Chapter 8: Engagement

67.1K 956 85
                                    

CHAPTER 8

JANELLE

Urgh! This is annoying. My dad and Orion's parents set an Engagement party for us! I don't understand them kung bakit nila ginagawa 'to. Pumayag na nga ako sa kasal na 'to pero bakit ganyan? Bakit gusto pa nila ng official Engagement? As if namang gusto talaga namin pakasalan ang isa't isa! Bakit ba kasi ako pumayag in the first place? Sabagay no choice naman kasi talaga. Dad called me earlier and he wanted me to go in his office. Now, I'm on my way at mukhang late na naman ako sa usapan. Traffic forever sa Pinas! 2PM ang usapan nami, it's already 1:50. Guess what? I'm stuck in a heavy traffic. Malayo pa ang office ni dad, lagot talaga ako. Usad pagong talaga, 'di ko napansin ang oras 2PM na at nasa gitna pa rin ako ng traffic!

Narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya kinuha ko naman agad sa bag ko.

Unknown number is calling...

Sana hindi si dad 'to. "Hello?" Sagot ko.

"Janella, where are you?!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni dad, obvious na galit na naman kasi late ako.

"D-dad, eh kasi sobrang traffic." I bit my lip, kinakabahan ako sa tono ng boses ni daddy.

"Janella, kailan ka ba magiging professional? Ayokong pinaghihintay ako." I know, sa tono ng boses ni daddy na galit na galit na siya.

Darn it! Bakit ba kasi sobrang traffic sa Pinas?! "Sorry dad. Promise dadating ako diyan."

"Faster!" He hung up.

After few minutes ay umandar na rin ang sasakyan. May banggaan pala kaya sobrang traffic, pero shoot lang dahil quarter to 3 na! Patay na talaga ako.

Pagdating ko sa building parang naulit lang ang nangyari noong unang pag-uwi ko dito sa Pilipinas. Takbo agad ako papuntang elevator. Pagdating ng 10th floor tinakbo ko ulit hanggang sa office ng dad ko, wearing my 4-inch heels. I opened the door of his office kahit hingal na hingal pa 'ko. I saw my dad na nakatayo... and obviously hinihintay ako. Halata sa itsura at aura niya na galit na talaga siya.

"Finally you're here!" Inis na sabi niya sa'kin.

"Sorry dad. Like what I've told you there's--"

"Umupo ka na doon!" 'Di ko na natuloy ang sinasabi ko dahil pinaupo niya na ako. He pointed the vacant chair beside Orion. Nandoon din ang mom and dad niya sa loob ng room.

I approached Mrs. Tantoco-- I mean Tita. "Sorry po." I apologized, nakakahiya sa kanya.

"It's okay Janelle." She smiled, ang ganda niya talaga.

"So what is this all about?" I heard Orion asked. So wala rin siyang idea? Well obvious naman.

Tumayo si Mr. Tantoco tapos tumabi kay dad. "Well we just want to tell you guys na tomorrow night na ang engagement party niyo." Mr. Tantoco said.

"WHAT?!" Orion and I said in unison! Napatayo pa nga si Orion sa upuan. Over acting lang, pwede na manalo ng Best Actor sa Oscars.

What the hell? Bukas agad-agad?

"What do you mean by that?" Napatingin naman ako kay Orion nung sinabi niya 'yon, halata rin kasi sa tono ng boses niya ang pagka-irita sa nangyayari.

"We need to rush everything, hijo your wedding will be 3 weeks from now." Nanlaki naman mata ko sa sinabi ni dad.

Three weeks from now?!

*

We're already here in a 5-Star Hotel. Ang hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni jerk. I just found out na nasa hotel industry pala ang pamilya niya at nagmamay-ari ng mga 5-Star hotels not just here in the Philippines but also in other countries. At isa nga itong hotel na 'to sa pagmamay-ari nila. 'Pag nagkataon, siya pala ang magmamana ng lahat ng ito. Hindi na rin pala ako lugi, infairness.

Trapped by ArrangementWhere stories live. Discover now