Chapter 38: Burden

45.9K 642 35
                                    

PLAY NIYO 'YUNG SONG SA MULTIMEDIA. HAHA WALA LANG FEELING KO LANG BAGAY SIYA SA CHAPTER NA 'TO. IT'S A KPOP, PERO MAY TRANSLATION NAMAN SIYA. ALSO SINCE I'M REVISING THIS, UPDATED DIN ANG PICTURE SA MULTIMEDIA. LOOK AT JANELLE'S TWEET. SHE WAS TRULY HURT </3

********

CHAPTER 38

I woke up in an unfamiliar place. Hindi ito ang kwarto ko, hindi rin ito ang kwarto namin sa rest house. "I'm glad you're finally awake." Nagulat ako nang may magsalita. Sa pananalita at accent pa lang ay alam ko na agad kung sino ito. Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses niya, nakasandal siya sa pinto at naka-crossed arms. Napaisip ako kung bakit ba ako nandito ngayon o kung ano ba ang mga nangyari. Sinubukan kong tumayo pero nakaramdam agad ako ng sakit sa may bandang paa ko.

"Don't you dare to walk or even try to stand up." Mabilis siyang umupo sa tabi ko para pigilan ako sa binabalak kong pagtayo. Tsaka ko lang naalala ang lahat. Akala ko ay panaginip lang lahat ng nangyari, hindi pala. Dahil pag-angat ko ng kumot ay nakita ko agad ang mga sugat ko sa binti at paa dahil sa naging outburst ko. I feel betrayed. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Masyadong espesyal si Jessica sa kanila at kaya nila itong pagtakpan.

"Uuwi na 'ko." Malamig kong saad sa kanya. Nakita ko ang pagbuntong hininga niya bago ito sumagot.

"Ok I'll--"

"Sa condo ko." Hindi ko siya pinatapos pa sa sasabihin niya. Ayokong umuwi sa bahay namin ngayon, ayoko muna siyang makita. Ayoko muna siyang makasama, gusto ko lang ay mapag-isa.

"You can't. Your dad already sold it." Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya. Gusto ko mainis, gusto kong ibato ang mga unan na nasa tabi ko. Naiinis ako, naiinis ako sa mga nangyayari ngayon. Bakit ba ganito?

"Then, i-uwi mo na lang ako sa mansion ni daddy." Malamig kong utos sa kanya. Wala na akong pakialam kung tanungin man ako ni daddy kung ano ang ginagawa ko sa bahay niya, ang importante hindi ko muna makita ang lalaking nasa harapan ko ngayon.

"No. You'll stay with me." He said blankly. Gusto ko na lang umiyak, nahihirapan na ako.

*

Bumalik kami ng Manila nang hindi kasabay ang apat. Baka kung ano p'ang magawa ko sa bitch na iyon kung sakaling magkasabay pa rin kami hindi ba? Buong byahe namin ay tahimik lang ako. Sinalpak ko na lang ang earphones sa tenga ko para hindi ko marinig ang kung ano ma'ng sasabihin niya. Ayokong makipag-usap sa kanya. Gusto kong magalit sa kanya, but I can't. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal? Oh yeah, unrequited love. Surely, he doesn't feel the same. Ano b'ang meron ang Jessica na 'yon?

Isang linggo ang lumipas, hindi na rin ako sumasabay kay Orion papunta ng office Yes, I'm avoiding him. Kahit sa bahay ay hindi ako lumalabas ng kwarto para lang hindi ko siya makita. Sabihin na rin na makapal ang mukha ko pero salamat na rin sa binigay niyang Porsche sa'kin kaya hindi na ako sumasabay sa kanya pagpasok at pag-uwi. Tsaka ko na lang ibabalik sa kanya ang kotse na 'to. The car he gave me was a purple Porsche Boxster, hindi ko alam kung bakit niya ba ako binigyan nito. Maybe because he doesn't want to be with me. Baka kasi hindi sila makapagdate ng Jessica niya dahil lagi niya akong kasabay.

"Miss Janelle, may bisita po kayo. Sorry po kung pumasok ako, hindi po kasi kayo sumasagot sa intercom kanina." Hindi ko namalayan na nakapasok na pala si Carla sa loob ng office ko. Masyado na bang malalim ang iniisip ko?

Nag-angat ako ng tingin. "Sino?" I asked.

"George daw po."

"Sige papasukin mo." Sa totoo lang, wala akong idea kung bakit ako pinuntahan ng lalaking ito. Lumabas si Carla pero agad din naman nakapasok si George bago tuluyang sumara ang pinto.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now