Chapter 42: Suffocate

46.6K 603 13
                                    

CHAPTER 42

Nagising na naman ako dahil sa ring ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa ibabaw ng side table ng kamang hinihigaan ko. Hindi na ako nagulat nang makita kung anong pangalan ang nagregister sa screen. Agad kong ibinalik sa ibabaw ng side table ang cellphone ko. Nang tumigil ang pag ring ay agad ko itong tinignan. 12 missed calls from Orion. Kanina pa pala niya ako tinatawagan. Lagi naman ganito ang scenario in the past few weeks. He's been calling me but I'm not answering any of his calls. He's calling me everyday, walang palya. Simula nang umalis ako sa bahay at nagleave sa trabaho, hindi siya tumigil na hanapin ako. Mag-iisang buwan na rin akong hindi umuuwi sa amin. Nandito ako sa condo unit ni Patricia.

"Si Orion ulit?" Tanong ni Pat, ni hindi ko manlang napansin ang pagpasok niya sa kwarto. Tumango na lang ako sa kanya as an answer. "Sagutin mo na lang kasi!" She hissed. "Ilang linggo na rin akong tinatanong niyan kung nasaan ka. Kahit tuloy si George hindi ko masabihan na nandito ka siguradong sasabihin nun kay Orion kung nasaan ka" Hindi na lang ako kumibo sa sinabi niya. "Ui, umiiyak ka na naman?" Halata sa itsura niya ang pag-aalala. Napahawak ako sa pisngi ko, tsaka ko lang narealize na umiiyak pala ako. Agad ko itong pinunasan, masyado na ba akong manhid kaya hindi ko nararamdaman ang luha ko? Naramdaman ko ang paglubog ng foam ng kama. Nasa harap ko na pala si Patricia na ngayon ay nakaupo na sa kama. "Halika nga dito" Sabi niya tapos ay niyakap ako.

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas pero hindi pa rin humuhupa ang usap usapan tungkol sa picture ni Orion at Jessica. Minsan tuloy hindi maiwasan na sabihin sa akin ni Pat na bakit hindi na lang daw ako magpa-interview para matapos na ang lahat. Pero para saan? Para lalo lang akong mabaliw sa sakit na nararamdaman ko ngayon?

Naligo ako at nagbihis, sabi ni Patricia ay magpupunta daw kami sa mall para magshopping. Medyo matagal na rin yata ang huling bonding namin sa pagsha-shopping na dalawa. Hindi naman masyadong traffic kaya mabilis rin kaming nakarating sa mall. Papasok pa lang sana kami sa mall ng biglang nag ring ang cellphone ko, nagregister na naman ang pangalan ni Orion sa screen. Mabilis ko itong in-off at ipinasok ulit sa bag ko. Mabilis kong nilingon si Patricia, ayan na naman ang nag-aalala niyang titig sa akin, mabilis akong ngumiti ng pilit sa kanya. "Let's go" I told her.

Pang-apat na boutique na sa mall na ito ang pinasukan namin ni Pat pero hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa mood para tumingin tingin o bumili ng damit. Katulad ng ginawa ko kanina sa unang tatlong boutique ay umupo na lang ako sa bakanteng sofa habang pinapanood si Patricia sa pagpili ng damit. Nakakadalawang paper bags na siya na puno ng damit pero hanggang ngayon wala pa rin akong bitbit. Napatingin siya sa direksyon ko, at alam ko sa mga titig niya na niyaya niya akong pumili ng damit doon. Agad akong ngumiti ng pilit tsaka umiling.

"Hi. Janelle, right?" Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. She was smiling at me. Isang babae na maputi, slim, chinita, bob cut ang buhok na medyo brown at petite.

"Y-yeah" Sagot ko na blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha. Mas lalo pa siyang ngumiti dahil sumagot ako.

"I knew it! Sabi na nga ba hindi ako nagkamali. Mas maganda ka talaga sa personal. 'Di hamak na mas maganda ka talaga kaysa sa malanding Jessica na 'yon! You know what, 'wag mong hayaan na sirain niya ang relasyon niyo! Hay! Pag nakita ko talaga ang Jessica na iyon sasabunutan ko siya!" Sobrang speechless ako sa mga pinagsasabi niya, but I have to admit, natuwa ako dahil may kakampi pala ako. Oh well, sabagay hindi nga pala nila naiintindihan ang totoong sitwasyon dito. I'm pretty sure that they sympathize me because I'm his wife. "Oh, sige I gotta go!" Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng boutique.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o maweirduhan doon sa babaeng kausap mo" Medyo nagulat ako nang may magsalita sa tabi ko. Lumingon ako at agad nakita si Patricia na nakatingin sa labas, siguro ay sinundan niya rin ng tingin ang babaeng kausap ko kanina. Ibinaling niya ang tingin sa akin tapos ay ngumiti, ayan na naman ang eye smile niya. "Tara, wala akong makitang maganda dito" Sabi niya tsaka naglakad palabas. Sinundan ko naman siya. Sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa bigla siya huminto. "Bes, magrestroom lang ako. Ikaw ba?" Tanong niya sa akin.

Trapped by ArrangementDonde viven las historias. Descúbrelo ahora