Chapter 20: Bonding

46.7K 723 27
                                    

CHAPTER 20

Naghanap kaagad ako ng bathrobe sa cabinet niya. I just hope na malinis 'to, hindi ko ma-imagine kung madumi 'to eh di didikit sa akin ang mga germs. Kadiri lang. Pero infairness huh, ang bango ng robe niya. Very masculine ang amoy pero hindi masakit sa ilong, hindi katulad ng ibang perfumes na halos masuka ako dahil sa amoy.

Papunta na sana ako ng bathroom nang may mahagilap ang mga mata ko. It's a picture frame on the side table. His picture... with Jessica. Grabe lang, parang gusto ko ihagis 'yung frame dahil naiirita talaga ako sa pagmumukha ng Jessica na iyon. Nagshower na agad ako pagkatapos titigan ang picture na medyo masakit sa mata. 'Wag niyo na tanungin kung bakit. Basta masakit sa mata period.

Sobrang lamig ng tubig! Buti na lang may heater ang shower kaya ang heater kaagad ang ginamit ko, ayokong mamatay sa hypothermia 'no! Pagkatapos ng matagal na shower ay natapos din ako. Then I realized ang isa ko pang katangahan, hindi ako nakapanghiram ng pajama or any clothes kay mommy! Ayoko namang bumaba na ganito ang itsura ko. Aish. Makapaghanap na nga lang, siguro naman ok lang kung gamitin ko ang oversized t-shirt ni Orion, 'di ba? Buti na lang maong shorts ang suot ko kanina kaya pwede ko na ipangtulog 'to. Maghahanap na lang talaga ako ng t-shirt niya na pwedeng suotin.

Pero dahil maarte ako ay naiisip ko pa rin ang fashion style ko, isang polo ang kinuha ko at 'yun ang sinuot ko. Dahil nga kapre ang may-ari nito, maluwag at mahaba ito, pero dahil maparaan naman ako pagdating sa ganitong bagay ay finold ko na lang ang sobrang tela para kahit papaano ay mag-fit sa akin ng kaunti ang damit niya. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na agad ako, I'm sure they're still waiting for me.

Pagkababa ko sa living room ay naagaw ko agad ang atensyon nila. Obviously because of the clothes I am wearing. "Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Orion na halatang nagpipigil ng tawa. Tinignan ko ang damit ko, wala naman problema di ba? Inayos ko na naman 'to kanina.

"Anong, 'anong problema?' Nakalimutan ko kasi manghiram kay mommy kaya itong damit mo muna ang  sinuot ko."

"Yung buhok mo." Napahawak naman ako sa buhok ko. Basa pa at gulo gulo! Oo nga pala hindi pa ako nakakapagsuklay! Eh kasi naman walang suklay sa kwarto ng lalaking 'to! Napatingin ako sa salamin, mukha lang naman akong bruha! Mukhang akong witch, but a gorgeous and hot version of a witch naman 'no!

"Ali, get a hair brush bilis." Utos ni mommy kay Ali. Nagmamadaling tumakbo si Ali papunta sa taas. Tumatakbo rin siya pabalik and this time may hair brush na siyang dala.

"Here, ate. Use it." Nakangiting sabi niya habang inaabot sa akin ang hair brush. Ang cute niya talaga, sarap pisilin ng rosy cheeks niya.

Pagkatapos ko ayusin ang bruha kong buhok ay nagdecide na kami kung anong movie daw ang papanuorin. Nag-aaway away pa nga kami. Kasi syempre si Ali bata pa kaya cartoon movies ang gusto. Nagsuggest naman ako ng romantic films kaso ayaw ni Orion dahil korny daw! Sus, for sure nanunuod siya nun kapag mag-isa lang siya or kapag kasama niya si Jessica. Ayaw din naman ni Ali ng romantic dahil nga bata pa daw siya.

Kanina pa kami nagdedebate kung anong movies ang papanuorin. Nagsuggest naman si Orion na action na lang daw pero ayoko ng ganun! Ayun na yata ang pinaka ayaw ko, 'yung may mga barilan ek ek na iyan. Tsaka 'yung may mga sumasabog na kung anu-ano. Masyado kayang brutal minsan!

"Eh kung horror na lang kaya?" I suggested. Unang-una mahilig ako sa horror movies. Mas enjoy nga kapag horror kahit medyo brutal din minsan. Pero mas ok na 'to kesa naman sa mga action movies na puro bugbugan, suntukan o kaya naman parang gera.

"It's ok with me." sagot ni Orion.

"Me too." si Ali.

"Sure." Si mom. Ayos! Sa wakas nakapili rin kami ng kung anong genre. Ang tanong, magkasundo kaya kami kung anong horror movie? Naghanap ako sa stack ng mga horror movies. Masyado kasing organize ang stack ng DVDs nila, sama-sama ang action, romantic, horror.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now