Chapter 14: Work

58.1K 876 52
                                    

CHAPTER 14

Nagising ako mula sa isang malakas na tunog na nanggagaling sa cellphone ko, idagdag pa ang pagvibrate nito kaya lalong nakakarindi. Kinuha ko mula sa side table na tabi ng kama ko. Nag-aalarm pala kahit na 6:30am pa lang ng umaga. Oh shoot! Naalala ko na first day ko pala sa work today and I can't be late! Dali dali akong tumayo mula sa kama at nagmamadaling pumasok sa bathroom ng kwarto ko para maligo. I only bathe for 30 minutes because my work will start at 9 in the morning. Pagkatapos ko maligo, agad naman ako nagbihis tsaka bumaba para kumain ng breakfast. Nasa hagdan pa lang ako naaamoy ko na ang niluluto ni manang. Pagdating ko sa dining area ay nakita agad ako ni manang na kasalukuyang nag-aayos sa may kusina.

"Nandiyan ka na pala. Umupo ka na dito para kumain." Sabi niya pagkakita niya sa akin.

"Uhh si Orion po?" Tanong ko, kasi sabi niya sabay daw kami papasok.

"Hindi pa bumababa."

"Ahh..." So siya naman ang late ngayon? A smirk formed on my lips. Kinain ko na lang ang hinain na pagkain ni manang habang hinihintay siyang bumaba. Habang busy ako sa pagkain ko ay tinabihan ako ni manang.

"Nako anak, alam mo swerte ka diyan sa napangasawa mo." She told me.

Swerte? Asa naman! Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi niya, muntik na rin yata akong masamid. I almost rolled my eyes. "Bakit naman po?" Tanong ko ng nakakunot yata ang noo ko.

Napatawa naman si manang sa sinabi ko. "Ang bait ng batang iyon."

"Hindi naman."

"Mabait kumpara sa'yo." Asar ni manang sa'kin. "Biro lang 'nak. Pero seryoso mabait talaga siya. Mukhang mas mabait 'to kesa doon sa boyfriend mo dati kaya siguro gusto iyan ng daddy mo."

Sasagot pa sana ako kaso biglang dumating Orion, nagmamadali. "Sh*t, what time is it?" Tanong niya, halatang late nagising, pero nakaayos na siya. Nakalimutan ko yatang sabihin na magkaiba ang kwarto naming, obvious naman yata' di ba? Ayoko ngang makasama 'yun sa kwarto. Although noong una naming pagdating dito dun kami natulog sa iisang kwarto, sobrang pagod kaya hindi na namin naisip ang tungkol doon.

"Quarter to eight." I answered him.

"Damn it. Let's go!" Hinila niya ako. Rude! Can't he see I'm still eating breakfast?

"Hey aren't you going to eat breakfast?" Tanong ko sa kanya.

"Nah. We're getting late!" Hinatak niya ako palabas ng bahay. Nagmamadali kaming pumunta sa garage para sumakay sa kotse niya. Ngayon ko lang napansin na hindi na pala Porsche ang nasa garage ng bahay namin kundi Mercedes Benz na ang nandito ngayon. Pagpasok na pagpasok namin sa kotse niya ay pinaandar niya na agad ito.

"New car? Don't tell me tomorrow we'll be using a BMW?" I said sarcastically.

"Do you want?" He said with a raised brow. Wth?

On our way to the office, he kept telling me things about work that I couldn't even understand. 'Yung position ko, ewan kung ano, ayoko na intindihin pa. Wala akong idea kung anong klaseng trabaho 'yon! Gosh! Nakakainis pwede paki-explain sa akin lahat ng maayos? Tsss, how many times do I need to explain that Fashion Design ang major ko at hindi business!

"By the way Janelle, the board of directors and some shareholders are waiting for you. They want to meet you." He said without looking at me.

"Ako lang?"

"Yes. They knew me already." Bakit parang bigla akong kinabahan?


10 minutes before 9am ay nakarating na kami, habang naglalakad kami sa office nakatingin sa amin lahat ng empleyado. "Grabe ang gwapo talaga ni Mr. Tantoco!" Kilig na kilig na bulong nung isang mukhang isda na empleyado sa lobby. "Oo nga, mabait pa." Sabi naman nung isa. "Ang ganda at ang kinis ni Miss Janelle. Bagay na bagay silang dalawa!" Bulong naman nung isa... grabe lang huh. Bulong na ba ang tawag nila dun? Naririnig ko eh! Kami, bagay? How about eww? Pero infairness gusto ko ang sinabi niya na makinis ako. Totoong-totoo 'yun 'no! "Pero sabi nila masama daw ugali niya. Sayang ang ganda. Sayang din sa kanya napunta si Orion." Sabi nung isa sa mga panget na empleyado. Urgh sino ba naghire sa panget na 'to? This building should be a panget-free zone. Hiyang-hiya naman ako sa pagmumukha mo. Tumingin naman ako sa bumulong nun at tinignan ko siya with 'my manahimik-kang-panget-ka-glare'. Effective naman dahil napayuko na lang siya, natakot yata ang panget!

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now