Epilogue

83.8K 845 32
                                    

EPILOGUE

JANELLE

"I watch superman fly away, you've got a busy day today, go save the world, I'll be around. I watch superman fly away, come back I'll be with you someday. I'll be right here on the ground, when you come back down" Kanta ko ng pagkalakas lakas habang sinasabayan ang kanta ni Taylor Swift na pinapatugtog ko gamit ang itouch na nakaconnect sa isang speaker dito sa loob ng opisina ko. Lagi naman akong ganito tuwing gumagawa ng sketch ng mga bago kong ideas para sa clothing line ko.

"And I watch you fly around the world and I hope you don't save some other girl. Don't forget, don't forget about me... I'm far away but I never let you go, I'm lovestruck and looking out the window. Don't forget, don't forget where I'll be...Right here wishing the flowers were from you... Wishing the card was from you...Wishing the call was from you... 'Cause I loved you from the very first day" Kanta ko ulit kahit wala naman ako sa tono.

"Bravo, Miss Arianna Janella Mendoza! Inspired ka 'te?" Natigilan ako sa pagkanta nang magsalita si Patricia. Hindi ko man lang namalayan ang pagpasok niya sa opisina ko. Well, this is MY very own office. Ako ang boss. I'm no longer working for my dad. 'Di ba nga, isa na akong sikat na designer ngayon. Inangat ko ang tingin kay Patricia, ayan na naman ang nakakaloko niyang ngiti sa akin. Lumapit siya sa akin para tignan ang ginagawa kong sketch pagkatapos ay kinuha ito at pinagmasdan mabuti. "Infairness, gusto ko 'to as my wedding gown. Inspired much?" Pang-aasar niya sa akin.

Kinuha ko mula sa kanya ang sketch. Isa ito sa mga ideas ko for her wedding gown. "Hindi pa 'to tapos!" Pagsusungit ko. Ipinatong ko ulit sa mesa ang sketch tapos ay binalingan siya. "What are you doing here? I told you na tatawagan na lang kita 'pag tapos na 'ko sa mga ito." Tapos ay inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako.

"Pero, girl. Promise ang ganda talaga nito. Ganyan ba talaga 'pag inspired ulit ang puso?" Pang-aasar niya ulit.

"Sige, isa pa. Maghahanap ka na talaga ng ibang designer na gagawa ng wedding gown mo for free!" Pananakot ko sa kanya. Pero siyempre hindi ko naman gagawin iyon. Gusto ko lang na tigilan niya ako sa pang-aasar niya. "Ang aga-aga, istorbo." Pabulong kong saad pero sinigurado kong maririnig niya.

"I'm just kidding! Alam mo ang salitang 'joke'?" Tapos ay nagpeace sign pa siya.

"Good Morning!" Pareho kaming napalingon ni Patricia sa bumati. Nang makita niya kung sino ang pumasok ay mabilis na lumingon ulit sa akin si Patricia. She mouthed 'Uyyy'

"Hey Pat, what are you doing here?" Tanong nang kapreng pumasok nang makita niya ang impakta kong bestfriend.

"Nothing, I'm just checking on Janelle's ideas for my wedding gown. Sige na, I gotta go. Ayokong maging third wheel dito. Bye bes!" Sabi niya tapos ay nagmamadaling lumabas. Napa-iling na lang ako sa kabaliwan niya. Sigurado ba si George na papakasalan niya ang bestfriend ko? Pwede pa naman magback out.

Ibinalik ni Orion ang tingin niya sa akin, hindi pa rin naaalis sa itsura niya ang pagtataka, malamang ay sa pagiging weird ng bestfriend ko.

"She's weird, I know." I shrugged. He smiled then went near me, giving me a kiss on my forehead and a hug. "How's my beautiful girlfriend?" Paglalambing niya na dinedma ko naman. I pushed his body away from mine.

"What are you doing here? You're supposed to be in your office holding a board meeting." I crossed my arms with a raised brow. Sa halos isang taon na magkasama kami ulit, busy siya palagi sa trabaho. Ano pa b'ang aasahan sa isang CEO na tulad niya? Of course he's always busy. Halos mag-iisang taon na rin ang relasyon namin as boyfriend-girlfriend. Hindi maiiwasan na hindi mag-away dahil nga minsan ay wala siyang oras para sa akin, but I love him, ano b'ang magagawa ko kundi intindihin ang isang 'to. Kahapon nga lang ay nagtalo kami dahil sa isang bagay, kaya ayan siguro at bumabawi ngayon.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now