Chapter 11

694 15 4
                                    


"Boyfried mo ba yung isa don?" Biglang tanong ni Paolo.  Nasa sala kami, nanunuod ng kung ano ano dahil palipat lipat ng channel ang isang to. 

"Huh? Sino?  Saan?" Kinuha ko ang unan at nilagay sa may hita ko.  Si Pao naman ay komportableng komportable sa paghilata nya sa sofa. 

"Sino nga yon?  Alvin?  Albert? Basta yung tumawag sayo na baby. "

"Si Andrew. Hahahaha hindi ah.  Wala akong boyfriend." Ang random naman nito,  bigla na lang nagtatanong kung boyfriend ko si Vergara.  Muka bang magiging kami non? 

"Ahh.  Kahit anong something wala?  Sya o ikaw? "

"Kulit mo.  Wala nga,  bakit ba?  Type mo?" Tumawa ako sa sinabi ko pero sya hindi.  Basag trip naman oh. 

"Natanong ko lang.  Hindi ka na ba umuuwi sa bahay nyo?  Kapag nagpupunta kasi ako don sa may street nyo never kitang nakitang lumabas."

"Bakit ka naman nagpupunta don?"

"May pinupuntahan lang." Mas niyakap nya ang unan sa may dibdib nya. Gumilid din sya ng paghiga sa sofa. Hindi kaya sya nakakaramdam ng ilang o hiya? Ilang taon kaming hindi nagkita o nakapag usap man lang pero parang kung pakitunguhan nya ko parang kahapon lang kami huling nagkita.  Though parang ganon din naman yung pakiramdam ko. 

"Ah..  Girlfriend?  Tuwing linggo sinusubukan kong makauwi don,  pero depende rin sa mga gagawin ko. "

"Hmm.  Oo? "

"Hindi sure?  O baka hindi alam ng babae na girlfriend mo sya? "

"Ako pa nga minsan ang hindi nakakaalam na may girlfriend pala ako eh.  Alam mo na." nakangising pagbubuhat nya ng sariling bangko.  Nag pogi sign pa sya.  I rolled my eyes then he laughed.  Bumangon sya sa pagkakahiga. 

"Kapal pa rin ng muka mo 'no?  Try mo kayang lihahin yan para naman mabawasan kahit paano. "

"Kunwari ka pa eh gwapo rin naman ako sa paningin mo.  Titig na titig ka nga sakin kanina eh, akala ko hahalikan mo na ko. " Nagtakip sya ng bibig at katawan!  Grabe! 

"Feeling mo naman!" Binato ko sya ng unan pero nasalo nya lang ito habang tumatawa sya.

"Asuus.  Uyyy si Andy crush pa rin ako. Hahahaha" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya!  What the hell??  Paano nya nalaman na naging crush ko sya?  O frank lang to at naghuhuli lang sya.  Naging crush ko sya noon grade 7 na kami,  medyo maayos na kasi kaming dalawa non, hindi na puro asaran.  Nakakapag usap na kami ng matino at medyo mabait na sya sakin.  Pero crush lang naman, hindi umabot sa point na kinikilig ako sa kanya. 

"Wow! Lakas!  Grabe ka Pao,  malala ka na po.  Hinay hinay minsan ah,  baka isipin ng iba baliw ka na dahil sa tindi ng imagination mo."

"Hahaha kunwari ka pa eh, ok lang naman sakin. Wag ka nang mahiya. Single naman ako eh." Lalapitan ko sana sya para hampasin ng unan pero biglang tumunog ang door bell ko. Siguro sila Dianne na yon. I rolled my eyes at him bago tingnan kung sino yung dumating. Si Tonio, Dianne, Jess at Daniel ang dumating. Pinapasok ko sila sa unit ko, napatingin sakin si Jessica nang makita nya si Paolo.

"Aga nyo ah. Hindi ko na tuloy solo si Andy." Natatawang sabi ni Paolo. Tumingin ako ng masama sa kanya.

"Hahaha joke lang. Uhm, wala ka kanina ah? Bro, Paolo nga pala." Nakatingin sya kay Tonio. Kapal talaga ng mukha nito, sya na nagpakilala sa sarili nya. Ngumiti at tumango naman si Tonio at nagpakilala siya bilang Anton. Arte much? hahaha. Anton daw. hihihi

"Si Andrew nasan na?" Tanong ni Tonio bago umupo sa tabi ni Dianne. Ohhh. I almost forgot na may something nga pala silang dalawa. 

"Ewan ko don, hindi naman nagte-text eh. Dadating na lang yun bigla." Sagot ko. Pumunta ako sa may kusina para kuhanan sila ng juice. Malapit na mag 9 kaya padating na rin yon, on time naman kasi lagi sa usapan yon. Nag uusap usap sila habang naglalagay ako ng juice. Nagtatanong sila kay Pao ng kung ano ano tungkol sa kanya. 

If by ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon