Chapter 15: Smile

47.7K 799 54
                                    

CHAPTER 15

JANELLE

Ang bilis ng araw, halos one month na simula nung nagstart ako magwork sa company ni daddy. Ang hirap pero infairness nagagawa ko naman siya... or should I say 'nagagawa ni jerk'? Aaminin ko medyo komportable na ako sa kanya kaya lang parang bipolar kasi minsan strict, minsan ok. Minsan mabait sa akin tapos biglang magsusungit, parang si daddy lang minsan. Ganun nga yata siguro talaga kapag business minded ang tao? Siya lagi ang gumagawa ng presentation ko, buti nga hindi nahahalata nila daddy eh, o baka naman alam niya? 'Yung unang ginawa niya few weeks ago, natuwa si dad. Akala niya nga yata siguro ako. Aaminin ko rin, natutuwa ako kay Orion kapag ginagawa niya iyon at sobrang na-iimpress na 'ko sa kanya dahil ang galing niya lang sa business. Oh well this is his passion eh, swerte niya. Samantalang ako stuck dito sa hindi ko naman gusto. 


Sunday morning. I woke up early para mag-jogging sa village. I was wearing jogging pants and simple shirt. I also brought my Itouch para hindi boring ang pagjo-jogging ko. Habang busy ako sa pagtakbo ay napatigil ako nang may humawak sa balikat ko kaya naman napatingin ako sa likod. Shoot! I stood there frozen. "D-David?" I stuttered. Ano b'ang ginagawa niya dito? Oh yeah, I almost forgot na dito rin nga pala siya sa village na ito nakatira.

"Arianna." He spoke. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Arianna, most of the time.

"What?!" I muttered.

"Can I talk to you?" Sabi niya na para bang nagmamakaawa ang tono ng boses. Talk about what?Gusto ko itanong sa kanya pero sinasabi ng utak ko na lumayo na lang ako sa kanya.

"I'm busy, sorry." Tumalikod ako para ituloy sana ang pag-jogging ko pero hinila niya ang braso ko. Anong gusto niyang pag-usapan ngayon? Ayoko, hindi pa ako ready. Pakiramdam ko tutulo na ang mga luha ko anytime.

"Arianna, wait."

Pumiglas ako sa pagkakahawak niya. "Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya kaya natahimik siya. "Pwede ba David? I don't want to talk to you right now!" Magwo-walk out na ulit sana ako kaso hinila na naman niya ako. Dahil sa galit na nararamdaman ko nagkaroon ako ng lakas ng loob para sampalin siya. I slapped him. Isang malakas na sampal ang natanggap niya galing sa akin.

Nakita ko ang pag-ngiwi ng mukha niya, indikasyon na nasaktan siya sa ginawa ko, namumula na rin iyon. "Arianna Janella, I'm so sorry." Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko. He's sorry for what? For breaking up with me or for being such a rude person right now? "I'm sorry for everything. I'm sorry for breaking your heart. Sorry. Sorry it's too late to tell that I'm still in love with you" Still in love with me? Pakiramdam ko nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

Mahal niya pa ako? Anong trip 'to? "Stop playing with me." I said, trying to be calm and not to cry.

"I'm not playing with you."

"What do you want?" Naiinis ako! Bakit ganito? Parang sasabog ang dibdib ko.

"Do you love him? I don't think so, Arianna. I know you."

"What do you know? Pwede ba? Tigilan mo ako David!" Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko. Mahal ko pa rin siya pero galit ako sa kanya.

"Janelle—"

"Stop!" Huminga ako ng malalim bago ko ituloy ang sasabihin ko. "Leave me alone David!" Nag-walkout ulit ako pero bago pa ako makalayo ay naramdaman ko na naman ang kamay niya sa braso ko. Nagpumiglas ulit ako tapos ay naglakad palayo sa kanya. Tuloy-tuloy lang ako sa paglakad, hindi na ako tumalikod pa para makita siya. The next thing I knew, tumutulo na pala ang mga luha ko. Bakit ganito? Ang sakit sakit pa rin. Ganun ba talaga? First love never dies? Eh kung patayin ko kaya siya?

Trapped by ArrangementTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon