Chapter 44: Her Mom

47.3K 636 17
                                    

CHAPTER 44

JANELLE

Nagising ako na medyo masakit ang ulo, hindi ko alam kung bakit. Bumangon ako at dumiretso sa banyo para maghilamos ng mukha. Pagharap ko sa salamin ay kitang kita ko ang pamamaga ng mga mata. Paano ba namang hindi 'to mamamaga eh naging hobby ko na yata ang pag-iyak.

Sa tingin ko ay konting konti na lang ay mababaliw na talaga ako. Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko ngayon. Nagi-guilty ako sa sitwasyon ni daddy ngayon. Kahit pa hindi nila sabihin, I know he had a heart attack because of me. Masyado na akong nagiging sakit ng ulo sa kanya. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nawala siya. Kahit anong mangyari ay si daddy na lang ang meron ako ngayon. May iba pa rin naman akong kamag-anak pero hindi naman ako close sa kanila. I don't think they like me because of my attitude.

Good thing he survived his surgery yesterday. Sabi ng doktor niya ang stable din naman ang lagay niya pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi umiyak tuwing iisipin ang pwedeng mangyari kay daddy in case na hindi naging successful ang surgery niya. Guess I really am a cry baby. Naaalala ko pa ang ginawa kong pag mamakaawa sa kanya to undergo a surgery. Walang tigil akong umiyak sa harapan niya at nagmakaawa na magpasurgery na siya dahil paano na ako kung mawawala siya. Buti na lang ay nandiyan din si Orion para lalong makumbinsi ang daddy ko na magpagaling para sa akin.

Naligo ako, pagkatapos ay nag-ayos at nagbihis. Kailangan ko nang pumasok sa trabaho ngayon pero siguro ay saglit lang ako doon dahil kailangan ko rin kaagad na pumunta sa ospital para makita ang kondisyon ni daddy. I hope he's okay and still recovering. Tuwing papasok ako sa opisina ay lagi na akong naka sunglasses, hindi lang dahil sa kailangan kong isuot ito para hindi makilala ng mga media kundi para na rin itago ang mga namamaga kong mga mata dahil sa pag-iyak. As usual ay naging boring na naman ang mga lumipas na oras kaya naman wala pa sigurong kalahating araw sa trabaho ay napagdesisyunan ko na lang na umalis na para pumunta kay daddy sa ospital.

Sa wakas ay nakaalis na rin ako sa office and I can finally visit my dad at the hospital. Kahit anong mangyari hindi mawawala sa'kin ang pag-aalala kay daddy especially on his situation right now, kahit na ang sabi ng doctor niya ay magiging maayos na ang lagay niya. Pagkatapos ng halos 30 minutes ay nakarating na rin ako sa hospital kung saan siya nakaconfine. I used the elevator dahil nasa 5th floor ang kwarto niya at syempre hindi naman ako papayag na akyatin ang 5th floor gamit ang hagdan lalo na't I'm wearing a 4-inch heels.

"After what you've done?! Gusto mo'ng bumalik sa'min at kunin ang anak ko?!" I heard a familiar voice of a man habang papalapit ako sa kwarto ni dad. Sumisigaw ito sa galit.

"In your situation right now, sa tingin mo ba maaalagaan mo pa ang anak ko?!" This time I heard a familiar voice of a woman. I was about to open the door of my dad's room but I heard a sarcastic laugh.

"Anak mo? Baka nakakalimutan mo that you left us!" Napahinto ako sa narinig ko. It was coming inside my dad's room. I want to enter his room but something was stopping me to do it. Para bang may dapat pa 'kong marinig mula sa loob.

"She's my daughter and YOU. CAN'T. CHANGE. THAT!" Madiin na pagkakasabi ng babae.

"Janella is only MINE!" Narinig ko ang sigaw ni dad mula sa loob.

"Don't you ever forget na anak KO rin siya! She's also my daughter. Sa akin siya nanggaling, naghirap ako for nine months—"

"Ayan ba ang ipinagmamalaki mo? That you gave birth to her?" Tumawa ulit siya ng sarcastic. "Janice, I raised her for 22 years, ALONE! Iniwan mo kami hindi ba? Para saan? Para sa mga walang kakwenta kwentang bagay. Pagkatapos ano? Sumama ka sa ibang lalaki at ngayon may iba ka nang pamilya? I'm telling you, wala ka nang babalikan. Hinding hindi mo sasabihin kay Janella ang tungkol sa'yo at kung ano ka sa buhay niya."

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now