Chapter 37: Gone Mad

44.4K 687 22
                                    

CHAPTER 37

PATRICIA

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kanina. Didn't know that Orion can do such thing to anyone. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari kanina, kung bakit niya pinagsasapak si David. Hindi ko talaga akalain na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Habang pinapanood ko ang pagsasapakan nilang dalawa ay alam kong galit na galit siya sa kung ano m'ang ginawa ni David.

'Yung talim ng tingin niya kay David, alam mong malalim ang pinaghuhugutan. Gusto ko sanang tanungin si Janelle kaso alam ko'ng sobrang stress siya sa nangyari, at isa pa parang kaninang umaga pa siya wala sa huwisyo. Hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya dahil masyado akong nakafocus sa boyfriend ko. Nagi-guilty tuloy ako.

Dahil sa kaiisip ko ay hindi na naman ako makatulog. Hatinggabi na kaya gusto ko nang matulog dahil masama ang magpuyat, ayokong pumangit ang skin ko. Tsaka ko lang narealize na mag-isa pala ako sa kwarto. Nasaan na ba ang tatlo kong kasama? Obviously ang boyfriend ko, tapos si Jessica at David ang kasama ko dito. Hindi ko talaga gusto ang Jessica na iyon. Ewan ko ba pero kumukulo ang dugo ko sa babaeng 'yon.

Naisipan ko'ng bumaba para pumunta sa kusina, to get a glass of milk. Gusto ko na kasi talagang antukin. Papasok na sana ako sa kitchen nang may narinig akong nag-uusap. Parehong pamilyar ang mga boses nila. Isang babae at isang lalaki. I know, it's not Janelle. At dahil naman sa accent ng pagsasalita, alam ko'ng si David iyon.

Tumigil ako sa paglalakad at pinag-isipan kung tutuloy ba ako para kumuha ng gatas pero natigilan ako sa narinig ko.

"Stop pushing yourself to him. You don't know Janelle. And what she's capable of. I'm telling you, don't you dare ruin their marriage." Narinig kong nadamay sa usapan ang bestfriend ko kaya pumunta ako sa isang sulok para magtago. I know that eavesdropping is bad, pero parang may nagtutulak sa'kin na makinig sa usapan nila. The way they talk to each other ay parang kilalang kilala nila ang isa't-isa.

"So what? Kilala mo ba siya? Why? Do you still care about me? Still getting jealous?" Parang nang-aasar na sabi ng babae, and I know who is she. Jessica. Automatic na napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Getting jealous?

Narinig kong natawa si David. "Seriously, Jess? You know what, I'm just giving you a warning. Stay away from Orion--"

"Or else what?" Naiinis na sagot ni Jessica. Dahil sa curious ako sa pag-uusap nila ay sumilip ako ng kaunti para makita ang pag-uusap nila. Nakita ko ang pagngisi ni David kay Jessica bago sinabing...

"I'll tell her about our past relationship." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Past relationship? Naging sila ni Jessica? How come? Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sarili ko. Baka kasi mamaya ay bigla na lang ako magsisigaw dito.

Hindi ko alam kung ilang minuto ba ako nakikinig sa usapan nila. Ilang beses rin nakatikim ng sampal si David mula kay Jessica. Kung bitch lang akong katulad niya ay malamang sinugod ko na siya at pinagsasampal ko rin ang mukha ng babaeng 'yon! Pero kailangan ko munang magtimpi ngayon.

Kung nagulat na ako sa mga narinig ko kanina ay hindi ko rin inasahan ang huling sinabi ni David. "Stay away from Orion and our secret will stay between you, George, Orion and I."

Darn it. Alam nilang lahat na naging si Jessica at David? Na si Jessica ang dahilan ng pag-iwan ni David sa bestfriend ko? Lahat sila? Including Orion and George and nobody informed me... us. Alam pala ni Orion ang tungkol kay David at Jessica but he didn't tell Janelle?

Sobrang naiinis ako sa boyfriend ko dahil hindi niya rin nakwento sa'kin 'to. This is darn stupid! Dahil sa narinig ko ay pakiramdam ko na-stress ako! Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Janelle ang lahat nang narinig ko. But she deserves to know everything. Simula nang iwanan siya ni David ay gusto niya nang malaman ang totoong dahilan kaya noong inamin ni David sa kanya na isang babae ang dahilan, gustong gustong malaman ni Janelle kung sino ang bitch na 'yon—or should I say 'whore'.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now