the beginning
                                    

After few more seconds they finally served it and we looked for an empty table which is a little bit away from other people here inside.

I started eating my burger because I really missed it. Kain lang ako ng kain like it's my first time eating this. I'll take a bite on my burger then I'll get few fries. Kanina pa ako kain ng kain pero si Orion ay hindi man lang ginagalaw ang burger niya. He's just busy watching me.

"Ano?" Tanong ko sa kanya. Nakasandal siya sa upuan at nakacrossed arms habang pinapanuod ako.

"You're weird." He said in a poker face.

I stopped chewing my food tsaka ko siya binalingan. "Weird mo your face" Tapos ay kumain lang ulit ako ng kumain. Halos maubos ko na ang akin pero 'yung sa kanya ay wala pa rin kahit na anong bawas kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, kumuha ako ng dalawang piraso ng fries tapos ay lumapit ako sa kanya at sinaksak ko sa bibig niya na ikinagulat naman niya. "Eat your food, kapre." I told him. Wala na siyang nagawa kundi nguyain at lunukin ang Fries.

"Why did you do that?" Baling niya sa'kin.

"Ayaw mo kasi kumain." Tsaka ako dumampot ulit ng fries para sana isubo sa kanya kaso may dumating.

"Nuxx, how sweet huh." George teased kaya automatic na napa-roll ang mga mata ko. I shifted my gaze on him "Inggit ka?" Pagsusungit ko sa kanya.

He laughed on my reaction. "Chill Janelle. Sweet niyo kasi, tignan niyo nasa inyo ang atensyon ng mga tao dito sa loob." Sabi niya kaya napatingin naman ako sa paligid and shoot, he was right. Most of the people inside were looking at us, especially ang mga babae na kanina pa nakasunod ang tingin kay Orion. Mainggit kayong lahat. Sa isip-isip ko.

Pero dahil naiirita ako sa mga tingin ng mga babae sa paligid kay Orion ay hinatak ko na siya palabas. Lecheng mga babae, kung makatingin sa asawa ko. Tss, malapit na matunaw eh. Oh geez, bakit ba ako naiinis kung tumingin sila sa asawa ko--err I mean kay Orion. Bakit ba ako affected kung ganun sila tumingin sa kanya? Bakit ba ako naiirita? Urgh please don't tell me na nagseselos ako. Oo tama, hindi ako nagseselos. Sadyang sanay lang ako na ang akin ay akin lang... ay sh*t, hindi pala siya sa akin. Urgh! Basta!

*

"Psssh 'wag kayo maingay kitang natutulog 'yung dalawa. Look ang cute talaga nila." Sabi ng isang pamilyar na boses sabay tawa. Ano ba 'yan ang ingay naman! Naririnig ko ang boses ni Patricia, ang babaeng 'yon hindi niya ba alam na natutulog ako?

"Guys, we're here. Wake up!" This time I heard a manly voice. Uhm, parang si George? Pero inaantok pa rin ako at ayoko pang idilat ang mga mata ko.

"Hayaan na nga natin 'yan. Minsan ko lang makitang ganyan ang dalawang iyan." Boses ulit ni Patricia. Nakakairita, napaka ingay! Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

"Ayan nagigising na yata si bes." Narinig ko na naman ang boses ng magaling kong kaibigan. I finally opened my eyes, pero dahil kabubukas lang ng mga mata ko ay medyo blurry pa ang nakikita ko, hanggang sa unti-unti nang luminaw ang paningin ko, and to my surprise nakita ko na bukas na ang pinto ng van, maliwanag na sa labas tapos si George at Patricia halatang naghihintay lang sa'kin, pero hindi lang iyon ang nakakagulat! Ngayon ko lang namalayan kung ano ang itsura ko ngayon... or should I say NAMIN. Ako at si Orion.

I was leaning on his shoulder habang siya naman ay nakayakap sa akin! As in nakapulupot ang kamay niya sa bewang ko. Shocks! Bakit ba ganito ang posisyon namin ngayon? Nararamdaman ko ang puso ko na sobrang bilis ng tibok. Like, what the hell? Sobrang lapit din ng mukha ko sa mukha niya kaya lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ibinalik ko ang tingin ko sa labas, nakita ko si Patricia at George na parehong nakakaloko ang ngiti sa'kin. At dahil sa nakakalokong ngiti na binibigay nila sa'kin ay mabilis kong itinulak si Orion. He almost fell out from the van dahil nga ang pwesto niya ay malapit sa pinto.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now