Chapter 39: Intoxicated

46.1K 644 17
                                    

CHAPTER 39

THIRD PERSON

Hindi mapakali si Orion habang nasa loob siya ng kanyang sasakyan. Inis na inis niyang pinaghahampas ang manibela dahil nasa kalagitnaan siya ng mabigat na daloy ng traffic. Maghapon niya na yatang nilibot ang Metro Manila para lang mahanap si Janelle simula nang magalit ito kanina at naki-usap na magdivorce na sila. Sa totoo lang ay hindi pa talaga sila ayos simula nang malaman ni Janelle ang katotohanan na pinagtakpan niya si Jessica mula sa sikreto nito.

Kanina ay sinubukan niyang hanapin ang asawa sa bahay ng bestfriend nitong si Patricia pero bigo siyang makita ito doon. Akala niya ay magiging madali ang paghahanap niya dito dahil sa kotseng gamit nito na ibinigay niya, isang kulay purple na Porsche Boxster, dahil iilan lang ang may ganitong kotse sa bansa, pero kahit saan siya magpunta ay wala siyang makitang ganung klase ng kotse. Napatingin siya sa kanyang suot na relo, maghahating gabi na at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mahanap si Janella.

Sinubukan niyang tumawag sa bahay nila pero hindi pa rin daw dumadating doon ang kanyang asawa. Tinawagan niya ang pinsan niyang si George para tanungin kung nakita na ba nito si Janelle pero bigo pa rin siya. Humingi na rin siya ng tulong dito para mas mapadali ang paghahanap pero bigo pa rin.

Habang pa-gabi ng pa-gabi ay mas lalo siyang nag-aalala. Hindi niya yata alam ang gagawin kung sakaling may mangyaring masama sa babaeng mahalaga sa kanya. Tumunog ang kanyang cellphone, isang unregistered number ang tumatawag sa kanya. Agad niya itong sinagot. "Hello?"

"Janelle's in my house right now. She's drunk. Please pick her up." Narinig niyang sabi ng isang lalaki na nasa kabilang linya.

"May I know who's this?" Tanong niya.

"It's David, pick her up. I live in the same village as yours, I'll just text you my address." Agad nagliwanag ang mga mata niya sa narinig. Sa wakas ay nahanap niya na rin ang asawa.

Nagmamadali itong pumunta sa bahay ni David, nakita niya ang sasakyan ng asawa na nakapark sa harap ng bahay nito. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan para magdoorbell. Bumukas ang gate, agad na bumungad sa harap niya si David. Hindi niya ito pinansin at agad-agad na pumasok sa loob. Nakita niya si Janelle na natutulog sa sofa ng sala.

"What happened to her? What is she doing here?" Sunud-sunod na tanong niya dito. Nilapitan niya ang dalaga tapos ay pinagmasdan niyang mabuti ang maamo nitong mukha.

"She's drunk." Sagot ni David. Agad na napansin ni Orion ang mga lata ng beer sa coffee table ng sala.

"You let her drink those sh*ts?" Inis na baling niya kay David.

"You want me to let her drink in a bar instead? Oh mate, I can't let her drowned herself in alcohol in a bar with other pervert men." Sinamaan lamang ni Orion ng tingin si David, matapang naman na nakipaglabanan ng tingin si David sa kanya. Hindi mai-tatanggi na may bad blood sa pagitan nilang dalawa.

"I told you last week, mate... I'm willing to win her back." Seryosong sabi ni David kay Orion.

"I won't let you do that."

"Then prove yourself. If you really love her, you wouldn't hurt her."

"You have no idea."

"If you love Jessica, she's all yours now. File divorce. Jessica's yours and Janelle will be mine again."

"In your dreams, David." Sagot niya pagkatapos ay agad na binuhat si Janelle palabas ng bahay, sinundan naman siya ni David sa labas. Isinakay niya sa loob ng sasakyan si Janelle.

"I'll drive her car." Sabi ni David kay Orion. Tinitigan siya ni Orion pagkatapos ay tumango. Pumasok ito sa loob ng kanyang kotse tsaka agad na pinaandar ito. Ilang minuto lang nakarating na agad ito sa kanilang bahay habang nakasunod naman sa likod ng kotse niya ang kotse ni Janelle na dina-drive ni David.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now