Chapter 13

779 22 11
                                    



Bacon.

Uhmmm..

Fried rice.

Uhmmm.

Scrambled egg.

Uhmm.

Coffee.

Sobrang bango. Nakakagutom.  Nakakapag laway.  Pero hindi ko mabuksan ang mga mata ko dahil sobrang sarap din matulog.  Lord,  bakit nyo po ako pinapahirapan mag desisyon, ayokong mag let go. 

"Andrea, naglalaway ka na.  Bangon na." Naririnig ko ang boses ni unggoy. Aga aga boses ng unggoy agad maririnig ko. Suminghot ulit ako para lasapin ang amoy ng bacon. 

"Andrew, aga mo bro ah." Rinig ko mula sa labas.  Nananaginip ba ko?  Hindi ko talaga maimulat ang mga mata ko. May narinig akong kalansin ng mga kubyertos malapit sakin at meron din sa malayo. 

"Aray!" daing ko ng may pilit nagbukas ng mga mata ko.  It's Paolo. 

"hahaha sorry.  Masakit ba?  Tagal mo kasing gumising eh. " Napabalikwas ako ng tayo nang ma-realize ko na nasa loob ng kwarto ko tong unggoy na to. Tiningnan ko ang sarili ko at muka namang in good condition ako. May biglang tumamang unan sa muka ko.

"Hoy!  Anong iniisip mo?!  Wala akong ginawa sayo ah!" Binato ko sa kanya yung unan na binato nya sakin. 

"Eh bakit ka nangbabato?!" Kinuha nya sa sahig yung unan at nilagay na lang ng maayos sa kama ko.

"Ikaw eh. Dumi ng utak mo. " Napatingin ako sa may table ko at nakita ko ang tray ng mga pagkain na naaamoy ko kanina.  Ano to?  Breakfast in bed? Napansin nyang nakatingin ako sa pagkain kaya lumapit sya doon at kinuha ito. 

"Oh,  kumain ka na. "

"Bakit dito pa?  Nakatulog na ba ko kagabi?  Paano ko napunta dito?  Ikaw nag luto?  Nasa labas pa silang lahat?  Nandyan si Andrew?"

"Dami mo namang tanong.  Sa labas ka na lang nga kumain.  Bumagon ka na dyan,  ilalabas ko na to. " Ayun,  lumabas nga sya.  Bastos yon, ni wala manlang sinagot sa tanong ko.  Hindi ko talaga matandaan kung paano ko napunta dito.  Nalasing ba ko?  Duh. Malamang hindi,  lights lang naman ininom namin.  Tumayo na ko at nag ayos para lumabas.  Nasa dinning area na sila at kumakain.  Si Andrew naman nakita ko na nasa sala lang,  nanuqnuod. 

"Good morning bessy! " Bati ni Dianne at Jessica.  Ganon din naman ang ginawa ko,  binati ko din si Tonio at Daniel.  Niyaya nila akong kumain na, si Paolo naman nilalagay na sa table yung dala nya kanina. 

"Bro,  iba ka.  Sarap ng sinangag mo!  The best!  Sabi ni Tonio habang sumasandok pa ng kanin." Tumatawa lang si Pao pero deep in side sigurado akong nagyayabang na yan. Tumayo si Daniel para kunin yung juice sa ref.  Wow ha?  All set na kahit tulog pa ko.  Pinag lagay niya si Jessica sa baso at tinanong din kami ni Dianne but I want hot coffee for breakfast. 

"Andrew,  kumain ka na? " Tanong ni Paolo.  Tumingin ako kay Paolo dahil naalala ko yung pinag usapan namin kagabi.  He's keeping it as our secret right?  Wala akong narinig na sagot kay Andrew kaya tumingin ako sa kanya.  Napatingin din sya sakin kaya umiwas na ako ng tingin.

"Bakit di natin to gawin ng madalas? Ang cool sa feeling na pag gising natin tayo agad magkakasama." Suhestyon ni Daniel.  They agreed kaya tumingin sila sakin na para bang humihingi ng permisyo.  Hindi pa ko makasagot pero ok lang naman. I was about to say ok pero nag salita si Paolo. 

"Kung gusto nyo,  minsan sa unit ko tayo. "

"Unit?" Tanong ko.  Hindi ba sya sa bahay nila nakatira?

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon